(12)

53 4 0
                                    

"Alam niyo na ba kung saan 'yung rooms niyo?" Tanong ni Yvez sa amin.



"Hindi e." Sabi ni Heliexia habang nililibot ang tingin.



Tapos na kasi ang mga laro namin. Nanalo sina Heliexia tsaka Yullyz sa volleyball. Naglalakad na kami papunta sa room na nakaassign sa amin pero dahil sa sobrang lawak ng Calixton International School ay mahirap hanapin ang room na 'yun.



"Samahan ko na kayo." Prisinta nanaman ni Yvez.



"A-ano. 'Wag na. B-Bka nakakakaabala na kami." Singit ko dahilan para mapalingon silang lahat sa'kin.



Ano bang masama sumingit? Tsh.




Natawa naman si Yvez tsaka iiling iling na napakamot pa sa sintido niya. "Actually tito Primo ask me to guide you here so... want it or not, I will guide you'll." Sabi ni Yvez habang nakangiti na napalingon pa sa mga kaibigan ko.




"Abah 'yun naman pala e. Napakaarte mo naman Jiwell. Tara na." Tumatawang sabi ni Heliexia.



"Nakakahiya na hutangena niyo." Bulong ko.



"It"s okay. Maliit na bagay lang naman 'to tsaka wala naman akong gagawin." Nakangiting sabi ni Yvez, nailang naman akong tumango.



Nagsimula na silang maglakad. Nasa hulihan kami ni Yullyz. Halos harutin ni Heliexia si Yvez kaya naiilang ako. Baka kasi naiinis si Yvez pero pinipilit niyang makisama. Ayaw ko lang talaga na makakaistorbo.



Nang tumigil na siya sa harap ng room ay napatigil din kami. Napalingon ako at ito na talaga ang room ng Miranda dahil puro kaschoolmate na namin ang narito.



"Wahhh Yvez Alvarez!"
"Woah may something!"
"Sanaol may pasunod sundo ha!"
"When kaya ako masusundo ng isang Alvarez!"



Atungol ng mga kaschoolmate namin. Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa nila.



"Maiwan ko na kayo ha. Ingat." Sabi ni Yvez na nilingon pa kami.



"Maraming salamat Yvez. Sana makasama ka namin sa susunod." Bibong bibo na sabi ni Heliexia, nagpapacute pa tsh.



"Salamat." Sabi ko.



Sabay sabay naman silang napalingon sa'kin. Ano bang masama sa mga sinasabi ko at parang pinag usapan pa nila na sabay sabay silang lilingon sa'kin.



"Napakaeffort mo naman magpasalamat." Natatawang sabi ni Yhanna.



Natawa din si Yvez. Ano bang nakakatawa? Tsh.



"Welcome. See you around." Sabi ni Yvez tsaka kumaway pa bago naglakad palayo sa'min.



"Gaga ang pogi niya! Saan mo naman nasungkit 'yun!" Parang nambibintang pa si Heliexia.



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now