CHAPTER 5

132 8 0
                                    

Roxie's POV

Habang nagkakasiyahan sa baba biglang tumawag si Ma'am Louise kaya agad akong pumunta sa taas para sagutin yun ang ingay kasi sa baba dahil maraming bisita!

• ON CALL •

" Hello Nay? Kelan po kayo uuwi ni Gabriel?"Tanong ni Ma'am
" Bukas po Ma'am "Sagot ko
" Okay po! Gusto po naming makita at makausap yung anak niyo! Pumayag na po ba siya?"Tanong ni Ma'am
" Di ko pa po nasabi sa kanya dahil nagkakasiyahan pa po dito "Sagot ko
" Ahh okay po! Happy birthday po Nanay "Wika ni Ma'am
" Thank You po "Sagot ko

• END OF CALL •

Pagbaba ko nakasalubong ko si Gabriel at may dala itong kahon! Lumapit siya sakin at binigay sakin yun
" Kanino to?"Tanong ko
" Kay Kuya po yan Nay! Pinadala kay Manong Rey(Driver) para sayo daw po "Wika ni Gabriel
" Nandito ba Kuya mo?"Tanong ko
" Wala po "Sagot niya
Bumalik kami sa baba tsaka nakipagsiyahan! Nagpupumilit sakin si Margaux na iinom daw siya ng alak kaso di ko sila pinayagan .

Margaux's POV

" Nay sigi na "Pagpupumilit ko
" Babatukan kita subukan mo lang! Di ka pa pwede "Sagot ni Nanay
Si Olga umiinom na ng alak tapos ako di pa daw pwede! Sabi nga sakin ni Olga na nasa tamang edad na ako ehh
" Si Nanay naman ehh "Wika ko
" Pagsinabi kong di pwede, di pwede nagkakaintindihan ba tayo? Di ko rin naman pinayagang uminom si Gabriel ahh dahil may pasok kayo bukas "Wika ni Nanay
Dahil sa sinabi ni Nanay di na ako nagpumilit pa! Lumabas ako sa bahay at pumunta muna sa park para magpahinga! Nagulat ako dahil nasa likod ko si Gabriel kaya huminto ako at humarap sa kanya
" Sinusundan mo ba ako?"Tanong ko
" Oo "Sagot niya
" Tsk balik ka na dun! Magpapahangin lang naman ako ehh "Wika ko
" Sasama lang naman ako "Wika niya
Hinayaan ko na siya ang kulit kasi sa twing nagsasalita siya may kapareho ang boses niya! Sa twing tinututukan ko siya may kamukha siya di ko lang talaga maalala kung sino! Umupo ako dito sa park para makapagpahinga muna!
" Ang ganda pala dito "Wika ni Gabriel
Umupo si Gabriel at magkatabi kami tumingin ako sa kalangitan na puno ng mga bituin
" Kumain ka na ba? Napansin ko kasing di ka kumain kanina "Wika ni Gabriel
" Hayaan mo na! Di naman ako nagugutom eh "Wika ko
Habang nag uusap kami ni Gabriel biglang tumunog yung tyan ko! Nagugutom na talaga ako kanina pa kaso di ako makakain dahil iniisip ko si Ryan! Di ko alam bat ganto ako sa kanya
" Sabi mo di ka nagugutom? Wait lang may bibilhin lang ako "Wika ni Gabriel
" Gabriel di na! Uuwi naman tayo ehh tsaka ----
Di pa ako tapos magsalita ng bigla siyang naglakad at pumunta sa tindahan! Tumayo ako para lumipat dun sa malaking puno! Napalingon ako sa likod ko dahil may tumawag sakin
" Margaux! Sabi ko na nga ba dito kita makikita "Tawag sakin
Bigla namang kumarera yung puso ko dahil tinawag ako ni Ryan! Kahit na medyo masakit pa pinilit ko nalang ngumiti para sa kanya
" Bakit?"Tanong ko
" Pwede ba tayong mag usap?"Tanong niya
Napaisip agad ako dahil baka iopen niya ang tungkol kanina
" Ano bang pag uusapan natin?"Tanong ko
May napansin akong may dala siyang maliit na bag at tumingin ulit sa kanya
" Ahh Margaux para sayo pala to "Wika ni Ryan
" Ano yan?"Tanong ko
" Ahmm ano to! Yung paborito mong tsokolate at Mani Binili ko to para sayo "Wika niya
Ibibigay na niya sana yung dala niya kasi di ko ito tinanggap
" Kung may kailangan kang sabihin sabihin mo na dahil uuwi na ako "Wika ko
" Pero pano tong binili ko?"Tanong niya
" Ryan pwede ba? Sabihin mo na yung sasabihin mo "Wika ko
Bigla naman siyang napatitig sakin at iniwas ko ang tingin ko sa kanya
" Sorry kung anong nasaksihan mo kanina ha! Di ko naman alam na nasaktan ka! Syempre kaibigan kita kaya di ko kayang nasasaktan ka! Margaux rinig ko lahat ng mga pinag usapan niyo ni Olga dun sa room niyo! Margaux diba nagkaliwanagan na tayo?"Tanong niya
Bigla akong kinabahan at nawala yung galit ko! Di ko maibuka ang bibig ko dahil sa sinabi niya
" Margaux? Di ba nag usap na tayo na di ko kayang ibigay ang gusto mo? Alam naman natin na di tayo pwede dahil di ko kayang magmahal ng tulad niyo! Kaya kitang samahan at pasiyahin kung yun ang gusto mo pero hanggang dun lang yun "Wika niya
Napayuko ako dahil wala na pala akong pag asa kay Ryan nag aassume pa naman ako na balang araw ay magustuhan niya ako! Pumatak ang luha ko at agad ko itong pinunasan baka makita niya
" Ayokong nakikitang nasasaktan ka Margaux! Pero sana maintindihan mo ako "Wika niya
" Di ko naman sinabing mahalin mo rin ako tulad kay Odette! Di ko rin sinasabi na mahalin mo ang tulad namin! Pero Ryan aaminin ko na pag nakikita ko kayo ni Odette na masaya biglang dinudurog ang puso ko di ko ginusto ang magselos pero anong gagawin ko dahil may nararamdaman ako "Iyak ko
Lalapit na sana siya sakin ng pigilan ko siya
" Margaux sana maintindihan mo ko! Kaya kitang samahan dahil alam kong ako lang nagpapasaya sayo! Sorry kung nasaktan ka "Wika niya
" Kailangan mo pa talagang sabihin sakin na di mo ko kayang mahalin? Di mo ba kayang itago yun? Ryan nasasaktan ako pag yan palagi ang sinasabi mo! Oo alam ko na di mo ko kayang mahalin pero kailangan bang ulit ulitin yun para mas lalo akong masaktan? "Iyak ko
" Sorry "Wika niya
Dahil di ko na kaya ang sakit tumayo ako sa kinauupuan ko hinawakan ni Ryan ang braso ko dahil di pa daw siya tapos kaso tinanggal ko ito at naglakad bawat hakbang ko'y may kapalit na sakit napatingin ako sa taas dahil kinapos ako sa paghinga at nandilim ang paningin ko di ko na maihakbang ang mga paa ko at tuluyan akong bumagsak .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя