CHAPTER 33

69 4 0
                                    


Margaux's POV

Makalipas ang ilang linggo di na kami nagkikita ni Ethan dahil sa todo bantay sakin yung pamangkin ni Nanay ! Ilang linggo na ring di ko nakakausap si Tantan di rin ako makatakas dahil mahigpit siya sobra kaya sa bahay , eskwelahan at trabaho lang yung pinupuntahan ko yes po nagsimula na po akong magtrabaho dun sa pinagtratrabahuan ni Olga , sinabi ko rin kay Ate Sally na wag niyang sasabihin kay Nanay na nagtartrabaho ako umoo naman siya kaya gagawa na ako ng paraan para makatakas at makapunta sa anniversary namin ni Ethan ! Kasalukuyan akong nakaupo at nagpapahinga dahil katatapos ko lang maglaba wala dito si Ate Sally kaya ako nalang naglinis ng buong bahay ! Habang naglilinis ako nakita ko yung polo ni Ethan kaya agad kong kinuha yun naiwan niya ata dito ! Di ko matawagan si Ethan dahil wala na akong phone nandun kay Nanay yung phone ko balak ko ngang bumili ng bago e pero alam kong ibabalik yun sakin ni Nanay ! Pumunta ako sa labas at nilabhan ko yung polo ni Ethan at isinampay ko yun para matuyo agad ! Maya maya pa'y biglang may nagdoorbell kaya agad kong binuksan yung gate namin
" Olga ?"Tanong ko
Pumasok naman siya at pumasok kami sa bahay namin
" Ang aga mo ah may kailangan ka ba ?"Tanong ko
" Papasok ka ba ngayon ?"Tanong ni Olga
" Sa trabaho ?"Tanong ko
" Oo "Sagot niya
" Syempre papasok ako ano naman gagawin ko dito e sabado ngayon "Wika ko
" Hay salamat "Sagot niya
" Bakit ?"Tanong ko
" Galit na galit ngayon si Sir dahil marami daw absent "Sagot niya
" Baka may ginagawa lang yung iba o di kaya'y may problema kaya di sila pumasok ngayon ! "Wika ko
" Baka nga "Sagot niya
6am-10pm yung schedule namin ni Olga dun sa trabaho namin ! Kahit na pagod at nahihirapan ako magtratrabaho pa rin ako para may ibigay lang ako kay Ethan
" Kamusta na kayo ni Ethan ? Nakakausap mo na ba siya ?"Tanong ni Olga
Umupo ako sa tabi niya at nalungkot ako dahil naisip ko na naman si Ethan
" Di pa nga eh pero gagawa kami ng paraan para makita namin ang isa't isa "Sagot ko
" Bii alam mo bang may inupload si Ethel ?"Tanong ni Olga
" Pano ko malalaman e Wala nga akong cellphone eh "Sagot ko
" Sayang lowbat yung phone ko "Wika ni Olga
" Bakit ? Ano yung inupload niya ?! Tsaka wala akong paki dun kung ano man yun "Wika ko
" Talaga ?! Nako pag nakita mo ewan ko lang talaga ! Alam mo gigil na gigil na talaga ako sa babaeng yun pag nakita ko talaga siya ulit ipapahiya ko na talaga siya sa harap ng maraming tao "Galit ni Olga
" Hayaan mo na siya bii , tsaka wag mong gagawin yun dahil alam kong gaganti si Ethel marami ang tauhan nila kaya mas mainam na manahimik nalang tayo para walang gulo "Wika ko
" Pero sumusubra na siya "Wika niya
" Ang sabi ko hayaan na natin siya para walang gulo "Wika ko
" Pfffftt "Simangot niya
Pumunta ako sa taas at kinuha ko yung bag ko para tapusin yung nga gawain sa school ! Bumalik ulit ako sa kinaroroonan ni Olga at tumabi ako sa kanya
" Wait lang bii ha magluluto ako ng makakain natin "Wika ko
" O sige "Wika niya
Pumunta ako sa kusina at nagluto ng makakain namin ni Olga ! Bigla namang dumating si Ate Sally at lumapit ito sakin
" Kumain ka na ba ?"Tanong ni Ate Sally
" Kakain palang po "Sagot ko
" Pasensya ka na kung di ako nakapagluto kanina ha nagmamadali kasi ako "Wika niya
" Okay lang po "Sagot ko
Habang nagluluto ako ng pagkain bigla nalang may dumapong itim na paru paru sa kamay ko napatingin ako sa kamay at napatingin din si Ate Sally na para bang natatakot ito ! Pinahinaan ko muna yung apoy ng kalan para hawakan ang paru parung ito hahawakan ko na sana ng bigla itong lumipad at tuluyang lumabas sa bahay
" Masamang pangitain ito Margaux "Wika ni Ate Sally
" Masamang pangitain ? Ano pong ibig niyong sabihin ?"Tanong ko
" Ahh wala wala ! Ipagpatuloy mo nalang yan para makakain na kayo "Sagot ni Ate Sally
" O sige po "Wika ko
Agad namang umalis si Ate Sally at bigla akong kinabahan dahil dun sa paru parung yun ! Hayys ano ba to ! Nang matapos akong magluto agad akong pumunta sa kinaroroonan ni Olga
" Kain na tayo bii "Wika ko
Ngumiti naman siya at kumain na kami ! Nang matapos kaming kumain tinulungan ako ni Olga maglinis dito sa sala namin !
