1.2K 28 7
                                    

Noon, hindi ko talaga gusto kapag papalapit na ang araw ng puso. Pero dahil binihag mo ang aking puso, wala gano'n pa rin, joke lang. Pero 'yon na nga, masaya akong nakilala kita. Hindi mo 'ko hinusgahan, ang gwapo ko naman talaga kasi.

Pero sa araw na 'to, pasensya na aking mahal kung wala akong maibigay na mamahaling tsokolate o kaya nama'y palumpon ng mga bulaklak. Hindi rin kita madadala sa mamahaling restaurant tulad ng iba. Hindi pa naman kasi tayo, hahahaha joke lang po.

Alam mo, ngayon lang talaga ako nagbigay ng bulaklak sa isang babae p'wera nalang kay Nanay syempre, ninakaw ko pa 'tong bulaklak. Ikaw nalang bahala sa 'kin kapag makulong, haha, ang corny naman no'n.

Ang totoo talaga niyan, kaya ko isinusulat ang liham na 'to sa 'yo ngayon, ay dahil nakita ko 'to sa facebook. No'ng pinahiram mo ko ng cellphone mo, bumungad sa 'kin 'yong isang post na gusto raw ng mga babae ang mga handwritten letters, aba syempre hindi naman ako magpapahuli.

Kahit pangit ang ugali mo, ang mahalaga ay maganda ka. Joke lang ulit, hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko kaya puro joke na lang muna. Kidding aside, (wow), mabait ka naman eh, mataray ka nga lang. Lagi kitang pinagdadasal kay Lord na sana bukas mabait ka. Kasi naninigaw ka at nakakatakot kang tumingin 'pag bad mood ka. Pero mukha ka namang anghel kapag mabait ka at palangiti.

Kinikilig ka na ba ngayon?

Ang dali mo rin palang mapikon kaya lagi tayong nag-aaway eh. Gusto ko pa sanang pahabain 'tong liham na 'to kaso isang kataga lang ang alam kong isulat. Ang ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda mo, pinahaba ko lang para mahaba kunwari, hehehe.

Sana napasaya kita ngayon kahit isang pirasong rosas lang ang binigay ko sa 'yo. Mayaman ka rin naman na eh, kaya mo na rin sigurong bilhan ang sarili mo ng chocolates, joke ulit. Kung mayaman lang ako, binili ko na ang isang factory ng tsokolate para sa 'yo, kasi hindi eh. Ayaw talaga na Lord na magka-tonsillitis ka. Ayaw Niya ring masira ang ngipin mo kaya hindi niya ako biniyayaan ng maraming pera. Pero dahil nga sa pagiging mahirap ko, nakilala kita. Hindi ko rin ikinalulungkot ang estado ko sa buhay dahil nakilala kita sa pagiging ako.

Feeling ko talaga, pinagtagpo talaga tayo, ang corny ko na naman. Oks na siguro 'to, ang mahalaga ay important at ang gwapo ay ako. Sa 'yo ko lang pinapakita ang iisang personalidad ko na mahangin kaya maswerte ka. Oo na, tatapusin ko na rito, sana maintindihan mo ang panulat ko. Bye. Joke. Happy Valentine's Day, Sonnet ko. Mas maganda ka pa sa rosas.

-Tariq na gwapo na cute pa na matalino na full package na

The Ravages of TimeWhere stories live. Discover now