CHAPTER 12

131 6 0
                                    


Margaux's POV

Dahil sa ginawa sakin ni Ethan natakot na ako sa kanya ! Kaya nagsinungaling lang ako kay Nanay para makauwi ako dito pero ang totoo takot ako kay Ethan ayokong sabihin kay Nanay yung ginawa sakin ni Ethan baka pagalitan si Ethan ni Nanay ! Mabuti pa dito sa bahay namin tahimik di tulad dun sa bahay nila Ethan ! Tatlong araw na ako dito sa bahay namin tsaka tatlong araw na rin akong nakapagpahinga Di ko alam kung bat ako pinagbintangan ni Ethan di ko rin alam kung san nalaman ni Tita Louise yun eh ! Dito muna ako sa bahay habang wala pang pasok ! Nagpaalam naman ako kila Tita Louise at Tito Romeo at yun pumayag naman sila ! Habang nagbabasa ako ng libro biglang may pumarang kotse sa tapat ng bahay namin ! Kaya agad akong bumaba para tingnan kung sino yun ! Pagbukas ko ng pinto ay sya naman ang pagtibok ng puso ko ! Napaatras ako dahil papunta siya sakin ! Gusto ko mang magtago pero di ko magawa ! Bat siya pumunta dito ? Pano niya nalaman na dito kami nakatira ?!
" E-e-e-than ? "Takot ko
Napahawak ako sa upuan namin dahil kaharap ko na siya ! Wala ng pwesto para umatras pa ! Ramdam ko ang panginginig ng mga paa ko dahil sa takot ! Bigla naman niya akong kinulong gamit yung mga kamay niya tinutulak ko siya pero di ko siya kaya
" Ethan ano ba "Inis ko
" Margaux ?! "Wika niya
Teka ?! Lasing ba siya ? Bat amoy alak yung hininga niya ?
" Ethan lasing ka ba ? Pumunta ka ba dito para saktan ulit ako ?"Takot ko
" Oo lasing ako Margaux ! Pero di ako nandito para saktan ka ! Nandito ako para samahan ka "Sagot niya
" Samahan ? Ano kala mo sakin ? Bata? Tsaka pwede ba Ethan pakawalan mo ko "Reklamo ko
Itutulak ko sana siya ng biglang niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko kaya agad kong tinakpan yung bibig ko gamit kamay ko !
" Saglit lang ! May gusto akong makita "Bulong niya
Dahil sa inis ko itinulak ko siya at yun nagtagumpay ako ! Napaupo siya sa sahig at iniwan ko siya ! Pumunta ako sa taas dahil meron pa pala siyang kasalanan sakin ! Di ko alam pero kanina pa tibok ng tibok ang puso ko tila ba'y may sinasabi ! Matutulog na sana ako ng bigla kong naalala si Ethan baka magsumbong siya sa Mama niya na di ko siya inaasikaso ! Kasi pag nandun ako sa kanila inaasikaso nila ako Kaya tumayo ako at pumunta sa baba ! Nakita ko siyang nakahiga sa sofa kaya lumapit ako sa kanya ! Umupo ako sa tabi niya at tinutukan yung mukha niya !
" Sayang gwapo ka pa naman kaso pangit ugali mo ! "Wika ko
Bigla namang tumibok yung puso ko dahil dun sa sinabi ko ! Jusko ano to ? Bat tibok ng tibok tong puso ko ?!
" Ano bang meron sayo Ethan ?"Tanong ko
" Margaux sorry ! "Wika niya habang tulog
Dahil sa sinabi niya napangiti ako ! Kahit na masama ugali niya may kunting awa rin pala sa puso niya !
" Ethan gising ! "Wika ko
Kailangan siyang magising para makapunta siya sa kwarto ko
" Oyyyy "Yugyug ko
" Hmmmm "Ungol niya
" Bumangon ka jan ! Dun ka sa kwarto ko matutulog ! Wag dito malamig dito sa sala ! "Wika ko
" Hmmmm "Ungol niya
Hay nako lasing na lasing nga siya Ano ba gusto niya ? Buhatin ko siya ? Ang laki laki kaya ng katawan niya di ko siya kaya
" Ethan ano ba ! Bumangon ka na "Inis ko
Dahil sa di siya bumabangon napagpasyahan kong buhatin siya ! Noon pag may kasalanan sakin yung isang tao di ko pinapansin pero ngayon parang okay lang sakin ! Binuhat ko siya hanggang sa maipasok ko siya sa kwarto ko ! Jusko masakit yung kamay ko !
