CHAPTER 31

64 3 0
                                    

Margaux's POV

Laking pasasalamat ko kay Olga dahil natanggap ako sa papasukan kong trabaho ! Sa wakas makakapag-ipon na rin ako ng pera para sa anniversary namin ni Tantan ! Kasalukuyan kaming naghihintay ng sasakyan dahil uuwi na kami ! Sabi nung lalake kanina sa Lunes na daw ako magsisimula ! 6pm-10pm yung schedule ko dahil sa umaga hanggang hapon may pasok ako sa school ! Habang naghihintay kami ng sasakyan biglang may humintong kotse sa harap namin at kilala ko ang kotseng ito , pag mamay ari to ni Ryan ! Agad namang lumabas si Ryan sa kotse niya at lumapit siya kay Olga at niyakap niya ito at tumingin ito sakin kaya yumuko nalang ako !
" Tara na "Wika ni Ryan kay Olga
" Saglit lang nandito pa si Yanyan ! Tara bii sabay ka nalang ihahatid ka namin "Wika ni Olga sakin
" Mauna na kayo bii ! Otw na daw si Ethan "Pagsisinungaling ko
" Sigurado ka ?"Tanong ni Olga
" Oo bii "Sagot ko
Agad naman silang umalis at pinagmasdan ko si Ryan ! Napatingin naman siya sakin kaya binaling ko nalang yung tingin ko sa iba ! Ewan ko ba kung anong nangyayari kay Ryan pero ipapangako ko sa sarili ko na di na ako iibig sa kanya dahil ilang beses na akong nasaktan kuntento na ako kung anong meron sakin ! Sapat na sakin si Tantan at sigurado akong di niya ako sasaktan !
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makauwi ako sa bahay agad kong nakita si Ethan sa pinto ng bahay namin nakacross arm ito at magkasalubong pa yung kilay ! Kaya huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya dahil alam kong may topak na naman to ! Natakot ako dahil di man lang siya kumukurap lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya akong hilain at humarap siya sakin !
" San ka na naman galing ha ?!"Tanong niya
" Kila Olga "Sagot ko
Napatingin naman siya sa hawak ko at tumingin ulit ito sakin
" Ano yang hawak mo ?"Tanong ko
" Ito ?! Ah wala to bigay to sakin ni Olga "Pagsisinungaling ko
Actually dala ko yung mga requirements ko nung nag apply ako ng trabaho kanina kaya agad kong tinago yun sa likod ko baka hablutin ng lalakeng to
" Ang sabi ni Nanay bawal ka ng mamasyal ! Ang sabi ni Nanay bahay at eskwelahan ka lang ! Tapos ngayon pumunta ka kila Olga ? Mamaya ka isusumbong kita kay Nanay kala mo makakalusot ka sakin ha "Wika niya
" Di naman ako namasyal eh ! Tsaka isa pa nagpatulong lang ako kay Olga "Sigaw ko 
" Naninigaw ka ?! Ha ?!"Tanong niya sabay pokpok ng mahina sa noo ko
" Ikaw kasi ehh "Wika ko
" Ako na naman ! Ang galing mo rin e no "Wika niya
" Pumasok ka sa kwarto mo "Utos niya
" Ayaw "Pabebe ko
" Ang tigas talaga ng ulo mo "Wika niya
Lumapit ako sa kanya tsaka yinakap ko siya ng mahigpit tumingin ako sa kanya at nagpabebe
" Tantan ?! Kiss ko "Pabebe ko
Kanina kasi bago ako umalis dito sa bahay tulog pa siya kaya ayun di ko siya nakiss
" Heee ! Pumasok ka sa kwarto mo "Wika niya
Dahil sa ayaw niya ! Hinawakan ko nalang batok niya tsaka hinalikan ko siya ! Nagulat naman siya sa ginawa ko
" Ang taas mo di kita maabot "Wika ko
" Sige na pumasok ka na sa kwarto mo tatapusin ko lang tong ginagawa ko , dapat pagpasok ko sa kwarto mo tapos ka na maligo ha ! "Wika niya
" Bakit ?"Tanong niya
" Gagawa na tayo ng panganay natin "Sagot niya
" Tsk "Wika ko
Hinalikan niya ulit ako at ginulo niya buhok ko ! Pumunta naman si Ethan sa mesa dahil tatapusin daw niya yung gagawin niya ! Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nagpahinga muna ! Hayyys sigurado akong mapapagod ako nito ! Papasok sa school sa umaga tapos magtratrabaho sa gabi pero gagawin ko lahat mapasaya ko lang si Ethan lalo na't may usapan kami , usapang mag iisang katawan sa nalalapit na anniversary naming dal'wa ! Pero di ko alam kung anong gagawin ko lalo na't di mawala sa isip ko yung mga sinabi sakin ni Ryan ! Di mawala sa isip ko yung ginawa niya sakin

