CHAPTER 35

88 4 0
                                    


Olga's POV

Kasalukuyan kaming naglilinis ni Margaux dito sa pinagtratrabahuan namin pagkatapos nito uuwi na kami dahil anong oras na ! Buti nalang at bumalik na ang lakas ni Margaux ngayon di tulad dati na kunting kilos lang napapagod agad ! Galit na galit yung kaibigan ko dahil pinagalitan siya kanina ni Sir Lawrence(Boss namin) , ang likot likot niya kasi kanina nabangga niya tuloy si Sir kaya ayun nagalit si Sir at pinagalitan siya ! Natatawa nga ako dahil sa mukha niya eh parang sasabog na
" Sumusobra na talaga yang Lawrence na yan ! Isusumbong ko na siya kay Ethan kala niya ! Porket malaki katawan niya sisigawan at papagalitan agad ako ?! May araw rin siya sakin "Galit niya habang naglilinis
" Ang likot likot mo kasi eh ayun tuloy ! Alam mo namang kumukulo agad dugo nun "Wika ko
" Araw araw akong pinapagalitan ng lalakeng yun tapos ikaw hindi "Galit niya
" Syempre di naman ako madaldal eh , ikaw di mo naman napipigilan yang kadaldalan mo eh alam mo namang umiikot si Sir pag oras ng trabaho tapos ikaw makikipagchismisan pa "Wika ko
" Bakit bawal bang makipag usap ?! Bawal bang magsasalita sa loob ng ilang oras ?! Ha ?"Galit niya
" Hayaan mo siya wag mo nalang pansinin "Wika ko
" Pag ako talaga nasobrahan ! Babatukan ko talaga siya kahit anak pa siya ng may ari ng factory na to ! Kahit magsumbong pa siya sa Papa niya wala akong paki kakainis siya kala niya di ako lalaban sa kanya ?! Maliit lang ako pero kaya ko siyang labanan no ! Ano kala niya sakin mahina ?! Suntukin ko pa mukha niya "Galit niya habang naglilinis
Napatigil nalang ako sa paglilinis dahil nasa likod na niya si Sir Lawrence ! Patay ka Margaux madaldal ka talaga sobra
" Anong sabi mo Margaux ?! Paki ulit nga "Wika ni Sir Lawrence
Napatigil naman si Margaux sa paglilinis at napatingin ito sakin ! Lumingon naman siya kay Sir na kasalukuyang nakakunot noo
" Po ?! Ahh wala po Sir "Wika ni Margaux
" Narinig kita kanina paki ulit nga "Wika ni Sir
" Wala nga po diba ?! Bingi ?!"Tanong ni Margaux
" Ayus ayusin mo yang bunganga mo ha , sa susunod dudugo na yan tingnan mo lang "Wika ni Sir
Bigla namang umalis si Sir at napatingin sakin si Margaux HAHAHA
" O ano ?! Bat takot na takot ka ? Sabi mo kaya mo siya ? Tapos ngayon takot na takot ka ?"Tanong ko
" Hmmp kala niya matatakot ako sa kanya ? Kahit dalawa pa sila ng Papa niya kala niya ha "Wika niya
" HAHAHA ! Baliw ka talaga "Wika ko
Nagpatuloy kami sa paglilinis at naunang umuwi yung iba ! Di ko alam kung san nagmana tong kaibigan ko sobrang daldal di naman ganun si Nanay Roxie eh ! Tapos matapang pag nakatalikod kaaway niya , pero kung kaharap na palaging Olga yung sinasabi !
" Tara na "Wika niya
Nang matapos kaming maglinis agad kaming lumabas at sumakay na ng jeep ! Kinuha naman ni Margaux yung cellphone niya dahil tumawag si Ethan ! Maya maya pa'y huminto yung jeep at may sumakay na lalakeng estudyante napangiti nalang ako ng palihim dahil kinikilig ako !
" Patay bii , lagot ako kay Ethan "Wika ni Margaux
" Bakit daw ?!"Tanong ko
" Kanina pa niya ako hinihintay akala niya ata nasa inyo pa ako "Sagot niya
" Gumawa ka nalang ng palusot "Wika ko
Napatingin naman siya sa mukha ko at tumingin ito sa lalakeng kaharap namin (yung estudyante)
" Bat namumula ka ?!"Tanong niya
" Ha?! "Maang maangan ko
Napatingin siya ulita sa lalakeng kaharap namin at tumingin ulit siya sakin
" Ikaw Olga ha pigil pigilan mo yang kaanuhan mo bata pa yan "Bulong niya sakin
" Anong pinagsasasabi mo ?"Maang maangan ko
Di talaga ako nakakalusot kay Margaux eh nakakainis
" Sus maang maangan ka pa "Wika niya
" Lahh "Wika ko
Napatingin naman samin yung lalake at tinago ko mukha ko sa likod ni Margaux para pakalmahin sarili ko ! Siguro namumula na ako sobra !
" Sabihin ko crush mo siya "Bulong ni Margaux sakin
" Sige subukan mo babatukan talag--- "
" Kuya crush ka daw ng kaibigan ko ! Kita mo namumula siya oh kinikilig siya dahil gwapo ka daw "Wika ni Margaux
Nagulat naman ako sa sinabi ni Margaux kaya kinurot ko tagiliran niya dahilan para mapangiwi siya ! Nakita ko namang ngumiti yung lalake
" Kuya wag kang maniniwala sa kaibigan ko ! May sayad to eh ! "Wika ko sa lalake
" Ikaw ano ano lang sinasabi mo , di ka parin nagbabago kakainis ka "Kurot ko kay Margaux
" HAHAHA "Tawa niya
Nang makarating kami sa bahay nila Margux agad naman siyang bumaba at nagpaalam sakin
" Babye Olga "Wika niya
" Babye bii "Wika ko
Agad naman siyang tumakbo papunta sa gate nila at nakita kong lumabas si Ethan sa gate ! Sigurado akong mag aaway na naman yun aso't pusa sila eh HAHAHA ! Sana di magbago si Ethan , sana mahalin pa niya si Margaux dahil ayokong nakikitang umiiyak at nasasaktan yung kaibigan ko dahil mahal ko yung kaibigan ko ! Kelan kaya darating yung lalakeng para sakin ?! Sana tulad din kay Ethan na mahal na mahal yung kaibigan ko .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now