Kabanata 36

1.3K 33 7
                                    

Kabanata 36

The Reason Behind

"What?"

"Desisyon ko ang iwan kita," pag-uulit niya.

Napaiwas ako ng tingin habang nararamdaman ko ang namumuong luha sa aking mga mata.

"Why? Why did you choose to leave me? Did you get tired? Hindi mo ba natiis ang ugali ko?" I asked, trying not to break my voice.

He shook his head and his eyes started to well up with tears. A minute passed but he remained silent.

"So bakit nga!? Alam mong ikaw lang ang taong inaasahan ko ng mga panahong iyon. Pero anong ginawa mo? You left!"

With all the years that passed since he never showed up in front of me was never easy, but I lived those days with the mindset that he left me because he had no choice. But all those years, it was his choice, after all.

"Did Sadie threaten you?"

He shook his head immediately which made my lips parted. There was a pinch in my chest and tears started to fall.

He left me because he chose to.

"Ano ngang rason?!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Gusto mong malaman?" walang reaksyong tanong niya.

I nodded, begging him to answer.

He looks straight into my eyes. "Iniwan kita dahil hindi ko kaya..."

My forehead wrinkled.

"Nasaktan ako, Sonnet. Masakit dahil kailangan kong tumigil sa pag-aaral dahil sa pagpapagamot kay Lei. Sabi mo kasi pangarap mong makasabay ako sa graduation... pero hindi ko matupad 'yon." His voice broke.

"Nalulungkot ako dahil hindi kita mabigyan ng mga regalo at hindi kita mailibre noon. Hindi kita masabayan kasi nga mayaman ka."

Habang nakikinig ako sa mga dahilan niya, siyang namang walang tigil ng mga luha ko.

"Kahit pa ayaw kong iwan ka, kailangan ko dahil inaasahan ako ng pamilya ko. Sa bawat oras na nakasuot ako ng uniporme sa trabaho, nasasaktan ako dahil nakikita mo."

A single tear fell down from his eye.

"Naaalala mo no'ng kaarawan ko na pumunta ka sa bahay?"

I didn't answer.

"Hindi ko alam kung saan pupulutin ang dignidad ko dahil hiyang-hiya ako na nakita mo kung gaano kahirap ang buhay ko..."

Umiling ako.

I watched him wipe his tears away. "Malayong-malayo ang buhay ko sa buhay mo, Sonnet. Aanhin ko ang pagmamahal mo, kung nasasaktan naman ako?"

"S-sorry..." Was the only thing that came out of my mouth.

"Sobrang sakit habang tinitignan kitang nakahiga sa sahig sa bahay namin. Tinitiis mo ang kahirapan sa buhay namin. Masakit sa akin na nangangarap ka ng mga bagay na hindi naman ako makasabay."

I gulped and hung my head low.

"Iniwan kita dahil ayaw kong piliin mo ang nasa mababa. Kabutihan lang naman ang mayroon ako... at wala akong maibibigay sa 'yo, Sonnet. Nasa tuktok ka na, bababa ka pa." He paused.

"Gusto kong magmahal ka ng isang lalaking hindi lang pagmamahal ang maibibigay sa 'yo. Gusto ko maging isang lalaking nararapat sa 'yo, Sonnet, kahit mahirap."

After that, he averted his gaze from mine as tears covered his face. He hung his head low as he wiped his tears with his bare hands.

"So... so you stopped for Lei's medication?" I tried to ask.

The Ravages of TimeWhere stories live. Discover now