Kabanata 40

1.8K 33 18
                                    

Kabanata 40

Dead-end

"Tariq!"

Napangiti ako nang makita ang kaibigan ko. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nakatayo ito sa labas ng bahay na kasalukuyang tinutuluyan namin ngayon.

"Lilipat kayo?" bungad na tanong niya.

Tumango ako at napakamot sa aking batok.

"Oo, hindi kasi kaya ni Nanay na umupa pa rito. Pumayag naman 'yong amo niya na sa kanila muna kami maninirahan," pagpapaliwanag ko.

Napabusangot siya at bakas sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Hindi na kita madadalaw doon," malungkot niyang wika.

"Ayos lang, magkikita pa rin naman tayo."

"Tariq! Hali ka na!"

Kapwa kaming lumingon kay Nanay nang nakita kong palabas na ito ng bahay.

"O siya, aalis na kami. Magkikita pa rin naman tayo, sa tambayan, ah?" Nakangiti siyang tumango pero ramdam ko ang lungkot niya.

Tinalikuran ko na si Graciella at tinulungan si Nanay na buhatin ang mga gamit namin. Kaunti lang ang mga gamit namin at ang iba ay naiwan sa probinsya. Mahigit tatlong buwan na rin yata simula noong umalis kami sa probinsya.

"Tandaan mo ang bilin ko sa 'yo, ah?" biglang pagpapaalala ni Nanay.

Tumango ako. "Oo naman, Nay! Pangako ko, hindi ko gagalitin 'yong anak ng amo niyo. Masama ba ugali no'n?" tanong ko sa kanya habang ipinapasok namin sa taxi ang mga gamit namin.

Nakita ko noon 'yong lalaki at babaeng anak ng amo ni Nanay pero hindi ko kailanman nakakausap.

"Oo, may pagka-maldita 'yon, 'nak. Maigi nang 'wag kang lumapit sa kanya at baka kung ano pa ang mangyari."

Napahalakhak na lamang ako bago ko pinagbuksan ng pinto si Nanay. Nasa loob na ng sasakyan si Lei. Sinigurado ko munang kumpleto ang lahat bago ako umupo sa unahan.

***

"Wow, ang laki naman ng bagong bahay nila!" namamanghang wika ni Lei nang makababa kami ng taxi.

Napatingala ako sa malaking mansyon na nasa harap ko ngayon.

"'Nak, kaya mo bang ipasok 'yong mga natitira nating gamit? Mauuna nalang kami ni Lei do'n, ah?" Nakangiti akong tumango.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Sobrang pagkamangha ang nararamdaman ko dahil sa ganda ng mga halaman sa paligid. Lalong lumawak ang ngiti ko nang makakita ng swimming pool.

Ang swerte nila. May magagarang mga sasakyan... May malaking swimming pool ang bahay... Hindi na magiging problema sa kanila ang pera.

Napabuntong-hininga ako nang sandaling makaramdam ng inggit.

Naglakad ako malapit sa hardin nila at nakangiting pinagmamasdan ang mga nagkukulayang bulaklak habang dala-dala ko ang mga bagahe namin.

"Bitawan mo ako! Hindi ako aalis!"

Napatingin ako sa bukana ng bahay nila nang makarinig ako ng sigaw. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang babaeng anak ni Ma'am Sadie na kinakaladkad ang isang kasambahay.

Lumabas silang dalawa sa gate kaya naman pasimple akong sumunod doon at nagtago sa gilid. Napasinghap ako nang makitang naglabas ng iilang libo ang babaeng iyon at malakas na inilagay sa kamay ng kasambahay na iyon.

"Tsk, tsk," asik ko habang nakatanaw sa kanila.

Kawawa naman.

Mabilis akong nagtago sa likod ng mga halaman nang naglakad pabalik iyong babae.

The Ravages of Timeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن