CHAPTER 17

105 3 2
                                    


Ethan's POV

" Taaaaayyyyyy "
Naalimpungatan nalang ako dahil biglang sumigaw si Margaux ! Agad akong bumangon at humarap ako sa kanya ! Nakita ko namang pawis na pawis siya tsaka mukhang takot na takot 
" Oyy ? Bat ka sumigaw .?"Tanong ko
Napatingin naman siya sakin at tumingin rin ako sa kanya
" E-e-than napanaginipan ko si Tatay "Takot niya
Bumangon ako tsaka binuksan ko yung ilaw ! Kumuha ako ng damit sa cabinet niya tsaka bumalik ako sa kama
" Magbihis ka muna dun ! Basang basa yung damit mo "Wika ko
Agad naman siyang napatingin sa damit niya tsaka kinuha niya yung binigay ko ! Tumalikod naman siya sakin tsaka nagpunas ng pawis niya at nagbihis na ! Agad siyang humarap sakin tsaka humiga siya
" Ano napanaginipan mo ?"Tanong ko
Humiga rin ako tsaka humarap ako sa kanya
" Sabi niya kailangan niya daw ako ! Ethan natatakot ako dahil patay na si Tatay baka kunin niya ako "Takot niya
Yinakap ko siya tsaka umiyak naman siya sa dibdib ko !
" Di yan gagawin ng Tatay mo ! Baka namiss ka lang niya kaya niya ginawa yun "Wika ko
" Sana nga "Wika niya
Nagkumot kami tsaka natulog ulit ! Alas dos palang ng madaling araw  todo yakap naman tong kaharap ko dahil natatakot daw siya
_
_
_
_
_
_
_
_
Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw ! Agad akong napabalikwas dahil wala na dito yung katabi ko ! Lumabas ako sa kwarto ni Margaux tsaka pumunta ako sa baba baka nandun si siya Nakita kong nagluluto si Nanay kaya agad akong lumapit sa kanya
" Nay si Margaux po ?"Tanong ko
" Ayun pumasok na sa school "Sagot ni Nanay
Oo nga pala lunes ngayon ! Pero bat di niya ako ginising para ako ang maghatid sa kanya
" Sino po naghatid sa kanya ?"Tanong ko
" Sabay sila ni Gabriel "Sagot ni Nanay
" Ahh ganun po ba "Wika ko
" Bakit ?"Tanong ni Nanay
" Wala lang po "Sagot ko
" Mag almusal ka na dun ! Tsaka uutusan kita mamaya "Wika ni Nanay
" Opo "Sagot ko
Pumunta ako sa hapag kainan tsaka mag isa akong nag almusal !
" Nay ?! Narinig niyo ba yung sigaw ni Margaux kagabi .?"Tanong ko
Bigla namang napatingin sakin si Nanay habang nagluluto
" Sumigaw ? "Tanong niya
" Opo Nay ! Sumigaw po kagabi si Margaux "Wika ko
" Bat naman siya sumigaw ?"Tanong ni Nanay
" Napanaginipan daw niya yung Tatay niya tsaka kailangan daw siya ng Tatay niya ! Takot na takot nga siya kagabi ehh "Wika ko
Bigla namang napatigil sa pagluluto si Nanay tsaka biglang nahulog yung sandok na hawak niya
" Nay okay ka lang ?"Tanong ko
Tumango naman siya tsaka agad niyang hinain yung niluluto niya ! Di ko na pinansin si Nanay tsaka pumunta na ako sa kwarto ko !
