(17)

56 3 0
                                    

Napatakip ako ng kumot sa mukha ng masalubong ang tingin ni Yvez pagkamulat ko ng mata. Narinig ko naman ang pagtawa niya at pag alis sa kama. Dahan dahan kong inalis ang kumot sa mukha ko at kunot noong napatingin sa kaniya.



"N-Natulog ka? H-Hindi ko napansing nahiga ka." Kunot noong sabi ko.



Umiling naman siya laya lalong napakunot ang noo ko. "Nagkaproblema sa pagitan nina Axie at Luxzell kagabi." Nagbuntong hininga siya tsaka naupo sa kama.



Kumunot lalo ang noo ko. "A-Anong problema?"



Nagbuntong hininga muna siya bago may kinuhang plato sa gilid at nilagay sa bed table. Naglatag siya ng bacon, itlog, lungganisa at kanina sa harap ko. May gatas pang kasama.



"Hindi ko alam kung maniniwala ka pero 'yung nakaraang kasama naming Luxzell, robot siya." Sabi niya na napatawa pa.



Kumunot ang noo ko. "Robot?"



Tumango naman siya. "Yes Robot. Kagabi lang ay nagpakita 'yung tunay na Luxzell kaya nagkagulo kagabi. Masyadong mahimbing 'yung tulog mo kaya hindi mo napansin." Nakangiting sabi niya na nilingon ako.



Umupo ako tsaka hinarap ang bed table kaya humarap na din siya doon.



"K-Kamusta na si Ate Axie?" Tanong ko.



Lumingon sa akin si Yvez habang nakaangat ang gilid ng labi. "Ate Axie huh."



Gusto kong magmaktol dahil 'yun ang napansin niya at hindi 'yung pinakatanong ko.



"Yeah I hope they are okay now. Don't mind them, they love each other." Nakangiting sabi niya tsaka nagsimulang kumain.



"I-Ikaw ang nagluto?" Nagtatakang tanong ko at nagaimula na ding kumain.



Umiling siya. "I don't know how to cook." Natatawa siya. "How about you?"



"Marunong ako." Sabi ko na nilingon siya.



Lumapad naman ang ngiti niya. "Really? You can cook for me?"



Sa ngiti niya pa lang ay ang hirap ng tanggihan! "A-Anong paborito mong pagkain?"



"Sisig." Maikling sagot niya habang nakangiti.



Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko alam kung paano lutuin ang pagkain na 'yun.



"H-hindi ko alam kung paano lutuin 'yan pero 'wag kang mag alala, kaya ko naman pag aralan 'yan." Sabi ko naman.



"Woah? You want to learn to how to cook sisig just for me huh." Nang aasar ang tonon niya.



Napakunot naman ang noo ko. "Edi 'wag tsh." inis na sabi ko.



Napatitig siya sa'kin dahilan para mailang ako. Nakangiti pa siya kaya lalong nakakapanlambot.



"This is my first time to saw you angry." Para bang bumibilib siya.



"W-Wag mo 'kong titigan, nanlalambot ako." Pag amin ko na napalunok pa.



Natawa naman siya pero agad ding umiwas ng tingin.



"So kamusta ang pag aaral mo? Balita ko tapos na exam niyo?" Tanong niya habang may subo subo pa.



"Oo. Wala na rin kaming lesson, preparation na lang para sa recognition." Kaswal na sabi ko, hindi na nakakadama ng pagkailang.



"Ohh. Can I attend your recognition?"



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now