CHAPTER 16

106 3 0
                                    


Margaux's POV

Ilang araw na akong di nakakauwi dun sa bahay nila Tita Louise ! Chat ng chat sakin si Ethan pero di ko lang siya nirereplyan ganun din si Gabriel ! Nababalitaan kong may pumupunta daw dito sa bahay namin di ko alam kung sino ! Kasalukuyan akong nahiga sa kwarto ko dahil malakas ang ulan ! Kanina pa sigaw ng sigaw si Ryan dun sa pinto ng bahay namin di ko alam kung anong pakay niya ! Dahil sa palakas ng palakas ang ulan bumaba ako para papasukin si Ryan baka magkasakit pa siya ako sisihin ng Mommy niya ! Pagbukas ko ng pinto agad akong yinakap ni Ryan ! Nabasa tuloy damit ko dahil basang basa siya
" Margauxxx "Wika niya habang nakayakap sakin
Kumawala ako tsaka pinapasok ko siya sa bahay namin
" Ano bang ginagawa mo dito ? Alam mo namang malakas yung ulan diba ? Pano kung magkasakit ka ?"Mga tanong ko
" Margaux wag mo naman akong iwasan nasasaktan ako "Wika niya
Nung sinabi ko ba sa kanya na mahal ko siya nagmakaawa ba ako na wag niya akong iiwasan ? Hindi diba ? Di ko na siya pinansin at pumunta ako sa kwarto ko tsaka kumuha ng tuwalya at binigay yun sa kanya
" Maligo ka dun sa banyo baka magkapasakit ka pa "Wika ko
Nakinig naman siya sa sinabi ko ! Amoy na amoy ko yung alak na ininom niya ! Pumasok ulit ako sa kwarto ko tsaka humiga na ! Kamusta na kaya si Ethan tsaka si Gabriel ? Hayss ! Maya maya pa'y biglang may kumatok sa kwarto ko agad akong bumangon tsaka pinagbuksan siya ! Nakita ko namang nakapulupot lang sa kanya yung tuwalya ko
" Margaux wala akong damit eh "Wika niya
Pinapasok ko siya sa kwarto ko tsaka pinahiram ko siya ng susuotin niya ! Humiga ako sa kama ko tsaka hinayaan ko siyang magbihis !
" Dun nalang ako sa baba matutulog para makatulog ka ng maayos "Wika niya
Napatingin ako sa kamay niya ! Nagulat ako dahil nagpatattoo siya kaya agad ko siyang tinawag
" Bakit ?"Tanong niya
Hinawakan ko kamay niya tsaka nakita ko dito yung dalawang bulaklak
" Nagpatattoo ka ?"Tanong ko
" Oo "Sagot niya
Bigla naman siyang napatingin sakin tsaka nagkatitigan kami !
" Ahh Ryan ? Dito ka nalang matulog sa kama ko ! Malamig kasi dun sa baba "Palusot ko
" Talaga ?"Tanong niya
Tumango ako tsaka humiga na humiga rin siya sa tabi ko tsaka tumalikod ako sa kanya ! Naramdaman ko nalang na kumilos siya tsaka pinapulupot niya kamay niya sa bewang ko
" Sorry "Bulong niya sa likod
Di ko alam pero pag nakikiusap sakin si Ryan bumibigay agad ako ! Gusto ko mang labanan yung karupukan ko pero di ko kaya pag si Ryan na yung kaharap ko ! Mas humigpit ang pagkayakap niya sakin tsaka ramdam ko yung hininga niya sa batok ko ! Gusto ko mang umiwas kaso malaki braso niya kaya hinayaan ko nalang !
