(24)

48 4 0
                                    

"Ohmygash! I'm... I'm so speechless darling." Sabi ng Mom niya habang napatakip pa ang kamay sa bibig niya.



"But I need to wait her until she became 18." Sabi ni Yvez na nginitian pa ako.



"O-Ohh really? So... Hindi pa kayo?" Nagtataka ang tanong niya.



Umiling naman agad si Yvez. "For now, she's my bestfriend." Nakangiting sabi ni Yvez.


Sa paraan ng pakikipag usap niya ay halatang close sila ng Mom niya kahit malayo ito sa kaniya. Ito yata ang raso kung bakit hindi nagrerebelde si Yvez.



"H-Hi Jiwell. Nice to meet you." Sabi ng Mom ni Yvez sa'kin.



Bahagya pa akong nagulat dahil ang lambing ng pagkakatawag niya sa pangalan ko. Agad naman akong bumawi ng ngiti sa kaniya pero may halong kaba 'yun dahil sa presensiya niya.



"N-Nice to meet you din po Mrs. Alvarez."



"Oh come on, tita na lang." Sabi nito na lalong lumapad ang ngiti.


Ngumiti din ako tsaka lumingon kay Yvez. Hindi ko alam kung kanina pa siya nakatingin sa'kin dahil paglingon ko sa kaniya ay nakatingin na siya sa'kin.



"By the way, what are you doing here Mom?" Tanong ni Yvez na inalis ang tingin sa'kin at ibinaling sa Mom niya.



"Hey, this is our house." Natatawang sabi ng Mom niya, natawa din si Yvez.


"Are you stay here or you leave again?" Napalingon ako kay Yvez ng sabihin niya 'yun, nakangiti naman siya pero kita 'yung lungkot sa mata niya.




"Actually may kukunin lang akong paper dito then I will leave again." Sabi ng Mom niya, halata din na ayaw ding iwan si Yvez. "Sorry for that." Sabi nito tsaka lumapit kay Yvez at niyakap. "I will promise that we are stay here if we are done working okay?" Sa pananalita ng Mom niya ay halatang mahal na mahal nito si Yvez. Nanlaki ang mata ko ng lumingon ito sa'kin at bitawan si Yvez. "You can stay here anytime and careful my son ha." Nakangiting sabi nito.



Agad naman akong napatango. "M-Maasahan niyo po ako." Nakangiting sabi ko.




Ngumiti naman siya tsaka may kinuha nga sa kung saan. Ngumiti muna sa'min bago lumabas ng library. Para kaming naiwang tulala ni Yvez na nasa pinto lang ang tingin. Napalingon lang ako sa kaniya ng magbuntong hininga ito at maupo.




Mahirap nga talaga ang buhay niya. Para bang nasanay na lang siya doon pero hindi niya pa ring maiwasang malungkot. Sino nga ba namang hindi malulungkot doon? Ni hindi nga nag isang oras ang pagtagal ng Mom niya dito.



Naging abala nanaman ako sa pag aaral, kami ni Yvez. Nagpaalam siya sa'kin na pupunta sila ng Bicol para tulungan sina Axie at Luxzell na magcontribute ng financial education sa mga taga Bicol na ginagawa naman talaga nila year by year.



Palagi rin akong nasa bahay dahil wala din naman akong mauuwian kina Yvez dahil nasa Bicol ito kasama ang mga kaibigan niya. Lumalabas lang din ako kapag nagyayaya ang mga kaibigan kong lumabas.




"Hoy may kasama dibang babae sina Yvez sa Bicol! Alam mo?" Tanong sa'kin ni Heliexia.




Napakunot naman ang noo ko. Sinong babae? Wala namang sinasabi sa'kin si Yvez e!




"Ang alam ko lang na kasama nila e si Axquecia, anak ni tito Primo." Kunot noong sabi ko habang isinasawsaw ang isaw sa suka.




"Hindi! Kilala ko 'yun e! Bukod doon wala na?" Tinaasan ako ng kilay ni Heliexia, umiling naman agad ako. "Naku! Ang gandang babae! Kaibigan yata ni Axie 'yun!"



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now