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa gabi na agad akong nagpaalalam kay Ate Sally at lumabas na ako sa bahay para pumunta sa trabaho ! Habang naglalakad ako nakita ko si Ethel may kausap itong lalake sasakay na sana ako ng taxi ng biglang may humawak sa braso ko at hinila ako
" At saan ka pupunta hampaslupang bakla ! Pupunta ka na naman kila Ethan no "Wika ni Ethel
" Di ako pupunta dun mamamalengke lang ako "Pagsisinungaling ko
" Wag ako ang lokohin mo dahil di ako tanga "Wika niya
" Ethel bitiwan mo ko "Wika ko
" Bibitiwan lang kita kung may aaminin ka sakin "Wika niya
" Wala akong aaminin sayo dahil wala akong sekreto "Wika ko
" Ah talaga ?! Walang sekreto ?! Sagutin mo nga tanong ko , may relasyon kayo ni Ethan no ?"Tanong niya sakin
Napatingin ako sa lalakeng kausap niya kanina si Stanford lang pala
" Ano ? Bat di ka makasagot ?! Totoo ngang may relasyon kayo "Wika niya
" Ano ba Ethel nasasaktan akooo "Reklamo ko
" Ang sabi ko bibitiwan lang kita kung sasabihin mong may relasyon kayo ni Ethan ! Ano ?! Meron ba ??! "Tanong ni Ethel
Huhuhu masakit na pagkahawak ni Ethel sa braso ko ! Gusto ko siyang itulak kaso baka masaktan siya
" Ang sabi rin ng kaibigan ko nasasaktan na siya kaya ito sampal para makapal mong mukha "Wika sa likod ko
Nagulat nalang ako dahil sumampal kay Ethel napatingin naman ako kay Olga at kita Kong galit na galit ito
" Di mo ba talaga tatantanan yung kaibigan ko bruha ka ?! Gusto mo bang sampalin pa kita para matauhan ka ?! Ikaw sumusobra ka na ano bang inagaw sayo ni Margaux bat galit na galit ka sa kanya ?! Wala diba ?! "Galit ni Olga
Agad kong hinawakan si Olga at hinila ko siya palapit sakin ! Napatingin naman si Ethel kay Olga
" Pareho lang kayo ng kaibigan mo !! Ikaw Margaux malakas ka lang pag kasama mo si Olga pero pag wala siya sa tabi mo madali ka lang umiyak ! Kasi nga ang HINA MO "Diin niyang sabi
Sinampal naman ulit ni Olga si Ethel kaya pumagitna na ako para wala ng gulo
" Ikaw malakas ka lang dahil mapera kayo ! Pero di lahat ng pera niyo pinaghirapan niyo yung iba ninakaw niyo lang "Galit ni Olga
Aatakihin na sana si Olga ni Ethel ng naitulak ko si Ethel , dahil sa umiinit na dugo ko napahawak ako sa ulo ko
" Oo Ethel may relasyon kami ni Ethan ! Ano masaya ka na ?! Ha ?! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tama na ! Wala ka bang tenga ha ?! Nasan ang pinag aralan mo ?! Gamitin mo pagka edukada mo di yung mang aapak ka agad ng ibang tao , tao rin naman kami ah bat ganyan ka samin ?! Wala kaming ginagawang masama ! "Galit ko
" See?! May palihim lihim ka pang nalalaman e mamabunyag din naman ?! Ang akala mo ba'y seseryusuhin ka ni Ethan ?! Ako lang at si Ethan yung bagay di siya bagay sa isang tulad mo ba bakla na nga hampaslupa pa "Wika niya
" Anong sabi mo ?!"Tanong ko
Dahil sa lumabas na yung sungay ko agad siyang nasampal at hinawakan ko yung ID niya dahilan para di siya makahinga
" ANONG SABI MOOOO "Galit ko
" Ugk Margaux bi-bitiwan mo ID ko "Pagmamakaawa niya
" Wala kang karalpatang apakan kami higad ka ! Oo bakla lang ako at mahirap lang kami pero may isang bagay na di mo kayang pantayan at di mo kayang lamangan ! Mahal ako ni Ethan tandaan mo yan ! Simula ngayon lalaban na ako , dahil sumusobra ka na ! Kailangan ko ng putulin yang sungay mo tandaan mo yan higad kaa "Galit ko
itinulak ko siya dahilan para mapaupo siya
napaubo naman siya at hinila na ako ni Olga para makasakay ng taxi !