_
_
_
_
_
_
_
_
Nagising nalang ako dahil may palihim na umiiyak sa likod ko ! Bigla kong naalala na kasama ko pala si Ryan ! Kaya agad akong humarap sa kanya tsaka napatingin siya sakin
" Bat ka umiiyak ? "Tanong ko
Di siya sumagot tsaka pinunasan niya luha niya ! Bumangon naman siya tsaka lumabas na sa kwarto ko ! Niligpit ko muna hinigaan namin bago ako pumunta sa baba ! Nakita ko siyang umiiyak pa rin habang nagcecellphone ! May problema ba si Ryan ? Kaya agad akong bumaba at lumapit sa kanya
" Oyy bat ka umiiyak ? May problema ka ba ? "Tanong ko
Bigla naman siyang humarap sakin tsaka bigla niya akong yinakap ! Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot di ko alam kung ano bang nangyayari sa kanya ! Nang matapos kaming mag almusal pumunta kami sa sala tsaka nagpahinga muna
" Margaux ? Sorry sa lahat ha ! Sana mapatawad mo ko sa lahat ng nagawa ko sayo ! Di ko naman alam na sayo pala ako mahuhulog eh ! Sorry kung nadurog ka ! Sorry sa lahat "Lungkot niya habang nakayuko
" Okay na yun Ryan ! Wag mo ng isipin yun ! Ang isipin mo ang ngayon "Wika ko
" Margaux ?"Tawag niya sakin
" Hmmm ?"Sagot ko
Humarap naman siya sakin tsaka humarap ako sa kanya !
" Margaux ! Aalis na kami ! Dun ko na ipapagpatuloy yung pag aaral ko sa ibang bansa ! Tsaka di ko alam kung kelan kami babalik "Iyak niya
Biglang bumigat yung dibdib ko dahil dun sa sinabi niya
" Bukas ng umaga kami aalis ! Wag mo kong kakalimutan ha "Iyak niya
Yinakap ko siya tsaka napaiyak ako dahil sa sinabi niya !
" Pwede mo naman tapusin yung pag aaral mo dun sa school natin eh "Iyak ko
" Mas maganda dun Margaux dahil makakapagfocus ako ng maayos "Wika niya
Humarap ako sa kanya tsaka pinunasan ko yung luha ko
" Margaux ? May request sana ako sayo "Wika niya
" Ano ?"Tanong ko
Umayos naman siya sa pagkaupo niya tsaka hinawakan niya kamay ko
" Sabihin mo mang masama to pero Margaux sana pagbigyan mo ko ! Gusto ko bago kami umalis mahalikan kita ! Gusto kong gawin yun kaso di ako makahanap ng tyempo "Wika niya
Agad namang tumibok yung puso ko ! Dati nung crush ko pa si Ryan gusto ko siya yung first kiss ko ! Pero parang malabo kong ibigay yung gusto niya ngayong iba na yung mahal ko
" Ryan ? Alam mo ba dati ? Nagdadasal ako nun na ikaw yung first kiss ko pero sorry dahil di ko maibibigay yun sayo "Wika ko
" Margaux nakikiusap ako kahit isang beses lang pero okay lang sakin kung di mo ko pagbibigayan "Wika ko
Siguro pagbigyan ko si Ryan dahil siya naman yung first crush ko ehh pero pano yung taong mahal ko ? Nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko yung first kiss ko sa taong mahal ko
" Sigi ! Papayagan kita ! "Wika ko
nagkatitigan kami nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko todo tibok naman tong puso ko ! Ramdam ko yung hiniga niya sa ilong ko ! Pumikit ako dahil alam kung hahalikan na ako ni Ryan !
" Margaux pinapauwi ka na ni -----
Bigla naman akong natauhan dahil biglang may nagsalita sa harap namin napatingin ako sa taong yun at kita kong nagulat siya nakita niya
" E-e-e-than ?!!! "Utal ko
Bigla naman siyang napatingin kay Ryan at biglang nag iba ang templa ng mukha niya ! Kinabahan ako dahil nakita kami ni Ethan pero alam kong di ako nahalikan ni Ryan agad siyang umalis hinabol ko si Ethan pero di ko na siya naabutan !
