Margaux's POVNang matapos akong magpa enroll agad kaming bumalik ni Gabriel sa bahay dahil marami pa kaming gagawin ! Dahil sa may sakit si Nanay ako muna ang naglinis sa buong bahay para naman makapagpahinga siya ng maayos Buti nalang wala dito si Ethan dahil pag nandito sya di ako makapaglinis ng maayos dahil sa inaasar ako ! Gusto ko sanang makipagkita kay Olga kaso busy daw siya!
" Nay? Tapos na po ako maglinis "Wika ko
Lumapit ako kay Nanay tsaka tumabi sa kanya para tingnan kung bumaba na ba ang temperatura niya
" Si Gabriel at Ethan ?"Tanong ni Nanay" Si Gabriel po nasa kwarto niya tsaka si Ethan nasa work na niya "Wika ko
" Nak? Pwede bang ikaw muna maglaba ng mga damit nila ? Masakit pa kasi ulo ko eh "Wika ni Nanay
" Oo naman po "Wika koBiglang tumayo si Nanay at may binigay siyang susi sakin
" Buksan mo yung kwarto ni Ethan tsaka kunin mo yung mga damit niyang nasa basket niya sa gilid ng kama tsaka labhan mo yun ! Kunin mo rin yung kay Gabriel "Wika ni Nanay
" Okay po "Wika ko
Bago ako lumabas hinalikan ko yung noo ni Nanay tsaka tinungo na ang kwarto ni Ethan ! Medyo kinakabahan ako dahil first time kong makapasok sa kwarto niya ! Nang mabuksan ko kwarto niya agad namang lumabas yung amoy ng kwarto niya ! Parehong pareho sa pabango ni Ryan!
" Margaux ? Anong gagawin mo jan ?"Tanong sa likod ko
Agad akong napaharap sa likod ko at nakita ko si Gabriel na nakatayo at nakatopless ito
" Ahh! Gabriel kukunin ko kasi yung mga labahan ng Kuya mo "Sagot ko
" Ahh ganun ba ?"Tanong niya" Oo nga pala ! Kunin mo rin yung sayo para malabhan ko "Wika ko
" Ikaw yung maglalaba ?"Tanong niya
" Oo "Sagot ko
" Ahhh . Okay . Wait , kukunin ko lang "Wika niyaBigla naman syang napatakbo at papuntang kwarto niya ! Pumasok ako sa kwarto ni Ethan tsaka pinuntahan yung gilid ng kama niya para kunin yung mga labahan niya ! Nang makita ko yun agad naman akong napaatras dahil punong puno yung basket niya
" Jusko santisima ! Pano ko to lalabhan? Kung ganto karami "Bulong ko
Kinuha ko lahat yun at lumabas na sa kwarto niya ! Nilock ko yung pinto ng kwarto niya at bumaba na
" Margaux ! Antay andito na "Sigaw ni GabrielNapatingin ako kay Gabriel at isang basket din yung dala niya ! Hala ! Baka abutin ako nito ng gabi ! Dalawang basket yung lalabhan ko ?! Pambihirang buhay to
" Sayo lahat yan ?"Tanong ko
" Oo "Sagot ko" Jusko ! Ang dami pala yung lalabhan ko "Bulong ko
" Wag kang mag alala Margaux ! Tutulong ako ! Marunong din akong maglaba dahil tinuruan ako ni Nanay Roxie "Wika ko
" Talaga ?"Mangha ko
" Oo nga kaya tara na "Wika niya
Dahil sa tinulungan ako ni Gabriel napahinga ako ng malalim ! Lumabas kami ni Gabriel at sinimulan yung paglalaba !
" Marunong din bang maglaba si Ethan?"Tanong ko kay Gabriel
" Marunong naman siya kaso tamad ! Mga brief lang niya ang nilalabhan niya minsan naman mga boxers lang niya "Sagot niya
" Grabi talaga yang Kuya mo! Lakas mang asar sakin tapos tamad naman pala "Wika ko
" HAHAHA "Tawa niya
YOU ARE READING
KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)
RomanceTEASER : Margaux's POV " Olga? Naalala mo pa ba si Raprap?"Tanong ko " Oo naman! "Sagot niya " Kamusta na kaya yong tabachoy na yun! Matagal ng di natin siya nakikita san kaya sila lumipat?"Tanong ko " Sus! Palusot ka rin ehh! Ang sabihin mo na...