CHAPTER 28

69 3 0
                                    


Olga's POV

Kasalukuyan kaming nag aayos dito sa bagong bahay nila Nanay Roxie ! Alam niyo ba kung anong meron ngayon ? Birthday po ngayon ng best friend ko yeheyyy ! Di niya alam na isusurprise namin siya !
" Anong plano mo ?"Tanong ni Tristan (Kaibigan namin)
" Ako na bahala jan Tristan ! Sigurado akong iiyak yung best friend natin "Sagot ko
" Nako ayusin mo yang balak mong yan "Wika niya
" Oo naman ako pa ba "Wika ko
Tumutulung din dito si Ethan ! Yes po Tama po yung nabasa niyo ! Nakauwi na po si Ethan dahil isusurprise niya yung gayfriend niya ! Ang dami ng dala niya para kay Margaux swerte talaga yung baklang yun !
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang matapos kaming magdesinyo umuwi muna ako sa bahay dahil hinahanap daw ako ni Yanyan(Margaux) agad akong pumasok sa bahay namin tsaka tumabi ako sa kanya
" Oh ? Hinahanap mo daw ako "Wika ko sa kanya
" San ka galing ?"Tanong niya
" Kila Ryan ! Bakit ?"Tanong ko
" Mamasyal naman tayo oh ! Boring sa bahay masyadong tahimik ! Wala dun si Nanay tsaka wala akong kausap "Lungkot niya
" Oo ba ! Tara ! Ngayon na ba ?"Tanong ko
Tumango naman siya tsaka lumabas kami sa bahay namin ! Sakto lang dahil di na maiinit ang panahon ! Bumili kami ng fishball tsaka umupo kami sa bench dito sa park
" Bii ? "Tawag niya sakin
" Hmmm ?"Sagot ko
" Wala ka bang may naalala ?"Tanong niya
" Na?"Sagot ko
Bigla namang lumungkot yung mukha niya tsaka di na niya kinain yung fishball na hawak niya ! Huhuhu sorry talaga bii kailangan kong mag maang maangan ! Pero alam kong masisiyahan ka mamaya .