" Ethannnnn "Sigaw ko
Agad siyang nagmaneho at di ko alam kung san siya pupunta ! Bumalik ako sa kwarto ko para kunin lahat ang mga gamit ko
" Ryan aalis na ako ! Umuwi ka na rin sa inyo "Wika ko
" Tara ihahatid na kita "Wika niya
Agad kaming lumabas sa bahay at sumakay na sa kotse ni Ryan agad naman siyang nagmaneho at tinungo ang daan papunta sa bahay ng mga Verdeflor
_
_
_
_
_
_
_
_
" Si Ethan ba yung mahal mo ?"Tanong ni Ryan
Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya malayo
" Ano bang klaseng tanong yan ?"Wika ko
" Wag mo ng ilihim Margaux ! Nakikita ko naman na mahal mo si Ethan "Wika niya
Bigla naman siyang humarap sakin at hinalikan niya noo ko !
" Sigi na ! Baka hinahanap ka na "Wika niya
Naaawa tuloy ako kay Ryan ! Dahil sa aalis na sila bukas hinalikan ko yung ilong niya napangiti naman siya sa ginawa ko
" Ingat kayo sa biyahe niyo ha ! Tsaka ichat mo ko kung nakarating na kayo dun sa pupuntahan niyo "Wika ko
" Noted "Wika niya
Nagpaalam na ako at lumabas na sa kotse niya ! Agad naman siyang umalis at pumasok na ako sa bahay ng mga Verdeflor ! Diyos ko ano bang gagawin ko ? Baka magsumbong si Ethan sa Papa niya ! Pumasok ako sa kwarto ko tsaka nilagay ko lahat ang mga gamit ko ! Nagulat ako dahil may yumakap sa likod ko
" Uhmmm "Wika niya
Humarap ako sa kanya tsaka bigla naman siyang ngumiti
" Gabriel nasan Kuya mo ?"Tanong ko
" Umalis kasama si Ethel "Sagot niya
" Ethel ? "Tanong ko
" Oo yung crush niya "Sagot niya
Bigla akong nagseselos pag naririnig ko yung pangalan ni Ethel ! Ewan ko kung bakit ! Agad namang lumabas si Gabriel sa kwarto ko dahil maliligo daw siya ! Napahiga ako sa kama ko tsaka sinambunutan ko sarili dahil dun sa ginawa ko kanina ! Bat pa kasi ako pumayag ! Di ko naman kasi alam na susulpot si Ethan ehh alam kong galit na galit na naman yun sakin !
" Lagot ka Margaux kay Ethan "Bulong ko
Lumabas ako sa kwarto ko tsaka pumunta sa baba para kumain nakita ko si Tito Romeo na kumakain babalik na sana ako sa kwarto ko ng bigla niya akong tinawag
" Hijo halika muna dito "Wika ni Tito
Nakita ko si Nanay tsaka sinenyasan niya ako na lapitan ko si Tito Romeo
" Bakit po Tito ?"Tanong ko
" Kakain ka rin ba ?"Tanong niya
" Opo "Sagot ko
" Edi sabay na tayo ! Upo ka jan "Wika niya
Umupo ako tsaka magkaharap kami ni Tito
" Kamusta sa school ? Balita ko nangungunhan ka daw sa school niyo "Wika ni Tito
Ngumiti ako sa sinabi ni Tito tsaka nagpatuloy kaming kumain ! Biglang tumayo si Tito dahil may tumawag sa kanya ! Napatingin ako sa pinto at nakita kong nakaabay si Ethan kay Ethel tsaka masaya sila napatingin sakin si Ethan tsaka pumunta sila sa kwarto niya ! Dahil sa nakita ko nakaramdam ako ng selos kaya agad akong tumayo tsaka naghugas ng pinggan ! Pumunta ako sa kwarto at ko rinig ko ang mga tawanan nila ! Dahil sa nagseselos nga ako pumunta nalang ako sa rooftop para magrelax ! Sinasadya ata ni Ethan na paselosin ako ! Sana pala di nalang ako pumayag sa kagustuhin kanina ni Ryan para di ako gantuhin ni Ethan .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now