(18)

59 3 0
                                    

"Congrats."



Nanlaki ang mata ko ng makita si Yvez na nakaformal attire at may hawak pang bouquet ng kulay pulang bulaklak.



Napalunok ako ng lumapit ito at niyakap ako ng bahagya bago iabot sa'kin ang bulaklak.




"Tito! Tita." Bati ni Yvez kay tito Primo at 'nay Sally tsaka yumuko dito bilang paggalang tsaka muli akong hinarap. "I don't know that you are in top huh." Nakangiting sabi nito.



Nailang naman akong umiwas ng tingin sa kaniya tsaka tinignan ang bulaklak. Umaalingasaw ang bango ng bulaklak na binigay niya.



"Wow may paflower ang shawty!" Hirit nanaman ni Heliexia, napangiti naman ako.



"Hi congrats." Sabi ni Yvez sa mga kaibigan ko.



"Sa lahat ng bumati, ikaw na yata ang pinakamagandang pakinggan." Maharot na sabi ni Heliexia, tumawa naman kami.



Katatapos lang din ng recognition at pauwi na sana ako kaso nakasalubong ko si Yvez. Kasama ko naman si 'nay Sally at tito Primo na lagi naman talagang nag aattend ng ganitong okasyon.



"Mauna na kami ha! Ingatan mo ang kaibigan namin." Utos ni Yhanna kay Yvez na tinapik pa si Yvez.



Natawa naman si Yvez tsaka tumango. Kumaway pa sila sa amin bago naglakad palayo.



"Mauna na din kami ni Sally dahil maghahanda tayo." Nakangiting sabi ni tito.



"W-Wag na po tito, s-sayang ang pera." Tanggi ko kaagad kahit alam kong wala naman silang pakialam sa pera tsh.



Nanlaki ang mata ni tito tsaka natawa sa sinabi ko. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah?



"Oh come on Jiwell. Sayang 'yung with high honor na award mo kung hindi natin icecelebrate." Sabi nito na kumindat pa, ang hilig niyang kumindat. Napatango na lang ako kahit nahihiya ako tsh. "Ikaw na ang bahala sa kaniya Yvez." Sabi ni tito na tinapik pa ang braso ni Yvez tsaka nginitian ako.




Sinundan pa namon siya ng tingin bago natuon ang tingin naming dalawa ni Yvez sa isa't isa tsaka sabay na natawa. Umanday siya sa kotse niya at tinitigan ako habang nakangiti.



"With high honor huh. Kaya pala focus ka sa pag aaral." Sabi niya habang napatingin sa medal na suot ko. "Can I see you certificate?"



Napatingin pa ako sa hawak kong certificate bago ko inabot sa kaniya. Anim 'yun at 'yun ang certificate of with high honor and best in 5 subjects, Mathematics, English, Science, I.C.T at Filipino.



"Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga." Pagbasa niya sa pangalang nakalagay sa certificate habang palipat lipat ito. "Lovely name." Nakangiting sabi niya na nilingon pa 'ko.



Doon ko lang napansin na naturtle neck na kulay itim siya at may kulay grey na coat. Naka itim na pants at itim na sapatos. Nakaformal attire, napakagwapo talaga.



Naalis lang ang tingin ko sa mukha niya ng ibalik sa akin ang certificate at ngumiti. Kinuha ko nama agad 'yun.



"Collect it, it's achievement." Nakangiting sabi niya, ngumiti naman ako tsaka tumango.



Habang nagmamaneho siya ay may tumawag. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa habang nasa daan ang tingin. Napatingin lang ako sa kaniya.




"Hello." Sagot niya sa tawag. "Why?" Tanong niya na nilingon ako. "Psh..... Kaya mo na 'yan..... Yes and what do you care?..... Mind your own business Ashlet, I'm with my girl bye."




SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now