(03)

70 4 0
                                    

Nang dumating ang alas nwebe ng gabi na hindi pa ako nakakauwi ay grabe na ang kaba ko. Hindi kasi ako sanay na umuuwi ng sobrang gabi. Ang paalam ko kasi kay 'nay Sally ay hanggang alas otso lang ako ng gabi.




Nag iinuman pa din ang mga kaibigan ko at halatang lasing na sina Heliexia at Yhanna pati na nga si Yullyz. Ako lang ang hindi lasing dahil hindi naman ako uminom.




Napatingin ako sa bag ko ng maramdaman ang pagring ng phone ko. Agad kong kinuha at bumungad agad sa akin ang lagpas sampong missed call ni 'nay Sally.




"Sorry po. Malakas po kasi ang tugtog dito kaya hindi ko napansin" pagpapaliwanag ko kaagad ng masagot ang tawag niya.



"Akala ko ba ay hanggang alas otso ikaw? Alas nwebe na"





Napapikit pa ako at kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko kasi ay pagagalitan niya ako dahil hindi ako sumunod sa usapan.




"P-psensiya na po. Hindi ko po kasi napansin ang oras. U-uuwi na po ako" kinakabahan na sabi ko.



"Uuwi ka na?" tanong ni Minux na ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sa akin, tumango naman ako. "Sasamahan na kita"



"Sige na po 'nay. Pauwi na po ako. Pasensiya na talaga" sabi ko na nakagat pa ang sariling labi.




"Sige sige. May masasakyan pa ba diyan?"




Wala ako sa sariling napatingin kay Minux. Wala naman akong choice dahil baka wala ng sasakyan kaya saaabay ba 'ko sa kaniya.



"M-mayroon po 'nay"




"Sige. Mag iingat ka. Hihintayin kita"



Tsaka niya binaba ang linya. Hala! Baka mapagalitan ako nito e. Hindi ko talaga napansin ang oras dahil enjoy sila kausap.




"Mauna na kami guys." paalam ni Minux na hindi man lang hinintay ang sagot ng kasama namin.



Hinila niya ako at dinala ang bag ko. Napangiwi pa ako ng sinubukan kong agawin ang bag e inilayo niya sa akin. Pinagbuksan niya ako ng kotse at sumakay naman siya sa kabila. Inilagay niya ang bag ko sa gitna at nagsimula na siyang magmaneho.




Walang ingay ang namagitan sa aming dalawa. Hindi ko nga maramdaman ang pagkailang dahil naiisip ko kung anong sasabihin sa akin ni 'nay Sally kapag uwi ko.



"Nabalitaan ko na inaway ka nanaman ni Alleia" basag ni Minux ng katahimikan kaya napalingon ako sa kaniya. "Psh wala talaga magawa ang babaeng 'yun puro gulo" kumunot naman ang noo niya pero hindi man lang ako nilingon at nagfofocus lang sa pagmamaneho.




"B-bakit kayo nagbreak?" naiilang na tanong ko kaya napaiwas ako ng tingin.





"Yun nga puro gulo. Hindi naman ako minahal 'nun" napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya 'yun pero nasa harap pa din ang tingin niya. "Felling ko nga e ginamit lang ako pero ayos lang" sabi niya na ngumiwi pa. "Ikaw?" tanong niya na nilingon ako saglit at muling nagfocus.




SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now