(23)

48 3 0
                                    

"Hoy sorry na kasi!"



Nang matapos ang klase ay agad akong pumunta ng bahay ni Yvez para lang magsorry dahil nakokonsensiya ako sa ginawa ko.



"Ooum ayos na 'yun." Sagot niya na naupo sa gaming chair niya, sa harap ng computer niya.



Napakunot naman ang noo ko. Ayos ba 'yan? Hindi naman ako pinapansin e!



"Galit ka pa yata e." Nakangusong sabi ko na naupo sa table katabi ng computer niya.



Hindi niya 'ko sinagot! Inopen niya lang 'yung computer niya tsaka habang nagloloading 'yun ay panay katok ng daliri niya sa table, naghihintay na matapos 'yung pagloading.



"Hoy." Tawag ko sa kaniya. Nilingon niya lang ako pero hindi siya sumagot sa'kin. "Galit ka pa ba?" Nakakunot noong tanong ko na bahagya pang itinagilid ang ulo.



Umiling siya tsaka nagbuntong hininga. Hinarap niya ulit 'yung computer niya tsaka nagpindot pindot na doon habang nakakunot ang noo.



Kinalabit ko naman siya pero tinapunan niya lang ako ng tingin. Parang sira naman oh! Ilang oras na 'kong sumusuyo dito e! Buti na lang at alam ni 'nay Sally na narito ako at buti na lang ay hindi siya nagtanong.



Hutangena naglalaro na ng Mobile Legend! Bumaba ako sa lamesa at humila ng upuan sa kung saan at tumabi sa kaniya. Nilingon niya 'ko pero agad ding umiwas ng tingin.




Kagat kagat ko ang sarili kong labi habang naglilipat lipat ng tingin sa kaniya pati sa computer. Kunot ang noo niya habang naglalaro at hindi talaga 'ko pinapansin. Naiinis na 'ko kaya inoff ko 'yung computer. Nanlaki ang mata niya tsaka lumingon sa'kin. Nagbuntong hininga siya bago umiwas ng tingin at isinandal ang likod sa upuan niya habang hinihilot ang sintido.



"Sorry na kasi." Nakangusong sabi ko na hinawakan pa ang kamay niya.



Napatingin naman siya sa kamay namin tsaka kamay niya na ang humigpit sa hawak namin at ginagalaw galaw pa 'yun.



"So... Bakit hindi ka pumunta kagabi?" Tanong niya na nilingon ako, kunot ang noo.



"K-Kasi debut ng ate ni Heliexia, hindi ko rin naman matanggihan." Sagot ko. "S-Sorry." Sabi ko na inihiga pa ang ulo sa braso niya.



"Hindi kita mapapatawad."



Inalis ko ang ulo ko sa braso niya at nagtatakang tumingin sa kaniya.



"H-hindi pa rin?" Nagtatakang tanong ko.



Umiling naman siya pero nakangiti. "Una, pinaalis mo agad ako sa Campus niyo e nag effort ako 'nun pumunta." Napataas naman ang kilay ko. "Pangalawa, hindi ka tumupad sa sinabi mo." Napanguso naman akong nag iwas ng tingin, nagpaliwanag na 'ko ah! "Pangatlo, hindi ka nagpaalam na pupunta ka sa party."



"Kailangan pa bang ipaalam 'yun?" Bulong ko.



Napalingon ako sa kaniya ng hindi na siya nagsalita. Nakataas ang kilay niya, paniguradong narinig ang binulong ko.



"Dahil sa sinabi mo, may apat ka ng kasalanan at ang pang apat ay wala ka ng balak na magpaalam sa'kin." Sabi niya na napangiwi pa.




"Okay sorry." Napairap ako sa inis. Parang sinakop ko na lahat ng kasalanan.



"Sorry is not enough to forgive you." Nakataas ang kilay niya, para bang naiinis.



"Eh ano?" Napataas din ang kilay ko.



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now