CHAPTER 3

155 9 1
                                    

Margaux's POV

Demonyo talaga yung lalakeng yun! Pinagtawanan tuloy ako! Masaklap pa dito ako nagbayad ng peanut butter na binuksan niya! Binabudget ko nga yung pera ko dahil sa susunod na linggo pa uuwi si Nanay! Ano ba tong buhay na to puro malas dumadating sakin! Nang makauwi ako agad akong naghilamos dahil sa peanut butter na pinahid sakin ng lalakeng yun! Kala niya papatalo ako sa kanya? May banta banta pa siya sakin kala niya di ako lalaban sa kanya? Isusumbong ko siya kay Nanay minamaliit niya si Nanay Tingnan lang natin! Kainis talaga yung demonyong yun! Urrghhh nanggigigil ako
" Margaux! Asan ka?"Tawag ni Olga
Lumabas ako sa banyo at pinunasan mukha ko! Ang ganda ganda ng face ko tapos papahiran lang niya ng peanut butter? Sapakin ko pa siya, Gugulpihin ko talaga yung lalakeng yun
" Bakit?"Tanong ko
" Labas tayo "Wika niya
" Lumabas ka mag isa mo! Isama mo na rin aso mo "Wika ko
" Baliw talaga to! Ano ba nangyari sayo bat ganyan na mood mo?Pumunta ka lang sa Mall tapos pag uwi mo ganyan ka na? Wow amazing "Wika niya
" Kakatawa! Labaaas "Sigaw ko
Bigla naman siyang lumapit sakin tsaka hinimas himas buhok ko
" Ikaw naman Margaux di ka mabiro ang init na nga ng panahon mainit pa yang ulo mo "Wika niya
" Tsk "Wika ko
Pumunta ako sa kwarto ko para magpalit ng damit kakainis talaga kaya bumalik ako sa baba para puntahan si Olga!
" Bat ka nandito?"Tanong ko
" Wala lang! Gusto ko lang tumambay dito "Wika niya
" Wooow! Olga galing mo rin e no!  Anong tingin mo sa bahay namin tambayan? Ganun?"Tanong ko
" HAHAHA "Tawa niya
Hinayaan ko muna siya sa sala dahil nagluto ako ng kakainin namin! Sana umuwi na si Nanay, lalo na't malapit na birthday niya! Pero di ko talaga kakalimutan yung lalakeng yun! Hmmm kakainis
_
_
_
_
_
_
_
Naglinis agad ako sa bahay namin dahil papasok na ako sa school my god ang bilis ng panahon! Matapos akong maligo at mag almusal nilock ko yung pinto! Di ko kasama si Olga dahil may sakit sya kaya mag isa akong pumasok sa school pagpasok ko sa school feeling ko wala akong kaibigan dahil walang pumapansin sakin! Pumasok agad ako sa room namin at umupo sa upuan
" Margaux? Si Olga? Nasa kanya kasi yung report namin "Wika ni Jovie(Kaklase ko)
" Ahh Jovie! Di daw siya makakapasok dahil may sakit siya! "Wika ko
" Di ba niya binigay sayo yung report namin?"Tanong niya
" Hindi ehh "Wika ko
" Ahh okay! Parang wala ata tayong teacher ngayon mga busy sila baka may inaasikaso  "Wika ko
" Ahh ganun ba?"Wika ko
Tumango naman siya tsaka bumalik sa upuan niya! Sa tingin ko si Jovie lang pinakatahimik dito sa room namin! Simple lang siya kahit mayaman sila! SANAOL .

