CHAPTER 29

61 3 0
                                    

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT 🌺
_
_
_
_

CHAPTER : 29

Ethan's POV

Kasalukuyan akong nagpapahinga dito sa sala ! Kinuha kasi namin yung mga gamit nila Margaux sa lumang bahay nila at dinala namin dito sa bagong bahay nila ! Nasa banyo naman yung mahal ko nawewewe na daw siya kaya agad siyang tumakbo papunta sa banyo ! Pansin ko lang kanina na habang nandun kami sa lumang bahay ng mahal ko may lalakeng pabalik balik at titingin sa loob ng lumang bahay ng mahal ko ! Parang familiar siya sakin , parang nakita ko na siya pero di ko nalang yun pinansin dahil nabusy kami kanina ! Kinuha ko yung cellphone ni Margaux na nakalapag sa mesa , inopen ko yung messenger niya para tingnan kung may kachat siyang iba ! Pipindutin ko na sana yung pangalan ni Stanford ng biglang hinablot ni Margaux yung cellphone niya
" Patingin muna "Wika ko
" Ayaw "Wika niya
" May tinatago ka sakin no ?"Tanong ko
" Wala akong tinatago sayo "Sagot niya
" Patingin sabi ehh "Galit galitan ko
" Ayoko nga diba ?"Wika niya
Dahil sa naiinis na ako tumayo ako tsaka hinablot ko yung cellphone niya kaso ayaw niya talaga kaya nilakihan ko siya ng mata para matakot siya sakin
" Ethan bitawan mo cellphone ko "Wika niya
Agad naman niyang kinagat yung kamay ko dahilan para bumitaw ako
" Titingnan ko lang naman yung convo niyo ni Stanford "Wika ko
" Wala yun ! Nagtanong lang siya sakin kung dadalo daw ako "Wika niya
" Dadalo ? Saan ?"Tanong ko
Umupo naman siya sa sofa kaya tumabi ako sa kanya
" May party kasi kila Jovie(Classmate niya) tsaka inimbitahan niya kami "Sagot niya
" O ano naman ?"Tanong ko
Bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko tsaka pinisip pisil ito
" Payagan mo naman akong dumalo dun Tan , sige na "Pabebe niya
" Sino naman mga kasama mo dun ?"Tanong ko
" Mga classmates ko lang wala ng iba "Sagot niya
" Di pwede ! Nandun si Stanford "Sagot ko
" Di naman ako lalapit sa kanya eh tsaka isa pa sabi sakin ni Jovie yung mga babae nasa kwarto niya tsaka yung mga lalake sa sala sila mag iinuman pero di naman ako iinom eh , sige na Tannn payagan mo na ako "Pabebe niya
" Di mo ko madadala sa mga pabebe mo ! Pag sinabi kong hindi pwede ,hindi pwede ! Maliwanag ba ?"Tanong ko
Napakamot naman siya sa buhok niya tsaka tumingin ito sakin ng masama
" Ikaw nga di ka nagpapaalam sakin kung pumupunta kayo sa bar ehh ! Tapos magsisinungaling pa sakin na sinama siya ng mga kaibigan niya "Galit niya
" Aba ! Di lang kita pinayagan nagagalit ka na sakin ? Eh kung isumbong kita kila Papa ? Ikaw pigil pigilan mo yang kalandian mo ha ! Igagapos talaga kita sa sa likod ng bahay namin "Pananakot ko
Bigla naman itong sumimangot tsaka nagcross arm ito ! Wag niya akong pipilitin , pag ayaw ko , ayaw ko talaga
" Wag ka ring matutulog dito ha ! May sarili kayong bahay ! Matulog ka dun sa bahay niyo umuwi ka na "Galit niya
" Di ako uuwi dito lang ako sabi ni Nanay "Wika ko
" Puro ka Nanay ! Di ka naman anak ng Nanay ko eh "Galit niya
Hahawakan ko na sana siya ng bigla niyang tinapik yung kamay ko tsaka tumayo siya at lumipat ng upuan ! Tumayo din ako tsaka tumabi ako sa kanya ! Tatayo na sana siya ng hawakan ko agad damit niya dahilan para mapaupo siya sa hita ko at pinaharap ko siya sakin
" Gusto mo talagang pumunta dun ha ? Sige pumunta ka dun di na kita pagbabawalan pero di na tayo mag uusap ha ! Wala ng pansinan tsaka wala ng yakapan "Wika ko
Agad namang nag iba ekspresyon ng mukha niya
" Ano gusto mo yun ?"Tanong ko
Umiling iling naman siya hudyat na ayaw niyang mangyari yun !
" Si Nanay nga pumayag tapos ikaw hindi "Inis niya
" Edi pumunta ka dun "Wika ko
