CHAPTER 26

71 3 0
                                    

Roxie's POV

Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga gamit ko uuwi kasi kami ng anak ko dahil aalis ang mga amo ko kasama yung dalawa nilang anak ! Siguro mga 3 weeks sila sa London kaya 3 weeks din akong makakapagpahinga sa bahay namin ! Tsaka di alam ng anak ko na nagsisimula na akong magpatayo ng bahay surprise ko yun sa birthday niya ! Nagliligpit na rin si Rey(Driver) tsaka si Kim(Guard) dahil uuwi rin sila sa kani-kanilang tahanan ! Napansin ko yung kilos ng anak ko at kilos ni Ethan , bat parang masaya sila pag magkasama ? Malungkot at matamlay ang anak ko pag wala dito si Ethan , ganun din yung kilos ni Ethan pag nasa school yung anak ko ! Siguro close na close na sila , buti naman kung ganun para di na sila mag away !
" Nayy "Katok ng anak ko
" Bukas yan nak "Wika ko
Agad namang bumukas yung pinto ng kwarto ko tsaka pumasok yung anak ko
" Nay ? Kelan tayo uuwi ?"Tanong ng anak ko
" Siguro sa makalawa , bukas na kasi aalis yung mga amo ko "Sagot ko
" Ganun po ba . Nay ? Alam mo ba kung kelan sila uuwi ?"Tanong niya
" Sabi ni Sir Romeo(Papa ni Ethan) mga 3 weeks sila dun ! Pero sa tingin ko di sila aabot sa 3 weeks dahil may kanya kanya silang trabaho "Sagot ko
" Ahh okay po Nay ! "Wika niya
" Payakap nga si Nanay nak "Wika ko
Agad naman siyang lumapit sakin at yinakap ko siya ! Sa twing yinayakap ko anak ko agad kong naaalala ang Tatay niya ! Masaya ako dahil may naiwan sakin
" Ang bango bango naman ng anak ko "Wika ko
Ngumiti naman siya tsaka hinalikan ko noo niya
" Nay matutulog na po ako ! Goodnight Nay I love you po "Wika niya
" O sige ! Goodnight din anak I love you too "Wika ko
Agad siyang tumayo para lumabas sa kwarto ko ! Kumaway siya sakin tsaka nag flying kiss , kumaway din ako at tuluyan siyang lumabas sa kwarto ko
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan akong nagluluto ng almusal para sa mga bata at para sa mag asawa ! Mag aalas syete na pero di pa sila bumababa ! Habang nagluluto ako ng hotdog bigla nalang sumigaw si Ethan !
" Nayyy si Margaux nangungurot bigla ! Nakikipagtulakan pa "Sigaw ni Ethan
" Margauxxxx "Saway ko
" Ayaw kasi akong padaanin ni Ethan Nay eh "Sigaw ng anak ko
" Wag nga kayong maingay jan baka magising si Sir Romeo "Saway ko
Agad naman silang tumahimik tsaka nakita ko silang papunta sa hapag kainan !
" Si Gabriel nasan ?"Tanong ko sa kanila
" Baka natutulog pa Nay "Sagot ni Ethan
Nakita ko naman na masama ang tingin nila sa isa't isa kaya lumapit ako tsaka dinala ko yung walis tambo ! Narinig ko naman na nag aasaran yung dalawa kaya pinokpok ko yung mesa gamit yung walis tambo na hawak ko
" Ano na naman to ha ?! Gusto niyo bang magising si Sir Romeo ?! Ang titigas talaga ng ulo niyo e no ?! Gusto niyo bang matulog sa labas "Galit galitan ko
" Ito kasi si Ethan Nay inunahan niya ako sa taas binatukan ako "Reklamo ng anak ko
" Ethan naman di ka na ba talaga magbabago ? Malalaki na kayo di na kayo mga bata "Wika ko
" Kinurot niya kasi ako Nay gumanti lang ako "Wika ko
" O anong nangyayari dito bat ang ingay niyo ?"Tanong ni Sir Romeo
Agad akong napatingin sa kanya at nakatingin siya kay Margaux at Ethan nakita ko namang tumahimik yung dalawa tsaka tumingin sila sakin
" Ang aga aga maingay na kayo "Wika ni Sir
" Tito , si Ethan po yung nanguna "Wika ng anak ko
" Anong ako ?"Tanong ni Ethan
" Ayaw niyo talagang tumigil ha "Pananakot ko
Di naman nakasagot yung dalawa tsaka tumahimik , kinuha ko yung niluto ko dahil mag aalmusal na rin si Sir Romeo(Papa ni Ethan)
" Ano bang meron sa inyo bat away kayo ng away ?"Tanong ni Sir sa dalawa
" Ito kasi si Margaux Pa inuunahan niya ako "Sagot ni Ethan sa Papa niya
" Sigurado ka ? Ha ? "Tanong ng anak ko
" Kumain na tayo tama na yang away niyo para kayong mga bata ! Pag narinig ko pang nag aaway kayo sa labas kayo matutulog "Wika ni Sir
Nakita ko namang tinawanan ni Ethan yung anak ko tsaka nagalit ito ! Ewan ko ba sa batang to simula pagkabata niya ganyan na talaga siya sobrang mapang asar , tapos di yan nagpapatalo , ito namang anak ko pag sinaktan siya e mananakit din yan ! Pano ko ba makokontrol tong dalawang to inilagay ko yung pagkain sa mesa tsaka nagsimula silang mag almusal ! Pumunta ako sa taas para gisingin si Gabriel ! Batang yun , anong oras na tulog pa din sa kwarto niya !
" Nakkk "Katok ko
" Po ?"Sagot ni Gabriel
" Mag almusal ka na sa baba , nag aalmusal na sila dun "Wika ko
" Opo Nay bababa na po , maghihilamos lang ako "Wika niya
" Bilisan mo jan "Wika ko
" Opo "Sagot ko
Pumasok ako sa kwarto ng anak ko tsaka nilinisan ko yun maging kwarto ni Ethan nilinisan ko rin ! May nakita akong taong nasa gate nagtatanong kay Kim(Guard) biglang lumakas yung tibok ng puso ko dahil familiar sakin yung taong yun .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now