Ryan's POV

Gusto ko sanang magrecess kaso wala akong kasama! Absent si Odette(Girlfriend ko) dahil may sakit daw siya! Pupuntahan ko nalang siya mamaya sa bahay nila! Nang lumingon ako sa bintana nakita si Margaux at mag isa lang siya kaya agad akong tumayo para puntahan siya! Mag rerecess rin ata siya sasabay nalang ako sa kanya
" Margaux "Tawag ko
Bigla naman siyang napaharap sakin at lumapit ako sa kanya
" Magrerecess ka rin ba? Tara sasabay nalang ako wala kasi si Odette ehh "Wika ko
Naghihintay ako sa sagot niya dahil parang nag aalinlangan siya napahawak ako mukha ko baka may dumi ! Kanina pa kasi niya tinititigan mukha ko! Lahh natulala na ata kagwapohan ko HAHAHA kumaway ako sa harap niya di na kasi kumukurap
" Ayy sorry "Wika niya
Yun nagsalita rin! Tumalikod naman siya sakin at humarap ulit, teka ! Dalawang beses na niya tong ginawa ahh
" Anong sabi mo?"Tanong niya
" Ang sabi ko magrerecess ka rin ba? Sasabay sana ako sayo! Absent kasi si Odette wala tuloy akong kasama "Wika ko
Bigla naman siyang napalunok ng laway tsaka nagsalita ulit
" Ahh Ryan! Alam mo namang maraming may crush sayo diba? Marami rin magagalit sakin Baka mamaya pag nakita nila ako na kasama mo gulphin nila ako! Tsaka baka isumbong nila kay Odette na magkasama tayo! Kaya sigi na mauna na ako "Wika niya
Aalis na sana siya ng bigla kong hawakan braso niya! Napatingin naman siya sa braso niya at binitawan ko ito
" Wag kang mag alala di ka nila sasaktan pagkasama mo ko! Tsaka okay lang yun kay Odette! Mabait naman si Odette diba?"Tanong ko
Tumango naman siya sa tanong ko at tuluyan kaming pumunta sa canteen! Tama nga sinabi niya na marami magagalit sa kanya! Marami kasing Gays and Girls na nakatingin samin habang nakayuko tong kasama ko
" Sigi na umupo ka na dun ako na mag oorder! Ano gusto mo? Ako na magbabayad "Wika ko
" Ryan may pera naman ako ehh! Tsaka nakakahiya sayo "Wika niya habang nakayuko
" Ang sabi ko ako na magbabayad sigi na umupo ka na dun!  Ano gusto mong pagkain?"Tanong ko
" Kung ano yung sayo yun nalang yung akin "Wika niya habang nakayuko
" Wag ka ngang yumuko di nila makikita yang ganda mo "Biro ko
Bigla naman siyang naglakad papuntang table! Agad akong nag order dahil 10 minutes nalang matatapos na ang recess
" Sigi na kain na "Wika ko
Agad naman siyang napatingin sakin at tinitigan mata ko! Bigla naman kumarera yung puso ko na parang may sinasabi kaya binaling ko yung tingin ko sa iba para dedmahin to!
" Ryan tara na "Wika ni Margaux
" Di mo pa nga yan nauubos "Wika ko
" O sigi tapusin mo nalang yan ha! Aalis na ako! Salamat pala "Wika niya
Tatayo na sana siya ng bigla ko siyang pigilan! Natatakot ata sa mga studyanteng gay dito sa canteen pansin ko rin na kakaiba titig nila kay Margaux
" Sabay na tayo "Wika ko
Tumayo rin ako tsaka lumabas na kami gusto ko sana siyang ihatid sa room nila kaso ayaw niya! Nakikita ko sa kanya na natatakot talaga siya! Hay nako Margaux ka
_
_
_
_
_
_
_
Nang matapos na ang klase nakita kong nakaupo si Margaux sa gilid ng room nila! Kaya lumapit ako sa kanya!
" Hoy tayo ka na dyan! Uwian na "Wika ko
Bigla naman siyang napatingin sakin tsaka yumuko ulit
" Nandyan pa kasi yung mga fans mo! Binabantayan ako kaya mas mainam na mauna silang umuwi para walang gulo! Ikaw kasi ehh sabi ko na wag mo kong isasama dahil magagalit yang mga fans mo "Wika niya habang nakayuko
" Tayo ka na jan! Dali "Wika ko
" Hayaan mo na ako Ryan umuwi ka na lang "Wika niya
" Tsk halika na! Di yan! Di naman sila marami ehh yung iba umuuwi na "Wika ko
" Mauna ka na kasi Ryan! "Inis niya
Hinawakan ko kamay niya tsaka pinatayo ko siya!
" Tara na! Pagabi na ohh! "Wika ko
Nakiusap siya na sa likod kami dadaan kaya dun na kami dumaan para di kami makita ng mga gays at ibang mga babae! Nang makalabas kami sinamahan ko siya sa tambayan nila ng kaibigan niya para maghintay ng sasakyan
" Anong oras na kayo nakakauwi ng kaibigan mo pag uwian na?"Tanong ko
" Mga 7 or 8 mga ganun "Sagot niya
" Nasan kaibigan mo ? Bat mag isa ka lang?"Tanong ko
" May sakit siya kaya di sya nakapasok ngayon pero sabi niya bukas papasok na siya "Sagot niya
" Ahhh "Wika ko
Habang naghihintay kami ng sasakyan bigla naman dumating si Daddy para sunduin ako! Kaya nagpaalam ako sa kanya at umalis na!

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now