_
_
_
_
_
_
_
Habang nag aantay ako kay Margaux dito sa kotse ko nakita kong may kausap si Margaux na lalake ! Agad naman silang lumabas sa gate dahil uwian na ! Bumaba ako dahil di ko alam kung san sila pupunta ! Agad ko siyang tinawag at napalingon naman agad siya sakin
" San ka pupunta ? Uwian na diba ?"Tanong ko
Napatingin naman siya sa lalakeng kasama niya
" Ahh Tuazon ! Uuwi na pala ako nandito na pala sundo ko ! Sa susunod nalang tayo mamasyal ha "Wika ni Margaux sa kaklase niya
" O sigi ! Uuwi na rin ako "Wika ng lalakeng yun
Agad kong hinila si Margaux tsaka pinapasok ko siya sa kotse ko pumasok rin ako tsaka humarap ako sa kanya
" Sino yun ha ? Tsaka bat kayo magkasama ?"Tanong ko
" Si Tuazon yun ! Gusto niya kasing mamasyal kami "Sagot niya
" Kung uwian na uwian na di yung lumalandi pa sa iba "Wika ko
" Mamamasyal lang lumalandi agad ! Tusukin pa kita ng ballpen eh "Wika niya
" Pag nakita ko kayo ulit isusumbong na talaga kita kay Papa ! Ilang beses mo na tong ginawa "Wika ko
" Di ko naman boyfriend yun ehh ! Tsaka isa pa mamamasyal lang kami wala kaming ibang gagawin "Wika niya
" Ayusin mo lang "Wika ko
Nagsimula akong magmaneho tsaka di ko na siya pinansin ! Dahil sa kadaldalan niya nilagyan ko ng tape yung bibig niya tsaka pinatuloy ko yung pagmamaneho ko ! Nang makarating kami sa bahay napatingin ako sa kanya dahil di pa siya bumababa ! Ang sama ng tingin nito sakin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin
" Ang sama sama mo talaga lalake ka sumusobra ka na ahh ! "Galit niya
" Sobrang daldal kasi yan tuloy "Wika ko
" Sabi mo magbabago ka ? Tapos di naman pala ! Kala mo sasagutin kita "Wika niya
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya kaya huminga ako ng malalim tsaka humarap ulit sa kanya
" Ikaw naman kasi baby ehh ! Alam mo namang mabilis uminit yung ulo ko pag may kasama kang iba "Wika ko
" Baby mo mukha mo "Wika niya
Agad naman siyang lumabas sa kotse ko tsaka iniwan ako ! Napa face palm nalang ako dahil di ko alam kung pano ko babaguhin tong ugali ko nakasanayan ko na to ehh pero alam kong magbabago ako ! Lumabas din ako sa kotse ko pupunta na sana ako sa kwarto ko ng biglang hilain ni Nanay yung damit ko
" Ano na naman ginawa mo kay Margaux ? Sabi niya pinahiya mo daw siya sa school niya "Wika niya
" Lahh ! "Gulat ko
Pinahiya ko ba siya ? Di naman ahh ! Napakasinungaling talaga ng baklang yun
" Nay di ko po pinahiya si Margaux sa school nila sinundo ko lang siya "Wika ko
" Umayos ka Ethan ha pinalaki ko kayo ng maayos "Wika ni Nanay
" Nay di ko nga po siya pinahiya ! "Wika ko
Di na ako pinansin ni Nanay tsaka nagpatuloy siya sa paglilinis niya dahil sa gabi na naligo ako dahil feel ko naiinitan ako ! Pumasok ako sa kwarto ni Margaux tsaka nilock ko yun ! Nakita ko siyang nakahiga kaya agad akong tumakbo tsaka pinatungan ko siya
" Huli ka "Wika ko
" Aray ko "Reklamo niya
" Napakasinungaling mo talagang bakla ka ! Pinahiya ba kita sa school niyo ? Ha ? "Wika ko sabay lapit yung mukha ko sa mukha niya
" Totoo naman na pinahiya mo ko kay Tuazon eh ! Niyaya niya ako na mamamasyal kami tapos pumayag ako tapos bigla kang umiksena "Wika niya
" Sino ba yung Tuazon na yun ha ? Bat iba yang mga ngiti mo pagkasama mo siya "Wika ko
