CHAPTER 14

130 5 0
                                    


Margaux's POV

Umasa ako sa maling tao , umasa ako na matutupad yung hinihiling ko ! Umasa ako na makakasama ko ang taong matagal ko ng gusto ! Ano naman magagawa ko kung di niya ako gusto ! May tao naman para sakin eh ! Kamusta na kaya si Ryan ? Siguro masaya na siya na ngayo'y nakauwi na ang mahal niya ! Hay buhay ! Kelan kaya ako sasaya ? Puro nalang ba lungkot at luha ? Okay na sakin makita ko lang na masaya si Ryan masaya na ako !
" Oyyy ! Ano papasok ka ?"Tanong ni Ethan
" Oo naman "Sagot ko
" Tsk ! Labas na ! Baka malate ka pa ! Dali na "Wika ni Ethan
" Saglit lang ! "Wika ko
" 7:00am na oh ! Baka mamaya pag umalis na ako di ka pumasok isusumbong talaga kita kay Papa "Wika niya
" Papasok ako kaso natatakot ako Ethan baka makita ko si Odette tsaka si Ryan "Lungkot ko
Napatingin ako sa labas at nakita ko nga si Odette at Ryan ! Dito na rin pala nag aral si Odette sabagay mayaman naman sila ! Masakit sa dibdib pag nakikita kong sa iba sumasaya si Ryan pero anong magagawa ko bakla lang ako
" Halika ! Ihahatid kita sa room niyo "Wika niya
" Ako na kaya ko naman eh tsaka baka malate ka sa meeting niyo "Wika ko
" Tskkk "Wika niya
Lumabas naman siya at lumabas na rin ako sa kotse niya ! Nang makapasok na sila Ryan sa campus , pumasok na rin kami ! Inihatid ako ni Ethan sa room ko at agad naman siyang nagpaalam sakin at umalis na ! Papasok na sana ako sa room namin ng biglang nahagip ng mga mata ko si Ryan at nagkatitigan kami ! Di na niya ako pinansin at tuluyan siyang pumasok sa room nila kaya pumasok na rin ako sa room namin
" Alam mo gurl ! May jowa na pala si Papa Ryan tapos tong Margaux na to umiiksena pa ! Kung ako lang yung jowa na ni Papa Ryan pag nakita kong nilalandi ni Margaux si Ryan dudurugin ko talaga siya "Wika ng kaklase ko
Nang makita nila akong pumasok agad naman silang nagsitahimikan ! Kaya agad akong umupo sa upuan ako dahil sa wala pa kaming teacher sinuot ko muna yung earphone ko ! Madami kasing bubuyog dito ! Kahit na magsibulungan sila naririnig ko pa rin mga tao nga naman ! Habang nakatingin ako sa labas bigla akong tinawag ni Jovie(Katabi ko)
" Okay ka lang ?"Tanong niya
" Oo okay lang ako "Sagot ko
" Bat ang lungkot lungkot mo ? Dahil na dun sa nagbalik na yung girlfriend ni Ryan ?"Tanong niya
Dahil sa tanong niya di ako nakapagsalita ! Nag sorry naman siya sa sinabi niya at di ko na siya pinansin ! Maya maya pa ay dumating na si Ma'am at sinimulan ang pagtuturo

