(04)

59 4 0
                                    

"GAGI ANG GANDA TALAGA NI ALWINA HUHU" sabi ng mga estudyanteng madadaanan namin.




Napatingin naman ako kay Alwina. Hindi talaga kumukupas ang ganda niya. Kung may hearthrob na lalaki, 'yun ay si Kell at kung sa babae naman ay si Alwina.


Alwina Eslit, tinuring nilang queen of the MIS. Sino nga ba ang hindi magagandahan sa kaniya? Napakaperpekto niyang babae. Kung ako ang tatanungin, siya ang pinakamagandang babae na makikita mo dito sa Campus. Maganda, maputi at makinis, matangkad, matalino, magaling kumanta at sumayaw, sexy, mayaman at sobrang talino.



Lahat yata ng babae dito ay gusto maging siya. Napakaperpekto kasi ng mukha niya, mukhang barbie. Makapal ang kilay, mahabang pilik mata, matangos na ilong, namumulang pisngi at labi.


Grade 10 student at top 1 sa klase nila. Halos lahat ng babae at lalaki ay hinahangaan siya, mabait siya at mahinhin. Siya ng pinapares kay Kell, bagay naman talaga sila kaso parang iba ang gusto ni Kell.


"Grabe ang ganda niya ano?" sabi ni Heliexia habang sinusundan ng tingin si Alwina na papasok ng Canteen.



"Mas maganda ka, 'wag kang papatalo" sabi naman ni Yhanna.



"Maganda rin naman tayo, mas maganda lang talaga siya" natawa naman kami sa sinabi ni Yullyz.



"Mayroon kayo nawala siya" sabi ko sa kanila, sabay sabay naman silang napalingon sa akin. "Ikaw Heliexia, ang lamang mo sa kaniya ay lakas ng boses" natawa naman sila maliban kay Heliexia na napangiwi lang. "Ikaw naman Yhanna, ang lamang mo sa kaniya e talentado sa pag guhit, wala siya 'nun" sabi ko na ikinangiti nila at tatango tango pa si Yhanna. "Ikaw naman Yullyz, ang lamang mo sa kaniya ay tangkad, mas matangkad ka sa kaniya"



"Bakit maayos ang lamang nila e ako lakas ng boses lang?" Maktol ni Heliexia na ikinatawa namin.



Nang makabalik kami sa klase ay nagfocus ulit ako. Nagpaulit ulit ang schedule hanggang sa makalipas ang isang buwan.



"Hindi ka pa din ba handa?" tanong ni Minux.

Narito ako sa Parking lot nag iisa, gabi na at wala pa ang sundo ko ng dumating si Minux.



"Ano bang gusto mo?" kunot noong tanong ko. Hindi ko na mapigilan ang magtanong.



"Ikaw" sabi niya na ikinagulat ko. "Gusto kong malaman ang binabahala mo" sabi niya na nasa mata ko mismo ang tingin.


Natigilan ako sa sinabi niya. Natulala pa ako sa kaniya at hindi malaman ang isasagot.



"B-bawal pa kasi ako magjowa. A-ano kasi. S-Strikto ang magulang ko" nauutal na paliwanag ko.



Walang nabago sa reaksyon niya at nanatiling seryoso. Tumango tango siya tsaka nagbuntong hininga.

"Okay. Titigil na 'ko kakakulit sayo" seryosong sabi niya.

Wala man lang akong naramdamang sakit. Hindi naman kasi sa ayaw ko siya pero wala pa talaga 'kong balak magjowa.



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now