" Crush ko "Wika niya
" Margaux naman may manliligaw ka na "Wika ko
" Umiwas ka nga jan ang bigat mo Ethan "Reklamo niya
" Ayoko nga "Wika niya
" Alam mo lahat ng ayaw ko nasayo na eh "Wika niya
" Bat mo naman nasabi ?"Tanong ko
" Masungit , laging nang aasar , papansin , lagi akong ginugulo pag mag aassignment ako , tsaka inaaway pa ako ! Alam mo pagpinatuloy mo yan di talaga kita sasagutin tsaka kung liligawan man ako ni Tuazon siya nalang sasagutin ko dahil mabait siya sobra "Wika niya
" Margaux gwapo naman ako ahh ! Tsaka Malaki katawan ko diba yun gusto niyo "Wika ko
" Tskk ! Kahit na ! Di naman yan yung gusto ko sa lalake ehh ! "Wika niya
" Ehh ano ?"Tanong ko
" Gusto ko yung lalakeng mahal ako tsaka kaya akong ipaglaban , gusto ko yung lalakeng mabait , gusto ko yung lalakeng simple lang , gusto ko yung lalakeng malambing tsaka sasamahan ako kahit saan tsaka madami pa ! O ano meron ka nun ? Wala diba ? Puro pang aaway tsaka pang aasar lang naman yung sayo tsaka kontrabida pa minsan "Wika niya
Umiwas ako sa pagkapatong sa kanya tsaka humiga at humarap sa kanya
" Kaya ko namang gawin yun lahat ahh "Wika ko
" Sus puro ka nga lang salita ehh ! Gawin mo kung kaya mo ! "Wika niya
" Gagawin ko na talaga Margaux maging akin ka lang "Wika ko
Yayakapin ko sana si Margaux ng biglang may kumatok sa kwarto niya
" Margaux ! Bat nakalock dito ! Nandito yung mga damit mo ! Papasukin mo si Nanay "Katok ni Nanay
Agad kaming nagkatitigan ni Margaux kaya agad niya akong pinatago ! Tumago ako sa ilalim ng kama ni Margaux grabi yung kaba ko agad namang pinagbuksan ni Margaux si Nanay
" Sino kasama mo dito ? Bat nagsasalita kang mag isa "Wika ni Nanay
" Ahh nag video call kasi kami ni Olga Nay "Wika ni Margaux
" Ahh ! Matulog ka na ! May pasok ka pa bukas "Wika ni Nanay
Nagulat ako dahil biglang naapakan ni Nanay yung paa ko ! Napakagat labi ako dahil sa sakit !
" Ano yun ?"Tanong ni Nanay
" Yung ano Nay ?"Tanong ni Margaux
" May nilagay ka ba dito sa ilalim ng kama mo ? Tingnan ko nga "Wika ni Nanay
Sunod sunod na kaba yung nararamdaman ko pinagpapawisan na ako dahil baka mabuking kami ni Nanay
" Ahh ! Nay wala po akong nilagay jan ! Nay matutulog na po ako inaantok na kasi ako ehh goodnight Nay "Wika ni Margaux
Narinig ko nalang na siniraduhan ni Margaux yung kwarto niya ! Nakahinga ako ng maluwag dahil nakalabas na si Nanay ! Agad akong tumayo tsaka bigla akong hinampas ni Margaux
" Papansin ka talaga ! Halos mamatay ako sa kaba Ethan ! May sarili ka namang kwarto ahh bat di ka matulog dun "Inis niya
" Sorry naman ! Di ko naman alam na papasok si Nanay ehh "Wika ko
" Labas ka nga ! "Wika niya
" Ayoko ! Dito ako matutulog "Wika ko
Hinawakan ko kamay niya tsaka hinila ko siya para mapahiga siya !
" Alam mo di pa nga kita boyfriend pinapahirapan mo na ako pano na kung maging boyfriend na kita "Reklamo niya
" Edi dobleng hirap yung haharapin mo ! Isa sa ugali , isa sa kama HAHAHA "Tawa ko
Bigla naman niyang kinagat yung kamay ko tsaka tumalikod na sakin ! Kaya kong magbago para kay Margaux Mahal ko si Margaux kaya walang dahilan para saktan ko siya ! Humarap siya sakin tsaka yinakap niya ako ! Yinakap ko rin siya tsaka natulog na .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now