                   • DISCUSS •   

Nang matapos ang mga discussion ni Ma'am agad naman siyang lumabas sa room namin dahil nagbell na hudyat na recess na ! Lahat nagkakasiyahan at ako nalang ang naiwan dito sa room ! Wala naman akong kaibigan dito sa room namin ehh maliban lang kay Jovie(Classmate at katabi ko)
" Salentes may naghahanap sayo "Wika ng kaklase ko
" Sino daw ?"Tanong ko
Di na niya ako pinansin at tuluyan siyang lumabas sa room namin ! Tumayo ako para puntahan yung naghahanap sakin !
" Margaux "Wika sa likod ko
Agad naman akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Gabriel
" Gabriel ???!! "Wika ko
" O ano ? Nagulat ka no ? HAHAHA "Tawa niya
" Kelan kayo nakauwi ?"Tanong ko
" Kanina lang ! Mga alasais ! "Sagot niya
" Si Nanay ?"Tanong ko
" Nandun sa bahay ! Mag rerecess ka ba ? Tara sabay nalang tayo "Wika niya
" Ahh Gabriel ! Ikaw nalang "Wika ko
" Bakit naman ? Ayaw mo ba ?"Tanong niya
" Di naman sa ganun pero tingnan mo yung nasa likod mo ang sasama ng tingin nila sakin "Wika ko
Napalingon naman siya sa likod niya at humarap ulit sakin
" Tsk ! Hayaan mo sila "Wika niya
Agad naman niyang hinawakan yung kamay ko at naglakad na kami papunta sa canteen ! Gusto ko sanang bitiwan niya yung kamay ko kaso mahigpit yung pagkahawak niya
" Gabriel bitiwan mo ko nahihiya ako ! Kaya ko namang maglakad eh "Wika ko
Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad niya at di niya ako pinansin ! Pumasok kami sa canteen at umupo kami ! Humarap siya sakin at ngumiti
" Ano gusto mo ?"Tanong niya
" Gabriel di naman ako nagugutom ehh babalik nalang ako sa room "Sagot ko
" Tskk ! "Wika niya
Bigla naman siyang tumayo at nag order na ! Nakita ko ring pumasok si Ryan at si Odette dito sa canteen nakita ako ni Odette at tinarayan niya ako !
" Babe dun tayo "Wika ni Odette
Yumuko ako dahil nakita ako ni Ryan ! Di ko alam pero parang di niya ako kilala parang wala lang sa kanya yung mga araw na magkasama kami !
" O ito na ! Kainan mo yan ha "Wika ni Gabriel
Nilagay ni Gabriel sa mesa yung inorder niya tsaka kinain namin yun ! Sulyap ako ng sulyap kila Ryan at nakikita kong sweet ang dalawa habang pabigat ng pabigat yung dibdib ko ! Lumabas agad ako at iniwan ko si Gabriel dahil feel ko iiyak ako ! Bababa na sana ako ng biglang may humawak sa braso
" At saan ka pupunta ?"Tanong ng babae
Napalingon ako sa babaeng yun at nakita ko si Odette kasama yung mga alipores niya !
" Odette aray ko masakit "Wika ko
" Masakit ? Ito oh mas masakit "Wika niya
Bigla niyang sinampal yung mukha ko at pinagtatawanan ako ! Nahihiya ako dahil maraming estudyante ang nakatingin samin
" Nagulat nga ako ehh kung pano ka nakapasok sa school na to ! Mayayaman lang yung nandito di tulad niyong mahirap lang "Wika ni Odette
" Odette tama na "Wika ko
Bigla niya akong sinambunutan at iniharap ang mukha ko sa mukha niya ! Masakit yung pagkasabunot niya
" Tama na ? Bakit ? Nakinig ka ba sakin nung sinabihan kita na lubayan mo si Ryan ? Hindi diba ?"Tanong niya
Dahil sa nahihiya na ako tinulak ko siya at napaupo naman siya sa sahig ! Di ako masamang tao pero sobra na tong ginagawa niya !
" Odette tinanggap ko lahat ng mga ginawa mo sakin ! Ano bang kasalanan ko sayo bat ang laki ng galit mo sakin ! Ilang beses ko ng sinabi sayo na di ko inaagaw si Ryan sayo ! "Iyak ko
Bigla niyang inagaw yung milktea ng alipores niya at ibinuhos yun lahat sakin
" HAHAHAHA "Tawa ng mga estudyante
" Yan para matauhan ka sa mga sinasabi mo ! Di mo inaagaw sakin si Ryan ? Ha ? Tinatago mo ba yang totoong pagkatao mo ? Wag ako ang lokohin mo ! Kala mo di kita kilala ? Ha? "Wika niya
" Go Odette ! Go go Odette Odette "Wika ng mga estudyante
" Ano ? Wala kang mahanap na lalake para magpakamot ? Si Ryan pa talaga yung gusto mo ? Ang tindi mo rin no ! Girlfriend niya ako ! Anong laban mo ? Bakla ka lang ! Di ka babae "Bulong niya
Sasampalin na niya sana ako ng hakawan ko agad yung kamay niya at itinulak ko siya
" Owwwwww "Sigaw ng mga estudyante
Bigla namang dumating si Ryan at tinulungan niya si Odette !
" Margaux anong ginawa mo ?"Galit ni Ryan
" R-r-yan di ko sinasadya "Utal ko
Agad namang dumating si Gabriel at lumapit siya sakin !
" Walang hiya ka bakla ka "Galit ni Odette
Sasambunutan niya sana ako kaso di niya ako naabot dahil inawat agad siya ni Ryan ! Hinawakan rin ni Gabriel yung kamay ko at hinila niya ako palayo sa mga estudyante
