(06)

61 4 0
                                    

"Hi"



Napalingon kami sa likod ng may magsalita, si Ate Trisha. Kasama nito sina Ate Alwina at Ate Cathlyn.



Nasa Canteen kasi kami ngayon at kumakain dahil nagugutom nanaman si Heliexia.



"Yes po?" nakangiting tanong ni Yullyz.



"Pinapabigay ni Nash sa iyo" nakangiting sabi ni Ate Trisha na may inabot na sobre kay Yullyz.



Sabay sabay kaming napalingon sa papel na ibinigay ni Ate Trisha kay Yullyz. Dahan dahan namang napalingon sa amin si Yullyz.



Magkakakalase kasi sina Ate Alwina, Ate Cathlyn, Ate Trisha, Kell, Minux at Nash. Hindi na ako magtataka kung pinapaabot ni Nash kay Ate Trisha ang sulat para kay Yullyz.



Nailang namang kunin 'yun ni Yullyz. Sino nga bang hindi mahihiya o maiilang e lahat ng mata ng estudyanteng nasa Canteen ay nasa pwesto namin ang tingin.



"S-salamat" nahihiyang sabi ni Yullyz na sinilip pa ang papel.



Nang makaalis sina Ate Cathlyn ay agad na nakichismis si Heliexia kay Yullyz.



"Ano 'yan ha?" nakataas ang kilay na tanong ni Helieixia.



Naiilang naman na umiwas ng tingin si Yullyz at pinasok ang papel sa loob ng bag niya.



"Wala ka bang aaminin friend?" sabi ni Yhanna na nagtataray din.



"Oo nga, nakakacurious kung anong mayroon sa inyo ni Nash ha" sabi ko na ikinatango nina Heliexia at Yhanna.



Madalas kasing tahimik si Yullyz sa tuwing babanggitin nina Yhanna at Helieixia ang gusto nila.



"A-ano kasi, nanliligaw si Nash"



"Oo halata naman" nakangiwing sagot ni Yhanna, natawa naman ako. "Bukod do'n?" Nakataas ang kilay na tanong nito.



"T-tulad ng ano naman?" maktol ni Yullyz na halata ang pagkailang.



"Gusto mo na rin ba?" tanong ni Heliexia.



Naiilang naman si Yullyz na tignan kami isa't bago tumango.



"Yun oh!" hirit naman ni Yhanna na bahagyan pang pinalo ang table.



"Eh bakit hindi mo pa sagutin? Sayang naman!" Hirit naman ni Heliexia.

SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now