(33)

56 3 0
                                    

"Wag kang malungkot kung wala dito si Yvez! Nalulungkot din kami e." Sabi sa akin ni Tristan.



May pasok kami ngayon at naisipan nilang sumabay na sa amin papuntang canteen.




"Oo nga. May kulang na nga sa aking isa, ipinagmumukha mo pang may kulang pang isa." Sabi naman ni Luxzell, binabanggit si Axie.



"S-Sorry." Pilit ngiting sabi ko.




"Don't worry, babalik naman 'yun." Sabi sa akin ni Tristan. "Sa ngayon ay tapusin mo ang pag aaral mo dahil nangako kami kay Yvez na kami muna ang magbabantay sa'yo at kapag may nangyari sa'yong masama ay malilintikan kami doon kaya umayos ka Jichelle." Madaldal na sabi ni Tristan dahilan para matawa ako.




Ngumiti ako at pinipilit na ayos lang. Ayaw ko din namang masira ang pangako namin ni Yvez sa isa't isa. Bago siya umalis ay nangako kami sa isa't isa makakapagtapos kami ng pag aaral. Nangako din siya na hindi siya magpapalipas ng gutom at nangako din akong hindi magkakagusto kay Minux tsh. 'Yun kasi ang gusto niyang marinig mula sa akin.




Habang wala si Yvez sa paningin ko ay inaabala ko ang sarili ko sa pag aaral at hanga din ako sa kaibigan niya na tinutupad ang pakiusap ni Yvez na kamustahin ako araw araw. Minsan nga ay nahihiya na ako dahil baka naiistorbo ko sila lalo na't alam kong sobrang busy nila. Ang mga kaibigan ko naman ay hindi rin ako pinapabayaang malungkot.




Tulad ng dati ay puwi uwi ako sa probinsiya kapag free time si tito Primo. Alam na nila kung saan si Yvez at naiintindihan nila ang nararamdaman ko pero 'wag daw akong magpadala sa lungkot dahil ayaw raw 'nun ni Yvez, kahit ako ay ayaw ko.




"Congrats Kuya!" Sabi ko na mahigpit na niyakap si Kuya.



Isa na kasi siyang engineer at masaya akong natupad niya ang gusto niya. Tuwang tuwa din si tito Primo na pinacelebrate pa ang pagkagraduate ni Kuya bilang isang engineer Gonzaga. Hindi na rin tuloy ako makapaghintay na makapagtapos ako dahil naiinggit ako kay Kuya.



Napatalon ako sa gulat ng may nagring sa phone ko. Napahawak pa ako sa dibdib bago ko tinignan ang phone ko. Si YVEZ!




"Si Yvez?" Tanong sa akin ni Tristan, kasama ko kasi sila ngayon. Tumango naman ako.



"Hello." Sagot ko sa phone.



"How are you?"




Napangiti ako ng muling narinig ang boses niya.



"Akala ko ba ay bawal ang phone diyan."


"Bawal nga. I just want to know how are you."


"Okay lang naman ako." Sabi ko na nilingon pa si Tristan dahil palapit siya sa akin.


"Ughh shit sige pa Jiwell." Ungol ni Tristan sa phone ko kaya agad kong nailayo ang phone sa kaniya at gulat na napatingin sa kaniya.


"Who the hell was that?" Sa tono ni Yvez ay alam kong naiinis siya.



"A-Ahh si T-"



"Ughh 'yan ahh shit." Ungol nanaman ni Tristan.



"Hoy ano ba!" Inis na sita ko kay Tristan. "S-Si Tristan 'yun Ev." Pagpapaliwanag ko.



"What the fuck. Pakyu ka Tristan."



Pinagtawanan lang siya ni Tristan at Luxzell.




SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now