CHAPTER 40

217 4 4
                                    

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT 🌺
_
_
_
_

CHAPTER : 40

Roxie's POV

Nabalitaan kong patuloy na naghahanap si Menandro sa anak ko , nasiyahan lang ako dahil tinupad niya mga sinabi niya pero mukhang mahihirapan akong tanggapin at patawarin si Menandro dahil naaalala ko agad ang mga ginawa niya samin noon , pero noon pa yun alam kong kaya niyang baguhin sarili niya ! Kasalukuyan akong nandito sa sala kasama ko si Ares at Tristan nag uusap yung dalawa , masaya ako dahil di pinabayaan ni Menandro yung anak ko , nakapagtapos ang anak ko dahil kay Menandro samantalang ako di ko man lang nakayang pagtapusin yung bunso ko dahil sa kahirapang dinanas namin noon , nakakalungkot lang dahil gusto pa namang umakyat ni Margaux sa stage at ako yung maglalagay ng medalya sa kanya ! Dahil sa kaiisip pumatak bigla yung luha ko dahil di ko man lang nakayang pagtapusin yung bunso ko pero alam kong naiintidihan niya kalagayan namin noon !
" Ares ! Tristan mag meryenda na kayo dito lalamig tong niluto ko "Sigaw ko
Narinig ko namang naglakad sila papunta sa hapag kainan kaya umakyat muna ako papunta sa kwarto ko dahil may pupuntahan ako
" Nayyy "Katok ni Ares
" Oh?"Tanong ko
Agad namang bumukas yung pinto at pumasok si Ares
" Di ka po ba kakain !?"Tanong niya
" May pupuntahan si Nanay nak , tsaka pwede bang ikaw muna magbantay dito ?! "Tanong ko
" Pwede naman po "Sagot niya
Lumapit naman siya sakin at tumabi ito ! Kinuha naman niya yung solong litrato ni Margaux !
" Si Yanyan to ah ! Ang dungis niya dito oh palagi kasing nasa labas "Wika ko
Nakita ko namang nakangiti ito at kita kong pinunasan niya luha niya
" Sana magkita na kami ng kapatid ko Nay , miss ko na po siya sobra ! Ni-hindi ko po siya nakasama ng matagal "Wika ko
" Mahahanap din ng Tatay mo yung kapatid mo "Wika lo
" Sana nga Nay "Wika niya
Alam kong mahal na mahal ni Ares yung kapatid niya dahil siya nun yung tagapagtanggol ni Margaux nung mga bata pa sila !
" Nak ? Naaalala mo pa yung kaibigan ni Margaux ?! Si Raprap ba yun ?"Tanong ko
" Ahh oo Nay , Si Raprap yun kasabay po siya namin sa eroplano "Sagot niya
" Alam mo bang puno ng love letter yung cabinet ni Margaux para sa Raprap na yan ?"Tanong ko
" Crush niya si Raprap ?"Tanong niya
" Ewan ko ba sa batang yun "Sagot ko
Sana makita na ni Menandro yung anak ko dahil nagbalik na pala yung matalik ns kaibigan ni Margaux ! Kung sakaling mahanap na ni Menandro yung anak ko di ko na hahayaang magkita pa sila ni Ethan dahil habang magkasama sila maraming pagsubok at maraming piligro ang dumadating sa kanila kaya habang nabubuhay ako ilalayo ko anak ko sa anak ni Romeo .

Ethel's POV

Makalipas ang ilang linggo pansin kong bumabalik na yung lakas ni Ethan ! Masaya lang ako dahil natulungan ko siyang ibalik lakas niya ! Minsan pag natutulog siya binibigkas niya pangalan ni Margaux ! Bat di siya mawala sa isipan ni Ethan ?! tanong ng tanong siya sa Papa niya kung sino ba si Margaux ! Dahil nga sa ayaw ipaalala ni Tito Romeo ang nakaraan niya , gumagawa nalang ng ibang kwento si Tito Romeo para di niya maalala kung sino si Margaux ! Hanggang ngayon tanong ng tanong siya kay Gabriel pero walang maisagot si Gabriel dahil sinabihan siya ng Papa niya ! Kasalukuyan akong nandito sa Mall katatapos ko lang magpadala ng pera para kay Tito para may ipakain sila kay hampaslupang bakla ! Nang matapos akong mamili dito sa Mall agad akong umuwi baka hinahanap na ako ni Ethan ! Yes , tama ang nabasa niyo ako na ang hinahanap ni Ethan pag twing wala ako sa bahay nila ! Kunti nalang talaga magiging akin na si Ethan
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating ako sa bahay nila Tito Romeo agad akong pumasok sa kwarto ni Ethan at nakita ko siyang nakaupo agad naman siyang tumayo at lumapit sakin at yinakap ako
" San ka ba galing ?! Kanina pa kita hinahanap "Wika niya
" Galing ako sa Mall Ethan may binili lang "Wika ko
" Dapat nagpapaalam ka sakin kung aalis ka "Wika niya
" Sorry "Wika ko
Umupo naman siya sa kama niya at inilagay ko sa mesa yung bag ko
" Kumain ka na ba ?"Tanong ko
" Di pa dahil hinihintay kita "Sagot niya
" Wait lang magluluto lang ako ng pagkain ! Wag kang matutulog ha "Wika ko
" Oosige "Wika niya
Agad akong tumayo at lumabas sa kwarto ni Ethan maglalakad na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko at pinasandal ako sa pader
" San mo dinala si Margaux ha ? San mo siya dinala ?"Galit ni Gabriel
" Ano bang pinagsasasabi mo ?! Wala akong alam "Wika ko
" Alam kong may alam ka Ethel ! Ikaw lang naman naiinggit kay Margaux diba ? Wag ako lokohin mo Ethel kilala kita "Wika niya
Dahi sa nasasaktan ako agad ko siyang itinulak at ganun pa rin tingin niya sakin
" Kung nawawala man si Margaux wala akong alam dun Gabriel "Wika ko
" Pag nalaman kong ikaw may kagagawan nito ako mismo magsusumbong kay Papa para paalisin ka niya dito "Wika niya
" Gabriel ?! Kilala mo si Margaux ?! "Tanong sa likod ko
Nagulat nalang ako dahil nasa likod ko na pala si Ethan
" Kilalang kila---- "
" Ethan bumalik ka na sa loob ! May pinag uusapan lang kami ni Gabriel ! Kung ano man ang narinig mo wag mo nalang pansinin ! Sige na balik na sa loob "Wika ko kay Ethan
Agad namang bumalik sa loob si Ethan at humarap ako kay Gabriel
" Kita mo na ?! Ayaw na ayaw mong sabihin kay Kuya Kung sino si Margaux dahil takot kang maalala niya lahat ?! Magpakasaya ka ngayon Ethel dahil darating ang araw na maaalala din ni Kuya kung sino siya "Wika niya
Agad naman siyang pumasok sa kwarto niya at naiwan akong tulala ! Hindi ako papayag na maalala ni Ethan ang lahat , di ako papayag na maalala ni Ethan si Margaux at mas lalong di ako papayag na magkita sila ulit .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now