" Ano na naman ba ginawa mo ? Bat napaaway ka ?"Tanong ni Gabriel
" Gabriel siya naman yung nanguna di ako "Sagot ko
Kita ko kay Gabriel na galit siya sa ginawa ko ! Kinuha niya yung bag niya at kinuha niya rin yung sakin !
" Teka san tayo pupunta ?"Tanong ko
" Uuwi tayo "Sagot niya
" Uuwi ?!! Gabriel may may klase pa tayo ! Tsaka papagalitan tayo ni Nanay "Wika ko
Bigla naman niya akong pinaharap sa kanya at galit ang mukha nito
" Tingnan mo yang hitsura mo ! Basang basa ka sa milktea ! Gusto mo bang pagtawanan ka ulit ha ?"Galit niya
Dahil sa kanya di nalang ako rumeklamo ! Nakakatakot kasi siya pag nagagalit ! Agad niya akong pinasakay sa kotse niya at agad siyang nagmaneho
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa bahay ng mga Verdeflor nakita ko yung sasakyan ni Ethan ! Umuwi ba siya ng maaga ? Anong oras palang ahh ! Agad akong lumabas sa kotse ni Gabriel at pumasok ako sa bahay ! Nakita ko si Nanay sa sala at nakita niya ako ! Agad naman siyang lumapit sakin at kita kong nagulat ito
" Hoy ! Bat ka nandito ? Wala ka bang pasok ? Ha ? Tsaka bat basa yang damit mo ! "Wika ni Nanay
Pumasok naman si Gabriel sa bahay at nagulat din si Nanay nang makita niya si Gabriel
" Bat kayo umuwi ? Alas dose pasado palang umuwi na kayo ? Tsaka ikaw bat basa ka ?"Tanong ni Nanay sakin
Napatingin ako kay Gabriel at napatingin din siya sakin ! Pumunta siya sa taas at di na niya ako pinansin natauhan ako dahil biglang kinurot ni Nanay yung tagiliran ko
" Ano ?!!! "Wika ni Nanay
Dahil sa natatakot akong sabihin kay Nanay di muna ako nagsalita dahil alam kong magagalit siya
" Ayaw mo talagang sumagot ha "Wika ni Nanay
Akmang kukunin na niya yung walis tambo hinawakan ko agad yung kamay niya
" Nayyyy "Wika ko
" Sabihin mo nga sakin "Galit ni Nanay
Napatingin ako sa taas at nakita ko si Ethan tuwang tuwa yung mokong dahil pinapagalitan ako ni Nanay
" Margaux pag ako nainis sa kahihintay papalabasin kita "Wika ni Nanay
Huminga ako ng malalim dahil galit na galit na si Nanay ! Huhuhu
" Nay may nakaaway po ako sa school kaya basang basa yung uniform ko "Sagot ko
" Nakaaway ? Margaux naman ! "Wika ni Nanay
" Nay di naman po ako yung nanguna ehh ! "Mangiyak ngiyak kong sabi
" Sana di mo nalang pinapatulan para di na humaba "Wika ni Nanay
" Di ko sana siya papatulan Nay kaso sumusobra na po siya "Wika ko
" Di mo man lang sinusunod yung mga sinasabiiiii ko sayo "Galit ni Nanay sabay kurot sa tenga ko
" A-a-ray ko Nay masakit po huhuhu "Wika ko
Agad namang binitawan ni Nanay yung tenga ko !
" Mag uusap tayo mamaya ha ! Maligo ka dun sa kwarto mo "Galit ni Nanay
" Opo Nay "Sagot ko
Napahawak ako sa tenga ko dahil masakit yung pagkakurot ni Nanay ! Habang papunta ako sa taas nakita ko namang tinatawanan ako ni Ethan sa taas Kaya agad akong nagmadali sa paglalakad at humarap sa kanya
" Problema mo ha ?"Tanong ko
Napatigil naman siya sa kakatawa niya at humarap sakin
" Wala "Sagot niya
" Bat mo ko pinagtatawanan ?"Tanong ko
" Pinagtatawanan ba kita ? Yung butiki kasi nahulog HAHAHA "Tawa niya
Nakakatawa ba pag nahulog yung butiki ? Dahil sa sinungaling tong mokong na 'to inapakan ko yung paa niya ! Sorry siya nakasapatos pa ako tapos nakapaa lang siya HAHAHA
" Aray ko po "Wika niya
" Hala oo nga nakakatawa pala yung butiki "Pang aasar ko
Napaupo naman siya sa sahig habang hawak hawak niya yung paa niya ! Pumasok ako sa kwarto ko para maligo buti nalang wala dito si Tita Louise sigurado akong magagalit din yun sakin ! Bat kaya galit sakin si Gabriel ? Wala naman akong kasalanan sa kanya ahh ! Mamaya ko nalang siya kakausapin ! Nang matapos akong maligo agad akong pumunta sa baba and guess what ??!! May Leche Flan sa mesaaaaaa ! Hoooo agad namang kuminang yung mga mata ko HAHAHA
" Nay ??! "Tawag ko
" Ano ?"Tanong niya
" Kanino po tong Leche Flan ? Akin nalang po "Sigaw ko
Di sumagot si Nanay so it means walang may nagmamay ari sa Leche Flan ! Yesss akin na 'to ! Kinuha ko yung Leche Flan tsaka pumunta ako sa sala para manood ng TV ! Bigla namang nagchat sakin si Jovie(Classmate ko) kung nasan daw ako dahil hinahanap ako ng mga teacher namin ! Di na ako nagreply tsaka pinatay ko yung cellphone ko !

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now