(30)

63 3 0
                                    

"Gusto ka ba ng Minux na 'yun?" Kunot noong tanong ni Yvez habang nakacross arm.



Napakunot naman ang noo ko. "H-Hindi ah!" Agad na depensa ko.



"Bakit ganu'n siya makatingin sa'yo?"




"W-Wala 'yun. Ganu'n lang talaga 'yun." Sagot ko na agad na umiwas ng tingin.



Gusto ko rin naman malaman kung bakit kung tumingin at makipag usap si Minux. Hindi ko rin kasi inaasahan na narito din siya sa Calixton University mag aaral.



"I'm a boy Yskaela. I know if a man like that girl." Sabi niya na suminghal pa.



Napanguso naman ako. "H-Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo." Pagdadahilan ko.


"Hoy! Gaga narito din pala si Luxzell at ikaw nag aaral." Sabi ni Heliexia na bahagya pang tinulak si Yvez.



"Yeah pati 'yung lalaking may gusto kay Yskaela dito rin mag aaral." Nagbuntong hininga si Yvez, napanguso naman akong nag iwas ng tingin.



"Si Minux dito rin?" Nagtatakang tanong ni Yhanna.




"Oo pati sina Kell at Nash dito rin." Sabi ni Yullyz.



Napalingon naman ako sa kanila. Tinaasan naman ako ng kilay ni Yvez. Napaiwas ulit ako ng tingin. Pata tuloy akong tuta na sinasaway ng amo ko.



"Hindi pa ba kayo uuwi?" Boses 'yun ni Nash.


Napalingon ako at kasama niya sina Kell at Minux. Agad akong sinalubong ng tingin ni Minux kaya napalingon ako kay Yvez pero lalo niya akong tinaasan ng kilay habang nakatikom ang bibig at nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang braso. Napanguso nanaman akong napaiwas ng tingin.



Nagseselos ba siya? Oo nagseselos siya tsh.



Wala naman akong gusto kay Minux e. Siguro hinangaan ko siya pero hindi ko talag gusto si Minux.




"Pakiramdam ko sinusundan kayo ng mga 'yun." Sabi ni Yvez ng makaalis sina Minux. "Bakit ngayon lang sila lumipat dito?" Kunot na kunot ang noo niyang lumingon sa'kin. "Baka sinusundan ka."



"Hindi naman yata. Jowa kasi ni Yullyz si Nash." Sabi ni Yhanna.



Napalingon naman si Yvez kay Yullyz. "I hope so. I don't want to compete lalo na kung sa akin na 'yung premyo." Sabi ni Yvez na nilingon pa ako.



"Wag kayong maglambingan dito, naiinggit ako." Sabi ni Heliexia na kunwaring nagmamaktol, natawa naman si Yvez.



"Single si Tristan kaso feeling ko may gustong iba 'yun e." Sabi naman ni Yvez.



Napalingon naman ako sa kaniya. Wala na akong balita tungkol sa kaibigan niyang 'yun. Palagi kasi silang magkasama tatlo nina Luxzell at Tristan. Baka busy lang sa kani kanilang buhay.



"Don't stare at me, eat your food." Nakakunot ang noo niyang sabi sa'kin.



Narito kami ngayon sa restaurant at para bang inis na inis siyang kasama ako, nakakatampo naman. Kanina pa siya kunot ang noo at para bang naiinis sa hindi ko malamang dahilan.



"What?" Tanong niya habang tinaasan ako ng kilay.



Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. Inaalam ko kung ano ang nasa isip niya. Nakasimangot ako habang nakatitig sa kaniya. Hindi ako nagpatuloy sa pagkain, gusto kong malaman kung bakit bigla siyang nagsusungit.




SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now