________________FLASHBACK________________

Nang lumabas ako sa banyo ni Olga nakita kong nakatayo si Ryan at nakatingin ito sakin
" Oh?! Ryan ? Si Olga ba hinahanap mo ?"Tanong ko
" Oo "Sagot niya
" Nasa baba na siya baka nasa kusina "Wika ko
Humarap ako sa salamin at inayos ko yung sarili ko ! Lalabas na sana ako ng biglang nagsalita si Ryan sa likod ko ! Napatingin ako sa kanya dahil akala ko lumabas na siya
" Margaux ?! Pwede ba tayong mag usap ?"Tanong niya
" Kala ko lumabas ka na "Wika ko
" Di ako lalabas hanggat di kita nakakausap "Wika niya
Dahil sinabi niya'y biglang lumakas yung tibok ng puso ko dahil dahan dahan siyang lumalapit sakin napatigil naman siya sa harap ko kaya umatras ako ng kunti
" Gusto mong makipag usap sakin ?! Para saan ?"Tanong ko
Bigla akong nagulat dahil biglang may lumabas na luha sa mga mata niya at pumatak ito
" Lahh ! Ryan bat ka umiiyak ? Baka mamaya sabihin mo inaway kita "Wika ko
" Di ko alam pero iba yung nararamdaman ko "Wika ko
Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa napasandal ako sa pader at wala ng espasyo para umatras pa ! Bigla naman niya akong kinulong gamit yung kamay niya kaya tinulak ko siya kaso di ko siya kaya
" Ryan ano ba ! Baka hinihintay na ako ni Ethan sa baba "Wika ko
" Mahal mo ba siya ?"Tanong niya
Napatingin ako sa mga mata niya at nakita kong malungkot ang mga ito
" Bat mo natanong yan ?"Tanong ko
" Sagutin mo nalang yung tanong ko ! Mahal mo ba siya ?"Iyak niya
" Oo Ryan Mahal ko si Ethan dahil sa kanya lang ako sumaya "Sagot ko
Napayuko naman siya kaya agad ko siyang tinulak at nagtagumpay ako dahil nakawala ako ! Lalabas na sana ako ng biglang ...
" Margaux mahal pa kita ! Di mo ba pansin yun ?"Iyak niya
Agad akong napatingin sa kanya dahil dun sa sinabi niya ! Kita ko namang nakikiusap ang mga mata nito
" Anong sabi mo ?"Tanong ko
" Mahal kita Margaux mahal pa kita ! Naunahan lang ako ni Ethan "Wika niya
Biglang kumirot yung puso ko dahil di ko akalain na sasabihin niya yun kaya lumapit ako at humarap sa kanya
" Wag kang magbiro Ryan di ka nakakatuwa "Wika ko
" Di ako nagbibiro Margaux ! Totoo ang sinasabi ko ! Mahal kita ! Umuwi ako dito hindi para kay Olga kundi para sayo "Wika niya
Biglang pumatak yung luha ko dahil sa sinabi niya ! Anong pinagsasasabi niya ? Nagbibiro ba siya ?!
" So niloloko mo lang yung kaibigan ko ?! Ryan bat mo pa niligawan si Olga kung di mo naman siya mahal ?! Alam mo bang ikaw lang yung kasiyahan niya ? Pano kung malaman niyang di mo siya mahal ? Ha ?"Iyak ko
" Niligawan ko siya dahil naaawa ako sa kanya ! Pero hindi siya yung nasa puso ko ! Ikaw Margaux yung sinisigaw ng puso ko pero anong magagawa ko dahil tuluyan ka ng inangkin ni Ethan "Iyak niya
" Ryan anong kabaliwan to ?! Tumigil ka na may nagmamay ari na sayo "Iyak ko
" Di ako titigil Margaux hanggat di ka napapasakin "Iyak niya
" Kung sinabi mo sana sakin yan noon baka naging tayo pa ! Alam mo bang ikaw lang yung minamahal ko noon pero di mo manlang napansin yung nararamdaman ko para sayo pero noon pa yun di na ngayon dahil masaya na ako sa piling ni Ethan ! "Wika ko