" Magkikita pa tayo bakla kaaa "Sigaw niya
Pinakyuhan naman siya ni Olga at yinakap ko si Olga at umiyak ako ! Bat kaya ganun si Ethel sakin ! Kaya ba galit na galit siya sakin dahil kay Ethan ?!
" Okay lang yun bii pinagtanggol mo lang naman sarili mo e alam mo masaya ako dahil sa wakas naipagtanggol mo rin yung sarili mo "Wika ni Olga
" Pero mali yun bii , maling saktan ang mga babae "Wika ko
" Tama yun dahil sumusobra na yung demonyo yun ! "Wika ni Olga
Hindi ko lubos maisip na masasabi ko kay Ethel na mag relasyon kami ni Ethan batid ko ring magsusumbong siya kay Tito Romeo at kay Tita Louise ! Nang makarating kami ni Olga sa pinagtratrabahuan namin agad kong inayos yung sarili ko dahil alam kong ako na naman papagalitan ni Lawrence(Boss namin) lumabas kami ni Olga sa taxi at nagbayad ng pamasahe ! Agad kaming pumasok sa factory dahil mag aalasais na ! Nang makapasok kami agad naman akong nakita ni Lawrence at agad naman siya samin
" Bat ngayon kayo ha ?! Alam niyo bang kanina pa nag start ang trabaho niyo ?"Wika ni Lawrence(Boss namin)
" Sir Lawrence may pinuntahan pa kasi kami ni Olga eh "Wika ko
" Kung may pupuntahan kayo wag kayong magtatagal alam niyo naman kung anong gagawin niyo dito diba ?"Galit ni Lawrence
" Opo sir ! Sorry po "Wika ni Olga
Napatingin naman siya sa leeg ko at tumingin ito sakin ! Dahil sa takot ibinaling ko nalang sa iba yung tingin ko
" Nasan yung ID mo Mr.Salentes ?"Tanong ni Lawrence
Napatingin ako sa dibdib ko nagulat nalang ako dahil di ko pa pala suot yung ID ko agad kong hinanap yung ID ko sa bag ko at agad ko itong sinuot
" Sorry po sir "Paumanhin ko
" Balik na kayo sa trabaho niyo "Wika ni Lawrence
Nagtatahi kami dito ng kung ano ano para araw araw may ibinibenta yung may ari ng factory na to ! Actually di si Lawrence yung boss namin yung totoong boss namin dito ay yung Papa niya kaso inatake daw sa puso nagpapagaling pa ito sa hospital kaya kay Lawrence muna pinakaboss namin dito ! Natatakot nga ako dahil umiikot si Lawrence at tumitingin ito kung kumikilod kami eh
" Olga ? Pwede bang humiram ng phone ? Tatawagan ko lang si Ethan "Wika ko
" Mamaya na yan bii , baka magalit na naman yang Lawrence na yan sayo ! Ikaw pa naman yung lagi niyang pinapagalitan "Wika ni Olga
" Pansin ko rin yan bii sarap isumbong kay Ethan "Wika ko
" Sumbong mo nga yan kay Ethan para matauhan yang lalakeng yan "Wika ni Olga
" Di na kailangan bii , kaya ko nga si Ethan yang Lawrence pa kaya "Wika ko
" Sus puro ka yabang e pero pag nasa harap na puro Olga yung sinasabi mo "Wika ni Olga
" Kahit malaki pa katawan yan kaya kung patumbahin yan no "Wika ko
" Sige Salentes lakihan mo pa yang boses mo ha ! Kala mo di kita naririnig dito ? Nagbubulungan pa kayo gusto niyo bang lumabas para makapag usap ng maayos ? Bukas at maluwag yung pintuan oh labas kayo kung gusto niyo "Wika ni Lawrence
Tumawa naman ng mahina si Olga kaya kinurot ko siya
" Sorry po sir "Wika ko 
" Gusto mo bang lagyan ko ng tape yang bunganga mo ha ?! Simula pagpasok mo dito sa factory namin ikaw agad yung pinakamaingay e ! Gayahin mo mga kasamahan mo dito mga tahimik lang tapos ikaw magtatahi nalang puputak pa "Wika ni Lawrence
" Sorry po sir "Wika ko
Patuloy namang tumatawa ng mahina si Olga kaya tinusok ko siya ng gunting HAHAHA
" Put*ngina mo masakit "Wika ni Olga habang nakahawak sa kamay niya
" Bagay lang yan sayo "Bulong ko
Pag nagkita talaga kami ni Ethan isusumbong ko talaga yang Lawrence na yang palagi nalang akong pinapagalitan humanda Lawrence magkikita rin kayo ni Ethan kala mo ha , nagpatuloy ako sa pagtatahi para makauwi ako ng maaga ! Gusto ko ng makausap si Ethan , Gusto ko na siyang mayakap ! Hay bat ba kami pinapahirapan pwede bang magsama nalang kami araw araw at siya nalang kasama ko habang buhay ?! Si Ethan lang yung gusto ko wala ng iba .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now