(07)

61 4 0
                                    

"Kuya crush ka daw ni Yhanna" sabi ko kay Kuya.



Sumama naman ang tingin ni Kuya sa akin. Nasa kwarto kami pumasok at naabutan namin si Kuya na nakahiga doon.



"Sira" natatawang singhal ni Kuya.



"Anong name mo?" tanong ni Yhanna sa kaniya na ikinagulat ni Kuya.



"L-Lacson" sagot nito.



Dahil nakahiga si Kuya ay naupo naman ako sa tabi niya, hindi ko inaasahan na susunod din ang mga kaibigan ko.



"Ganda ng name mo, bagay sayo" sabi ni Yhanna na ikinapula ng pisngi ni kuya, natawa naman ako.



"Mas bagay kayo" sabi ni Heliexia, gumatong gatong naman si Yullyz na kunwari kinikilig.



"Hoy gagi" nahihiyang sabi ni Kuya na tatayo sana kaso itinulak siya ni Yhanna na ikinagulat ni Kuya.



Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa reaksyon ni Kuya. Hindi ko namankasi maitatanggi na sobrang ganda ng mga kaibigan ko. Si Yullyz ang pinakamaganda sa amin, tahimik nga lang. Pumapangalawa si Yhanna, mataray nga lang. Sunod si Heliexia, hindi ko siya masasabing maganda dahil cute siya, maliit na maingay.



"Lacon" tawag ni Heliexia kay Kuya. "Si Yhanna nga pala" pagpapakilala nito kay Yhanna na tinulak pa ito dahilan para matumba ito sa ibabaw ni Kuya.



Agad namang umiwas si Yhanna at tumayo. "Gagi mali naman 'yung tulak mo! Dapat diretso sa labi" biro naman ni Yhanna.



Natawa naman kaming lahat maliban kay Kuya na masama na ang tingin sa akin.



"Napakaano niyo naman. Ang babata niyo pa e tsk tsaka anong Lacson? Kuya Lacson"



Hindi siya pinansin ng mga kaibigan ko na tuloy lang sa pagtawa.



"Bagay kayong dalawa" sulsul naman ni Yullyz kay Kuya at Yhanna.



"Halata naman" nakangiwing sabi ni Yhanna na nilingon pa si Kuya.



Alam kong nagbibiro lang sila kaya ganiyan kalakas ang loob ng mga ito. Siguro nga crush ni Yhanna si Kuya pero hindi mo mahahalataan na naiilang siya.



"Kaso mas matanda sayo si Lacson" sabi naman ni Heliexia.



"Age doesn't matter nga" mataray na sabi ni Yhanna.



Hindi na yata ako matigil kakatawa dahil sa pinaggagagawa nila.

SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now