Margaux's POV

Di ko akalain na ganun pala ang ugali ni Ethel kala ko mabait siya pero may tinatago pala siya ! Tsaka nasaktan ako dun sa sampal ni Odette di ko alam kung bat ang laki ng galit niya sakin kailangan kong maging alerto sa kanilang dalawa baka saktan ulit ako nila ! Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga gamit ko babalik na kami sa bahay ng mga Verdeflor dahil uuwi na sila sa susunod na linggo ! Kaarawan ko ngayon pero kahit ni isa walang may bumati sakin nakalimutan na ata nila Olga yung kaarawan ko ! Nakakalungkot lang dahil wala dito si Ethan , sabi niya uuwi agad siya pagkatapos ng birthday ni Tito Romeo pero di pala !
" Nak ! Tapos ka na ba jan ?"Tanong ni Nanay
" Opo Nay "Sagot ko
" Baba kana aalis na tayo "Sigaw ni Nanay
" Opo "Sagot ko
Kinuha ko yung mga gamit ko tsaka bumaba na ako ! Lumapit ako kay Nanay tsaka hinalikan niya noo ko
" Nay ? Wala po ba kayong maalala ?"Tanong ko
" Na ?"Tanong ni Nanay
" Nayyy birthd--- "
" Tara na baka hinihintay na tayo dun maglilinis pa tayo "Wika ni Nanay
Agad naman siyang lumabas tsaka iniwan ako ! Bat ganun si Nanay ? Bat di niya maalala na kaarawan ko ngayon ?! Huhuhu parang iiyak ako nito dahil wala man lang may nakaalala sa kaarawan ko ! Naaayyyy
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa bahay ng mga Verdeflor agad akong dumapa sa kama ko tsaka napaiyak nalang ako dahil parang simple lang ang araw na ito , noon pag kaarawan ko palaging masaya pero ngayon hindi na ! Ito na ata ang pinakamalungkot na birthday sa buong buhay ko ! Puro lungkot nalang ang natatanggap ko Huhuhu !
" Nakkk "Katok ni Nanay
" Po "Wika ko
" Nandito si Olga labas ka muna jan "Wika ni Nanay
" Opo "Sagot ko
Pinunasan ko luha ko tsaka inayos ko yung sarili ko bago ako lumabas sa kwarto ko ! Nakita kong nakaupo si Olga tsaka napansin ko rin na nakabihis si Nanay !
" Nay ? May lakad po ba kayo ?"Tanong ko
" Meron anak "Sagot ni Nanay
" Sama naman ako Nay lagi mo nalang ako iniiwan dito "Wika ko
" Sa susunod na Nak "Wika ni Nanay
Agad namang lumabas si Nanay sa bahay ng mga Verdeflor at lumapit ako kila Olga kasama pala niya si Tristan (Kaibigan namin) Anong meron bat bihis na bihis sila?
" Anong kailangan mo sakin bii ?"Tanong ko
Nagkatinginan naman yung dalawa tsaka may ibinigay sila sakin
" Suotin mo yan bilis naa "Utos ni Tristan
" Para saan to Tristan ?"Tanong ko
" Tskk ! Basta suotin mo nalang yan "Sagot ni Tristan
Agad naman akong hinila ni Olga tsaka pinapasok ako sa kwarto ko ! Kakainis na naman tong dalawang to eh ! Di na nga nila maalala yung birthday ko tapos tinutulak tulak pa ako
" Ano bayan ! Ang tagal tagal mong magbihis bakla "Sigaw ni Olga
" Saglit lang ! May lakad ka ?"Tanong ko
" Tskkk "Wika niya
Nang matapos akong magbihis agad akong lumabas sa kwarto ko ! Lumapit ako kay Olga tsaka bumaba na kami
" Yannnn bagay sayo ohh "Wika ni Tristan
" Tara na ! "Wika ni Olga
" Oyyy san tayo pupunta ? Walang bantay dito sa bahay nila Ethan "Wika ko
" Nandito naman yung driver at guard niyo ehh "Wika ni Tristan
" Kahit n--- "
Magsasalita pa sana ako ng bigla akong hilain ni Olga ! Agad kaming sumakay sa kotse ni Tristan agad namang nagmaneho si Tristan
" Bii suotin mo rin to "Wika ni Olga
Kinuha naman niya yung blindfold sa bag niya tsaka di ako pumayag na soutin yun
" Ayoko "Wika ko
" Tristan ayaw niya ohh "Wika ni Olga kay Tristan
" Suotin mo na lang yan Yanyan "Wika ni Tristan
" Alam ko mga kilos niyo eh ! Ipapasuot niyo sakin tong blindfold na to tapos dadalhin niyo ko sa putikan "Reklamo ko
Agad namang napatawa yung dalawa kaya kinurot ko sila ! Di na nila ako mauuto ilang beses na nilang ginawa yun sakin !
" Di na namin gagawin yunnn ! Iba na to promise "Wika ni Olga sabay itinaas ang palad niya
" Sus mga mukha niyo ?"Wika ko
" Pag di mo sinuot to friendship over na tayo ! Ano ?"Wika ni Olga sakin
Agad akong napatingin kay Tristan at kita kong sumeryoso ito
" Eh san niyo ba ako dadalhin ?! Baka mamaya malaman to ni Ethan papagalitan agad ako nun "Wika ko
" Di yan ! Kaya suotin mo na to "Wika ko
Dahil sa natakot ako sa sinabi ni Olga , isinuot nalang iyon ! Huhuhu baka malaman to ni Ethan lagot ako nito !
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Batid kong nandito na kami dahil huminto na ang sasakyan ! Agad namang hinawakan ni Olga yung kamay ko para ako'y alalayan !
" Olga gabi na ba ?"Tanong ko
" Oo bii "Sagot ko
Narinig kong binuksan ni Olga yung gate kaya kinabakahan ako baka nasa haunted house kami huhuhu
" Olgaaaaa "Takot ko
" Wag kang matakot para kang bata eh "Wika ko
Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa naramdaman kong wala ng umaalalay sakin !
" Olga ?"Tawag ko
Huhuhu nasan si Olga ? Agad kong tinanggal yung nakatakip sa mata ko at natakot ako dahil nasa loob ako ng madilim na bahay huhuhu
" Olga ? Tristan ? Nasan kayo huhuhu "Iyak ko
Sabi ko na nga ba eh twing birthday ko ginagawa nila sakin to !
" Olgaaaaa "Tawag ko
Dahil sa takot agad akong naglakad at hinanap ko yung pinto ! Lalabas na sana ako ng biglang --
" HAPPY BIRTHDAYYYYY "Sigaw sa likod ko
Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil nagulat ako ! Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Nanay , si Ate Maymay si Olga si Tristan at marami pang iba ! Agad namang lumapit sakin si Olga tsaka si Tristan !
" Sorry bii ! Happy Birthday Yanyan namin "Yakap nila sakin
Napalitan ng saya yung takot ko , lalo na't nakita ko yung Nanay ko
" Mga salbahis kayo ! Papatayin niyo sa takot "Hampas ko sa kanilang dalawa  
" HAHAHAHA "Tawa nila
Kala nila nasiyahan ako sa ginawa nila ! Isusumbong ko sila kay Tantan !
" Sorry na Yan ! Inutusan lang kami ni Nanay Roxie "Wika ni Tristan
" Suss bahala kayo isusumbong ko kayo kay Ethan "Wika ko
" HAHAHA "Tawa nila
Sige tawanan niyo lang ako ! Kala niyo ha ! Agad naman silang umalis tsaka lumapit sakin si Nanay ! Yinakap ko siya tsaka naramdaman kong hinalikan niya noo ko
" Happy Birthday Nak ! Nako dalagang dalaga na yung anak ko "Wika ni Nanay
" Thank you Nay "Wika ko
" Ano ? Nasurprise ka ba ? HAHAHA "Tawa ni Nanay
Kumawala ako sa yakapan namin ni Nanay tsaka humarap ako sa kanya
" Nay alam niyo bang natakot ako ? Nahahawaan ka na nila Olga ! "Wika ko
" Sorry nak "Wika ni Nanay
" Nay ? Kala ko kinalimutan niyo yung Birthday ko ! Iyak ako ng iyak kanina ko sa kwarto ko ! Pero nagkamali pala ako "Wika ko
" Di ko kakalimutan yung kaarawan ng bunga ko ! Mahal na mahal ka ni Nanay nak ! "Wika ni Nanay
" Mahal na mahal ko rin si Nanay ko "Wika ko
Yinakap ulit ako ni Nanay tsaka pumunta na kami sa sala ! Teka ?!! Kaninong bahay to ? Ang ganda naman sobra !

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now