CHAPTER 6

118 6 0
                                    


Margaux's POV

Matapos ang klase agad kaming umuwi ni Olga! Naglakad lang kami ni Olga dahil di naman gaanong malayo yung lugar namin dito sa school! Di ko akalain na sasaktan ako ni Odette! Ibang iba na si Odette di na siya tulad ng dati! Buti nalang nandito si Olga para iligtas ako

_____________FLASHBACK_____________

" Margaux "Tawag sakin ni Odette
Napatingin kami ni Olga sa kanya at lumapit siya samin halatang galit di ko alam kung bakit

" Bakit?"Tanong ko

Di ko alam kung anong problema niya hanggang sa sinampal niya mukha ko

" Akala mo ba na di ko alam na inaahas mo boyfriend ko? Margaux di ko lang pinansin yang nararamdaman mo sa boyfriend ko dahil sabi niya okay lang sa kanya pero sumusobra kana Tapos makikita ko kayo sa park na nag iiyakan?! Ano to? Gusto mong agawin sakin si Ryan?"Galit niya

" Odette maghinayhinay ka sa mga sinasabi mo! Yang boyfriend mo ang lumalapit sakin para makausap ako! Tsaka di ko inaahas yang boyfriend mo dahil di ako ganyan "Wika ko

" Ang sabihin mo gusto mong makuha si Ryan sakin! Mga bingi ba kayo? Di ka mahal ng boyfriend ko "Wika niya
" Wala ka na bang ibang sasabihin? Laos na yan sa pandinig ko! Ano tapos na?"Tanong ko

Dahil hindi na siya nagsalita agad kaming tumalikod ni Olga para umalis wala kasi kaming oras para makipagtalo sa kanya ! Kahit isaksak pa niya si Ryan sa baga niya wala akong pakialam!

" Walang hiya ka ayokong tinatalikuran ako "Wika ni Odette sa likod

Bigla nalang niya akong sinambunutan at inuntog yung ulo ko sa pader! Biglang nandilim ang paningin ko at napaupo ako hanggang sa narinig kong sumigaw si Ryan! Napakapit ako sa ulo ko dahil namamanhid at may naririnig din akong kunting echo Natatakot ako baka mahimatay ako dito!

" Odette anong ginawa mo ? "Tanong ni Ryan

Lalapit na sana sakin si Ryan ng bigla siyang itulak ni Olga at kinuha ako ni Olga

" Walang kasalanan ang kaibigan ko Odette pero once na mangyari pa to ako mismo makakalaban mo! "Wika ni Olga

" Margaux okay ka lang "Wika ni Ryan

" Wag kang lalapit "Wika ni Olga

Tuluyan kaming umalis ni Olga sa school at umupo muna para magpahinga! Yinakap ko si Olga tsaka umiyak! Ganto ba talaga ako kahina? Di ko man lang naipagtanggol yung sarili ko

________END OF FLASHBACK_________

" Okay ka na? Sabihin mo sakin ha kung napapagod ka ng maglakad Baka mahimatay ka dito "Wika ni Olga

" Malapit na tayo kaya ko yan "Wika ko

" Grabi talaga yung Odette na yun! Kung makapagsalita siya sayo kala mo ikaw nangunguna para makausap mo si Ryan "Wika ni Olga

" Hayaan mo na siya! Tsaka di na ako lalapit kay Ryan kahit magsama pa sila sa iisang bahay! Wala akong paki "Wika ko

" Halika upo muna tayo dito! "Wika ni Olga

Umupo kami dito sa maliit na tambayan at nagpahinga muna bat ba ang dali kong mapagod?!

" Oh ito tubig "Wika ni Olga

Ininom ko yung tubig na yun dahil na uuhaw ako! Oo nga pala posible akong magtransfer sa ibang school dahil nakapagdesisyon na ako na iwan ang school na pinapasukan ko! Pero natatakot ako dahil di ko kasama si Olga

" Olga lilipat na ako sa ibang school "Wika ko

Bigla naman siyang napahinto sa pag inom niya ng tubig at humarap sakin! Limang araw kong nilinaw ang paglipat ko sa school at ngayon sure na ako na lilipat ako! Tsaka ito na ata ang pagkakataon na makalimutan ko si Ryan

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now