(02)

86 4 0
                                    

Nang magsimula ang klase ay hindi na namin nagawang magdaldalan dahil sa layo ng mga pwesto namin. Dahil maliit si Heliexia ay nasa unahang bahagi siya habang nasa gitna naman si Yhanna at nasa likod naman kami ni Yullyz na nasa magkabilang gilid. Tahimik din ang klase dahil istrikto ang guro namin sa Mathematics.


Nang matapos ang unang set ng subject ay dali dali kaming pumunta ng Canteen. 30 minutes lang naman kasi ang break kaya mas mabuting madalian kung kumain. Tulad ng dati ay punong puno ng estudyante ang Canteen. Marami ang nagkwekwentuhan at nagmukha na nga itong palengke sa dami at ingay ng tao.


"Oy kaloka ka! May something pala sa inyo ni Nash ha" kalabit ni Heliexia kay Yullyz, magkatabi sila sa kabila habang magkatabi naman kami ni Yhanna.



"Ano ka ba! Wala 'yun! Nagsama lang naman kami" sabi ni Yullyz na iniiwas ang tingin sa amin.


Nagpapatuloy lang kami sa pagkain habang hindi rin natigil ang ingay ni Heliexia.


"Alam mo kung anong nagustuhan sayo ni Minux na wala kay Alleia?" nakataas na kilay na tanong sa akin ni Heliexia, pinagkunutan ko naman siya ng noo.


"Dimple!" sabay sabay na sabi nilang tatlo.


Napayuko naman ako sa lakas ng bibig nila, nakakahiya talaga tsh.


Hindi ko rin maitatanggi na lamang ko 'yun kay Alleia. May dimple ako sa magkabilang pisngi at ayaw kong ngiti ng ngiti sa tuwing kasama ang mga kaibigan ko dahil inaasar nila 'ko na pacute ako ng pacute kahit hindi naman.



"Tsk! Kung hindi lang kita kaibigan e paniguradong binomba ko na ang bungo mo" sabi ni Yhanna na tinaasan din ako ng kilay, crush niya kasi si Minux.


"Buti na lang e walang gusto sayo si Kell dahil kung hindi..." putol ni Heliexia na tinaasan din ako ng kilay. "Edi ikaw na tangena ka"


Natawa naman kami sa kaniya.


"Walang ingay ha." pang aasar ko kay Yullyz na walang imik.

Pinagsinghalan niya naman ako at natawa.


"Umamin ka nga" sabi ni Yhanna na pinagtaasan ng kilay si Yullyz. "Crush mo si Nash ano?"


Nakita naman namin ang panlalaki ng mata ni Yullyz at agad nag iwas ng tingin. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya at pagkailang na tumingin sa amin.


"Wag ka ng sumagot, halata masyado Yullyz" natatawang sabi ko.


Habang pabalik kami sa room ay naisip ko ang mga pagkakaiba naming lahat. Si Heliexia kasi ang pinakamaingay. Si Yullyz ang pinakatahimik o mahiyain at parang cold pa kung tignan habang si Yhanna ang pinakamataray at ako naman ang hindi maingay pero hindi rin tahimik. Gets? Si Heliexia ang pinakamaliit, sakto lang ang height ni Yhanna habang matangkad naman ako pero mas matangkad si Yullyz.

SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now