" Hihiwalayan ko si Olga ! At ipaglalaban ko yung nararamdaman ko para sayo dahil nangako ako na di ako susuko Margaux ! Di ako susuko "Iyak niya
Biglang sumikip yung dibdib ko dahil sa mga sinasabi niya !
" Ryan please lang wag mong saktan yung kaibigan ko ! Wag mong sundin yung nararamdaman mo ! May taong nakalaan sayo kaya please kang wag kang manggulo "Iyak ko
" Di ako manggugulo Margaux ! Pero ipaglalaban ko yung nararamdaman ko "Iyak niya
" Ryan nakikiusap ako tumigil ka na ! Ryan please lang "Iyak ko
" Akala ko kaya kong limutin ka pero nagkamali ako ! Di ako makatulog dahil ikaw ang nasa isip ko ! Di ako makatulog dahil nag iisip ako ng paraan kung pano ako lalaban ! Kaya Margaux pansinin mo naman tong nararamdaman ko ! Nagsisi ako dahil sinayang kita ! Nagsisi ako na nasaktan kita na ngayo'y ikaw pala yung hinahanap ng puso ko pero tandaan mo yung sinabi ko mahal ko lalaban ako "Iyak niya
Napatakip nalang ako sa mukha ko at umiyak ako ! Pano na kung malaman to ni Olga ? Pano na kung masaktan yung kaibigan ko ! Diyos ko anong gagawin ko di ko po kaya to ! Pano ko lalagpasan ang pagsubok na ito ? Posible ko pang makaaway ang kaibigan ko dahil sa lalakeng ito ! Naramdaman ko nalang na may pumulupot sa bewang ko at nagulat ako na kaharap ko na pala si Ryan !
" Mahal kita Margaux ! Mahal na Mahal kita "Iyak niya
Gusto ko mang kumilos kaso ayaw ng katawan ko ! Gusto ko siyang itulak kaso biglang bumigat yung kamay ko ! Hanggang sa napatingin siya sa labi ko at dahan dahan niyang inilapit ang labi niya hanggang sa nagtagumpay siya na halikan ako ! Napapikit ako kasabay ng pagpatak ng luha ko ! Bat di ako makakilos? Bat di ko magalaw yung katawan ko ! Ramdam ko yung labi niya ramdam ko yung kamay niyang nakapulupot sa bewang ko diyos ko patawarin niyo po ako alam ko pong mali to ! Biglang pumasok sa si Ethan sa isip ko kaya naitulak at nasampal ko si Ryan
" Walang hiya ka "Sampal ko sa kanya
" Sorry ! Di ko mapigilan yung nararamdaman ko "Iyak niya
" Ryan kahit anong gawin mo di mo na ako makukuha ! Nagbago ako dahil sa sakit na pinaranas mo sakin noon ! Oo sabihin na nating minahal kita pero noon pa yun ! Kaya tumigil ka na ayokong makaaway yung kaibigan ko dahil sayo ! "Iyak ko
" Pero Mahal kita "Iyak niya
" Mahalin mo si Olga dahil may mahal na akong iba ! Matuto kang makuntento sa isa dahil kahit kelan di na maibabalik ang nararamdaman ko para sayo "Wika niya
Bigla namang nag iba ang timpla ng mukha niya dahil sa mga sinabi ko !
" Lalaban ako makuha lang kita ! Tandaan mo yan Mahal ko lalaban ako "Wika niya
Tuluyan siyang lumabas sa kwarto ko at naiwan akong mag isa dito sa kwarto ni Olga ! Napaupo nalang ako dahil sa ginawa sakin ni Ryan ! Natatakot ako baka malaman yun ni Ethan ! Agad kong pinunasan yung luha ko baka hinahanap na ako ni Ethan !

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now