" Ayoko nalang "Sagot niya
" Ang tigas tigas kasi ng ulo mo e sarap mong upakan "Wika ko
" Sige nga upakan mo nga ako "Wika niya
" Aba ! Wag mo kong hahamunin "Wika ko
Kinarga ko siya tsaka pinahiga ko siya sa sofa at pinatungan ko siya
" Ano ? Ready ka na ? Malapit na yung anniversary natin "Wika ko
" 1 year and 5 months naman yung usapan natin eh "Wika niya
" Sapakin pa kita jan nag usap tayo na sa anniversary natin gagawin yun ! Tsaka Wala na yung 5 months na yun nangako ka na sakin wala ng bawian "Wika ko
" Alam mo ? Napaka ano mo ! Di ko alam kung san ka nagmana "Wika niya
" San pa nga ba HAHAHA "Tawa ko
Tumayo na kami para maligo ! Gabi na kasi eh tsaka dito ako matutulog dahil walang kasama yung mahal ko dito sa bahay nila ! Nang matapos kaming maligo pinatuyo muna namin buhok namin at agad kaming humiga sa kama niya
" Goodnight Tannnn "Wika niya sabay halik sakin
" Goodnight "Wika ko
Hinalikan ko noo niya tsaka pumatong siya sakin at yinakap ko !
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nandito ako sa trabaho ko isinama ko si Margauxx dahil wala daw siyang kasama sa bahay nila ! Wala kasi siyang pasok kaya isinama ko na baka gumala na naman yun na di nagpapaalam sakin !
" Wag mong gagalawin yang mga trophies ni sir Domingo(May ari ng kompanya) ha ! Baka mabasag yang mga yan "Wika ko
" Opo "Sagot niya
Tinitingnan niya kasi yung mga trophies ni sir ! Lumapit naman siya sakin tsaka hiniram yung phone ko
" Nasan yung sayo ?"Tanong ko
" Lowbat eh "Sagot niya
" Tskk ! Gagamitin ko "Wika ko
" Okay "Sagot niya
Umupo naman siya sa table ni Dave(Kaibigan ko) tsaka nagbasa ito !
" O ito ! Di ko nalang gagamitin "Wika ko
Tumayo naman siya tsaka kinuha yung phone ko !
" Kiss ko "Wika ko
" Mamaya na "Wika niya
Bumalik siya sa table ni Dave(Kaibigan ko) kasabay ang pagpasok ni Ethel dito sa office ko ! Napatingin naman siya kay Margaux at ganun din yung mahal ko ! Lumapit naman siya sakin tsaka binigay yung mga papel na dapat kong tapusin !
" Ito na ba yun ?"Tanong ko
" Oo "Sagot niya
" Ethan ? Pwede ka ba mamaya ?"Tanong ni Ethel
Napatingin ako sa kanya tsaka naaninag kong nakatingin samin yung mahal ko
" Bakit !?"Tanong ko
" Pwede bang sabay tayo mag lunch ?"Tanong niya
Napatingin ako kay Margaux at napatingin din ito sakin !
" Ah Ethel ? Uuwi kasi kami ni Margaux mamaya tsaka half day lang ako ngayon dahil may gagawin pa ako sa bahay "Sagot ko
" Okay "Sagot niya
Agad naman siyang umalis tsaka napahinto siya at tumingin ito sa mahal ko ! Bigla namang napayuko yung mahal ko tsaka tuluyan ng lumabas si Ethel
" Hoyyyy "Tawag ko kay Margaux
" Hmmm ?"Tanong niya
" Nagugutom ka na ?"Tanong ko
" Di pa "Sagot niya
" Sabihan mo ko ha kung nagugutom ka na "Wika ko
Tumango naman siya tsaka pinagpatuloy ko yung gawain ko ! Napatingin ako sa mahal ko at tinitigan ko ito kasalukuyan itong naglalaro kaya tinitigan ko ito ! Bat kaya ako nainlove sa taong to ? Dati galit na galit ako sa kanya eh , dati pag nakikita ko siya kumukulo agad dugo ko dati pag nakakasalubong ko siya gusto ko siyang itulak pero ngayon araw araw akong inlove sa kanya di ko sukat akalain na sa kanya pala ako mahuhulog tsaka ayoko na siyang pakawalan dahil akin lang siya , akin lang si Margaux ! Natauhan nalang ako ng biglang may tumama sa mukha ko
" Nakakainiss ka na ! Kanina pa kita tinatawag "Inis ni Margaux
" Sorry ! Ano yun ?"Tanong ko
" Nagugutom na akoooo "Pabebe niya
" Lapit ka muna sakinn "Utos ko
" Tskkk ! Ethan naman eh "Inis niya
" Lumapit ka kasi sakin ! Pag di ka lumapit sakin di tayo kakain "Wika ko
Bigla naman niyang hinampas yung mesa tsaka tumayo siya at lumapit sakin ! Hinila ko siya dahilan para mapakandong siya sakin tsaka hinalikan ko siya