" Inom ng inom pero di naman pala kaya ! Kung di kalang anak ni Tita Louise hahayaan talaga kitang mokong ka "Wika ko
Pinasandal ko muna siya sa pader at kumuha ng damit ! Ang baho na kasi ng damit niya amoy alak ! Pinahiga ko siya sa kama ko tsaka hinubad yung damit niya !
" Isusumbong kita sa Mama mo ! Tingnan mo lang "Wika ko
" Hmmmm "Wika niya habang tulog
" Natatakot ka ?!! May kasalanan ka pa nga sakin eh "Wika ko
Di na niya ako sinagot at narinig ko nalang na humihilik na siya ! Pinalitan ko rin ng pajama yung pantalon niya dahil basa ito !
" Hay nako Ethan ka "Bulong ko
Humiga na rin ako tsaka humarap ako sa kanya ! Inutusan ako ng sarili ko na hawakan yung mukha niya kaso di ko ito sinunod ! Tumalikod ako sa kanya tsaka natulog na !
_
_
_
_
_
_
_
Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw ! Napatingin ako sa likod ko dahil merong nakayakap ! Pag harap ko sa likod ko ay may nakabangga yung mukha ko ! Kaya agad akong napadilat! Nagulat ako dahil kaharap ko na pala si Ethan
" Aaahhhhhhhhh "
Bigla ko siyang naitulak dahilan para mahulog siya sa kama ! Bumangon ako tsaka kinuha ko kumot ko para itakip sa katawan ko
" Shhh*tttt "Wika niya
Bigla namang nanlaki yung mga mata ni Ethan dahil sa nakita niya ! Nagulat ako dahil nakahubad ako tsaka nakabrief lang siya ! Nanayyyy
" Ethan anong ginawa mo ?!!! "Tanong ko
" I don't know ! Lasing ako kagabi di ko alam ang nangyari "Sagot niya
Agad naman niyang tinakpan yung ano niya gamit kamay niya !
" Ethan anong ginawa mo bat nakahubad tayo ! Wag mong sabihin na may ------
" Di mangyayari yun ! Okay ! Kalma di ko gagawin yun "Wika niya
Agad kong kinuha yung pajama ko dahil nahihiya ako ! Diyos ko ano bang nangyari !? Agad naman siyang nagbihis at lumabas ng kwarto ! Naglakad lakad ako baka may masakit sakin pero wala naman ! Pero kagabi may damit ako bat ngayon wala na ?! Lumabas din ako sa kwarto ko para mag almusal !
" Nasan yung almusal ?"Tanong ni Ethan
" Kakagising ko lang nakalimutan mo agad ?"Tanong ko
" Tsk ! Bilisan mo nagugutom na ako "Wika niya
Kita niyo na ? Siya na nga yung may kasalanan siya pa yung galit samin ! Wala talagang hiya tong lalakeng to !
" Ano pa hinihintay mo ?"Tanong niya
" Atat ? "Tanong ko
Bigla naman niyang hinampas yung mesa ! Aba aba aba !
" Hoy Ethan ! Baka nakakalimutan mo wala ka sa teritoryo mo ! Wag na wag mong dadalhin yang ugali mo dito sa bahay namin ! Nagkakaintindihan ba tayo ?"Tanong ko
" Yung almusallllllll "Sigaw niya
Papansin talaga to ! Alam naman niyang kakagising ko lang ! Agad akong nagluto ng itlog at hotdog yun kasi paboritong almusal ni Señorito !
" Ito na ! "Wika ko
" Bat galit ka ?! May problema ?"Tanong niya
" Wala po "Sagot ko
Umupo rin ako para mag almusal ! Nagugutom na rin ako ehh ! Nakita ko namang nakatingin lang sakin tsaka di pa siya kumakain
" Bakit ?"Tanong ko
" Yung gatas ?"Tanong niya
" Pambihirang lalakeng to ! WALA KAMING GATAS DITO KAYA WAG KANG MAARTE "Galit ko
Dahil sa galit ko nakita kong napalunok siya ng laway ! Sumusobra na talaga tong lalakeng to kung makaasta siya kala niya bahay niya to eh Agad naman niyang kinain yung niluto ko dahil tinusok ko sa lamesa yung kutsilyo namin para matakot siya ! Kala niya ha
" Sarap talaga ng luto mo ! Parehong pareho kay Nanay "Wika niya
" Wag mo kong lokohin ! Pagkatapos mong kumain umuwi ka na di ka bagay dito "Wika ko
" Oo nga pala ! Sabi sakin ni Papa pag umuwi ako kasama na kita ! "Wika niya
" Sinungaling ka talaga sobra Nagpaalam ako kila Tita bago ako umalis ! Sabi ko sa kanila habang wala pang pasok dito muna ako sa bahay namin "Wika ko
" Ayaw mong maniwala ! Yan ohh "Wika niya sabay pakita sakin yung convo nila ng Papa niya
" Pero sabi----
" Sabihin mo ayaw mong umuwi dahil di ka nakakahanap ng lalake ! "Wika niya
" Yuck ! Baka ikaw "Wika ko
Di ko na siya pinansin at tumayo ako para maglinis dito sa bahay ! Hay nako uuwi na naman ako sa bahay nila Ethan
" Bilisan mo jan ! Mag aalas dose na "Wika ni Ethan
" Edi mauna ka ! Pake ko ba kung mag aalas dose na ?! Kaya kong pumunta sa bahay niyo "Wika ko
Bigla naman siyang lumapit sakin tsaka humarap sakin
" Ang tapang tapang mo dahil nandito ka sa bahay niyo ? Tingnan natin kung lalabas pa yang tapang mo pag nasa bahay na tayo "Wika niya
Tinulak ko siya tsaka kinuha na yung mga gamit ko para makaalis na kami kala niya di ko siya isusumbong kay Nanay ?! Mamaya siya ! Sumakay siya sa kotse niya tsaka sumakay na rin ako dahil nga sa nasa likod ako pinalipat niya ako sa harapan ! Himala !!
" Wala ka na bang nakalimutan ?"Tanong niya
" Wala na "Sagot ko
Tuluyan kaming umalis at tinungo yung bahay nila ! Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe bigla niyang inihinto yung kotse niya ! Napatingin siya sakin at tumingin rin ako sa kanya
" Bakit ?"Tanong ko
Bigla naman niyang iniwas yung tingin niya sakin at bigla siyang ngumiti ! Tumingin siya sa labas at biglang naging seryoso yung mukha niya
" Margaux ? Sorry pala dun sa ginawa ko sayo ha ! Di ko kasi napigilan yung sarili ko ! Kala ko kasi ikaw yung nagsumbong kay Mama pero si Papa pala ! Alam kong peke yang mga ngiti at mga sungit mo sakin ! Alam kong takot na takot ka sakin dahil dun sa ginawa ko ! Pero mabuti akong tao Margaux maniwala ka ! Alam kong ang laki ng galit mo sakin dahil nakikita ko ito sa mga mata mo ! Alam kong mahirap magpatawad pero gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako "Lungkot niya
Di ko alam kung anong sasabihin ko ! Siya ba talaga si Ethan ? O baka naman nagpapanggap lang siya ! Pero nakikita ko sa mga mata niya na totoo ang mga sinasabi niya !
" Alam ko namang di ka masamang tao ehh pero kailangan mo ba talagang gawin yun ? Kala ko nga di mo yun gagawin sakin ehh ! Pero hayaan mo na lilipas din yun ! "Wika ko
" Pinapatawad mo na ba ako ?"Tanong niya
" Sa ngayon hindi pa ! Pero alam kung mapapatawad kita dahil sabi mo nga mabuti kang tao "Wika ko
" Magbabago ako Margaux para sayo ! Para mapatawad mo ! Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako "Wika niya
" Talaga ?"Tanong ko
Tumango naman siya sakin at ngumiti ! Aksidenteng nagkatitigan kami at tumibok ulit yung puso ko ! Iniwas ko yung tingin ko dahil iba na ang sinasabi ng puso ko ! Di ako pwedeng mahulog kay Ethan dahil ayokong masira yung mga pangarap niya dahil sakin ! Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at binaybay ulit ang daan papunta sa bahay nila .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now