CHAPTER : 7Olga's POV
Pumunta ako sa bahay nila Margaux dahil kukunin na siya ng Nanay niya mamayang hapon ! Gusto kong dun muna ako sa kanila hanggang sa dumating si Nanay Roxie ! Ako at si Tristan lang ang nakakaalam na lilipat ng school si Margaux ayaw niyang ipakalat sa iba!
" Margaux ! "Tawag ko
" Ohh ?"Sigaw niya
" Buksan mo nga dito papasok ako "Wika ko
Bigla naman siyang tumakbo pababa para pagbuksan ako !" Bakit ?"Tanong niya
" Papasukin mo ko "Wika niya
Bigla naman niyang itinulak yung pinto para di ako makapasok ! Tinulak ko ulit yun para makapasok ako ! Ano bang nangyayari sa baklang to
" Olga ?! Anong ginagawa mo dito ?"Tanong niya
" Dito lang muna ako hanggang sa makaalis ka na "Sagot ko" Nako di pwede yan "Sagot niya
" Bakit naman ?"Tanong ko
" Basta ! Hindi pwede "Sagot niyaMay tinatago ba sakin si Margaux ? Kakaiba ang mga kilos niya ngayon ahh
" Dun muna tayo sa kwarto mo ! Tulungan kita para ihanda yung mga gamit mo "Wika ko
Maglalakad na sana ako papunta sa taas ng bigla niya akong harangan !
" Olga! Bawal "Wika niya
" Anong bawal ?"Tanong ko" Uwi ka nalang sa inyo "Pakiusap niya
" May tinatago ka ba sakin ? Ha ? Margaux kilala kita "Wika ko" Olga nakikiusap ako ohh "Wika niya
" Bahala ka jan "Wika ko
Nagtuloy tuloy ako papunta sa kwarto niya parang may tinatago talaga sakin tong baklang to ! Bubuksan ko na sana yung pinto ng kwarto niya kaso hinarangan niya ulit ako" Olga bawal nga ! Okay lang naman ako dito eh ! Balik ka nalang mamaya sigi na "Pagpupumilit niya
" Tumawag ka sakin kahapon na pinapapunta mo ko dito tapos ngayon na nandito na ako pinapauwi mo na ako "Wika ko
" Pwede ka namang bumalik dito mamaya ehh ! May gagawin pa kasi ako "Wika niya
" Edi tutulungan kita "Wika ko" Kaya ko naman ehh "Wika niya
Aba ! Parang may kasama dito si Margaux ah ! Parang pinapauwi na niya ako ! Kaya nung nakatalikod siya ! Binuksan ko yung kwarto niya tsaka pumasok ako !
" Olgaaa "Sigaw niyaNagulat ako dahil nakita kong nakahiga si Ryan sa kama niya habang wala itong damit ! Bigla naman akong hinila ni Margaux palabas ng kwarto niya
" Ang sabi ko sayo wag kang papasok sa kwarto ko ! Ang tigas talaga ng ulo mo "Inis niya
" Bat mo kasama si Ryan ? Magkasama kayo buong gabi no ?"Tanong ko" Olga boses mo "Diin niya
" Sagutin mo nga ako "Wika ko
Hinila niya ulit ako papunta sa baba at pinaupo niya ako sa may sala !" May ginawa ba kayo ? Ha ? Kinakabahan ako Margaux ! Baka mamaya nag ano kayo "Wika ko
" Ikaw kung ano ano lang pinagsasasabi mo ! Di mo alam ang nangyari kaya wag kang ganyan "Wika niya" Nako ! Nahuhuli ka na ehh ! Sabihin mo na kasi "Wika ko
" Alam mo kagabi pumunta yan dito para kausapin ako ! Nag usap nga kami hanggang sa pumasok na ako sa bahay ! Tsaka matutulog na sana ako ng biglang may tumawag sakin at pinakuha niya si Ryan dahil magco-close na daw yung bar nila lasing na lasing yan kagabi ! Syempre dahil sa naawa ako sa kanya kinuha ko siya dun tsaka di ko alam address nila kaya dito ko nalang siya pinatulog ! Ano? Alam mo na?"Tanong niya
![](https://img.wattpad.com/cover/288639190-288-k466303.jpg)
YOU ARE READING
KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)
RomanceTEASER : Margaux's POV " Olga? Naalala mo pa ba si Raprap?"Tanong ko " Oo naman! "Sagot niya " Kamusta na kaya yong tabachoy na yun! Matagal ng di natin siya nakikita san kaya sila lumipat?"Tanong ko " Sus! Palusot ka rin ehh! Ang sabihin mo na...