" Nagugutom na ba yung mahal ko ?!!"Wika ko
Tumango naman siya tsaka hinalikan ko siya ulit na kinainis niya
" Sige naaa nagugutom ako "Pabebe niya
" Ako nalang kaya kainin mo sigurado akong mabubusog ka "Biro ko
" Tskk ! Di ka naman pagkain eh buti kung pagkain ka kakainin talaga kita "Wika niya
" Pagkain din naman ako sa gabi ehh "Biro ko
" Puro ka kalokohan Ethan ! Uuwi nalang ako mag isa "Inis niya
" Joke lang ! Tara na uuwi na tayo "Wika ko
" Tapos ka na ba !?"Tanong niya
Tumango ako tsaka hinalikan ko siya ulit HAHAHA dahil sa inis niya kinagat niya yung kamay ko ! Tumayo kami tsaka lumabas na at sumakay na sa kotse ko !
" Kelan uuwi sila Tita ?"Tanong ng mahal ko
" Baka sa susunod na linggo pa "Sagot ko
" Pano si Gabriel ?"Tanong niya
" Si Papa na bahala sa kapatid ko "Wika ko
" Sabagay mayaman naman kayo eh kaya niyong bayaran kahit ano "Wika niya
Tumingin ako sa kanya tsaka hinalikan ko noo niya at nagsimula na sa pagmamaneho
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa bahay nila Margaux agad kaming pumasok at nagpahinga sa sala ! Wala dito si Nanay nasa bahay siya namin , tuwing sabado lang umuuwi si Nanay dito !
" Tannn ikaw magluto tinatamad kasi ako ehhh "Wika ni Margaux
" Tinatamad din ako "Wika ko
" Kakainis talaga to "Inis niya
" Order nalang tayo "Wika ko
" Wag na may pagkain naman jan eh tsaka ako na magluluto masasayang lang yang pera mo "Wika ko
Tumayo naman siya tsaka pumunta na sa kusina para magluto ! Tumayo din ako tsaka pumunta ako sa kinaroroonan niya habang nagluluto siya yinakap ko siya tsaka hinalikan ko batok niya
" I love you Yanyann "Wika ko
" Dun ka muna sa sala Tann baka mapaso ka dito "Wika niya
" Ayawww ! Gusto ko yakap ka "Wika ko
" Tsskk "Wika niya 
Nang matapos siyang magluto agad kaming kumain !
" Tann ?"Tawag niya sakin
Tumingin ako sa kanya tsaka tumingin din siya sakin
" Hmm?"Tanong ko
" Pano kung may makaalam sa relasyon natin ? Pano kung malaman nila Tito na may relasyon tayo ? "Mga Tanong niya
" Ano naman kung malaman nila Papa na may relasyon tayo ? Tsaka isa pa wag kang matakot dahil di kita iiwan "Sagot ko
" Natatakot ako baka pagalitan at pahintuin ako sa pag aaral ! Alam mo ? Gusto ko sanang di ko nalang sagutin yung panliligaw mo sakin noon dahil natatakot ako na baka pahintuin ako ! Pero ano nga bang magagawa e mahal kita "Wika niya
" Wag kang matakot nandito si Tantan di kita iiwan ! Kahit anong mangyari walang iwanan ha "Wika ko
" Promise ?"Tanong niya
" Promise "Sagot ko
Nang matapos kaming kumain agad kaming pumunta sa kwarto ng mahal ko tsaka humiga kami sa kama
" Tann ? Kung pagbibigyan tayo ng pagkakataon na magkameron ng anak ilan gusto mo ?"Tanong niya
" Siguro mga anim "Sagot ko
" Anim ?!! Dami naman nun "Wika ko
" Gusto ko , tatlong babae tsaka tatlong lalake para masaya "Wika ko
" Dapat isa lang yung lalake "Wika niya
" Bakit naman ?"Tanong ko
" Yung mga batang babae nakikinig agad sila sa sasabihin ng Mama at Papa nila pero yung lalake sobrang malikot at pasaway "Wika niya
" Tssk ! Bat mo tinanong yan sakin ? Gusto mo na ba ?"Tanong ko
" Tskk ! Nagtatanong lang naman ako eh "Wika niya
" Ikaw ha ! Nahahalata ka na "Pang aasar ko
" Ethannn "Inis niya sabay kurot sakin
" HAHAHAHA "Tawa ko
Isa sa mga nagustuhan ko sa taong to ay ang pagiging pikunin niya ! Sarap sa pakiramdam pag napapaiyak ko siya HAHAHA pero ayaw kong ginagalit siya dahil ako yung kawawa eh ! Kurot , kagat , sabunot tsaka hila yung aabutin ko sa kanya pag ginalit ko siya pero mahal na mahal ko to kahit may pagkaisip bata tong baklang to HAHAHA .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now