(16)

51 3 0
                                    

"Hoy gaga! Bakit ka tulala? Gagi pati ba namabn sa pagtayo mo nag iisip ka about exam?" Natatawang pambubuyo sa akin ni Heliexia.



Napanguso naman ako na nag iwas ng tingin. Hindi naman talaga exam ang bumabagabag sa isip ko kundi 'yung mga sinasabi ni Yvez sa'kin 'nung isang araw.




Sinubukan kong magfocus sa exam at kalimutan muna saglit 'yun. Whole day ang examination kaya isang araw ay natapos agad lahat ng exam. Mabuti na lang at hindi ko nakalimutan ang mga pinag aral ko dahil lang sa sinabi ni Yvez. Para bang sobrang laki ng problema ko dahil doon tsh.




Makalipas 'yung ilang araw na 'yun ay hindi man lang ako nagreply ng text o sumagot man lang ng tawag niya. Hindi rin ako pumupunta sa bahay niya at tumatanggi din ako sa utos ni 'nay Sally, nagdadahilan lang ako na may gagawin ako kaya siya ang naghahatid ng pagkain.




Para bang bangungut sa akin ang pag amin niya. Hindi naman ako nag iinarte! Hindi lang talaga 'ko makapaniwala na bakit ganu'n kabilis? Wala naman akong ginagawa! Natatakot din ako na baka malaman ni 'nay Sally at tito Primo, lalo na ng pamilya ko.



"Samahan niyo ko pumunta ng Bookstore, may hinahanap akong libro." Sabi ni Yullyz.



"Libre mo na kami ng makakain, pamasahe ba." Sabi ni Heliexia na kumindat pa.



Natawa naman kami tsaka tumango si Yullyz. Pumunta agad kami ng bookstore. Naghanap na din ako ng panibagong babasahin. Nang makabili kami ay nanlibre nga ng Jollibee si Yullyz.



"Hoy gagi sina Luxzell at Axie 'yun diba?" Bulong ni Heliexia na may tinuro pa.



Awtomatiko akong napalingon dahil baka kasama nila si Yvez. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman at nakatalikod pa ako sa parte nila kaya hindi nila 'ko mapapansin.



"Nagmamadali ka ba?" Kunot noong tanong sa'kin ni Yhanna.



"A-Ah. M-May gagawin pa kasi ako." Pagdadahilan ko.


"Ano naman ang gagawin mo?" Tanong ni Yullyz.



"A-Ahh." Nag iisip ako ng idadahilan.



"Sus! Baka may date sila 'nung Alvarez." Singit ni Heliexia na ikinaiwas ng tingin ko.



Ako ba naman 'yan! Ayaw kong pag usapan siya dahil para bang namumutla ako!



Buti na lang ay natapos din ang pagkain namin kaya agad din kaming nakauwi.



"Hoy!" Halos mapatalon ako sa sofa dahil sa panggugulat ni 'nay Sally.



Napahawak ako sa dibdib ko tsaka malalim na huminga.



"Nay naman! Dahan dahan naman! Aatatakehin naman ako sa puso niyan e." Maktol ko na napanguso pa.



"Ang lalim naman yata ng iniisip mo! May panibago kang iisipin." Nakangiting sabi niya.



Kumunot naman ang noo ko. "Ano?"



"Next week na ang birthday ng dalagang anak ni Primo at invited ka kaya mag isip ka na ng ireregalo mo."


Nasapo ko ang sariling noo dahil sa sinabi niya. Hindi 'yun ang pinoproblema ko kundi paniguradong naroon si Yvez at magkikita kami! Jusmi naman Jiwell!



Nagvolunteer ako na ako na lang bibili ng regalo at damit ko. Ayaw ko din namang magmukhang losyang sa party ni Ate Axie dahil paniguradong sosyal ang mga tao doon, ayaw ko naman magmukhang mababa 'di ba?





SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now