(08)

56 4 0
                                    

"Uuwi na kami, mag iingat kayo ha" sabi ni Papa habang tinitignan kami ng mga kaibigan ko.



Narito kasi ang mga kaibigan ko at gusto akong samahan sa airport.



"Kayo din po tito" sabi ni Heliexia.



"Mag aral kayo ng mabuti para makapagtapos" sabi naman ni Mama.



"Syempre po naman tita" sabi naman ni Yullyz.



"By the way tita ,gusto ko nga po pala ipakilala si Yhanna, crush po yata nito ang panganay niyong anak" pang aasar naman ni Heliexia.



Napalingon naman si Mama at Papa kay Yhanna at sabay na napangiti.



Nanatili akong tahimik. May kung anong lungkot sa akin dahil ilang linggo lang sila rito. Kung pwede nga lang na dito na lang sila tumira e kaso hindi pwede dahil may lupain kami sa Bicol at andoon nag aaral si Kuya.



"Bye see you soon" sabi ni Kuya sa amin.



Nasa airport na kaming magkakaibigan at ihahatid ang pamilya ko. Nasa private plane sila ni Kuya Luxzell sasakay.



Nauna ng pumasok si Mama at Papa at marami ang habilin sa akin habang nahuli naman si Kuya.



"Balik ka Lacson" sabi naman ni Heliexia, ngumiti naman si Kuya at tumango.



Niyakap ni Heliexia si Kuya kaya nakiyakap din ako.



"Ingat ka Kuya" sabi ko.



"Ingat ka din" sabi ni Kuya. "Ingat kayo" sabi niya sa mga kaibigan ko.



"Sana next time kami naman ang nakapunta ng Bicol" sabi naman ni Yullyz.



"Oo naman, makapagtapos kayo para makapunta kayo sa lugar namin ni Jiwell" sabi ni Kuya na nilingon pa ako.



Sabay sabay naman kaming napalingon kay Yhanna na mapansin namin itong tahimik at walang imik.



"Masakit ba iwan ng taong mahal?" pang aasar ni Heliexia.



"Babalik naman kami" nakangiting sabi ni Kuya na nakaharap kay Yhanna.


"Babalik naman pala e" pang aasar din ni Yullyz.



"Oo babalik 'yan si Kuya Yhanna" sabi ko naman.



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now