CHAPTER 34

70 3 0
                                    


Olga's POV

Kasalukuyan akong nandito sa hospital , ako yung nagbabantay kay Margaux ! Di ko akalain na mangyayari to sa kaibigan ko ilang araw na rin siya tulog at di pa ito gumigising halos mahimatay pa si Nanay Roxie ng malaman niyang naaksidente si Margaux ! Comatose yung kaibigan ko dahil malakas yung pagkauntog niya sa bato buti nalang agad siyang nadala dito sa hospital at sa awa ng diyos mabuti na ang kalagayan ng kaibigan ko ! Nasa labas si Ethan bumibili ito ng pagkain dahil sabi ng doctor magigising na yung kaibigan ko mamayang tanghali o hapon !
" Olga ! Di pa ba gising si Margaux ?"Tanong sa likod ko
Napalingon ako sa likod ko at nakita kong marami ang dala ni Ethan !
" Di pa eh siguro mamayang hapon pa siya magigising "Sagot ko
Pag nalaman ko talagang may kinalaman dito si Odette o di kaya si Ethel di na talaga ako magdadalawang isip na basagin mag mukha nila
" Si Nanay nasan ?"Tanong niya
" Umuwi muna kukuha lang daw ng damit "Sagot ko
Di ko alam pero kitang kita ko sa mga mata ni Ethan yung lungkot ! May nangyari bang di maganda ?!
" Ethan ?! Nasan ka nung naaksidente yung kaibigan ko ?! Kala ko magkasama kayo pero bat naaksidente siya ?"Tanong ko
Inilagay naman niya sa mesa yung mga pinambili niya at umupo at hinawakan Ang kamay ng kaibigan ko
" Pasensya na Olga kung di ko nailigtas tong kaibigan mo ha ! Wala ako sa tabi niya nung naaksidente siya dahil nag away kami ni Papa dahil alam na niyang may relasyon kami ni Margaux dahil ibinalita ito ni Ethel ! Nais ni Papa na dalhin ako sa London at doon na manirahan pero di ako sang ayun sa desisyon niya dahil di ko kayang iwan yung mahal ko "Sagot niya
" Ethan wag mong mamasamain yung tanong ko ha pero Mahal mo ba talaga yung kaibigan ko ?! O baka mahal mo lang siya dahil may gusto kang makuha sa kanya ?! "Tanong ko sa kanya
" Olga Mahal ko si Margaux ! Mahal ko siya dahil iba yung nararamdaman ko sa kanya ! Pinatunayan ko na yun "Sagot niya
" Alam mo bang ayaw naming nasasaktan yan ?! Dahil di yan tumitigil sa kakaiyak pag nasasaktan yan kaya ako na nakikiusap sayo na wag mong saktan yung kaibigan ko "Wika ko
" Di ko sasaktan si Margaux Olga promise ko yan "Wika niya
" Alam mo bang kay Raprap lang yan nainlove pero di namin akalain na mahuhulog din siya sayo ! Iyak ng iyak yan nung umalis si Raprap "Wika ko
Napatingin naman siya sakin nung bigkasin ko yung pangalan ni Raprap
" Kilala ko si Raprap Olga , alam kong iisa lang yung Raprap na kilala ko at Raprap na kaibigan niyo pero mahirap ipaliwanag pag nalaman ni Margaux kung sino si Raprap "Wika niya
Biglang lumakas tibok ng puso ko dahil kilala  pala ni Ethan si Raprap
" Kilala mo si Raprap ?"Tanong ko
" Oo Olga kilalang kilala ko siya "Sagot niya
" Nasan siya Ethan ?! Gusto ko siyang makita alam mo bang matagal na panahon ng di namin siya nakikita "Wika ko
" Wag kang mag alala Olga ! Babalik na si Raprap pero natatakot ako baka iwan ako ni Margaux pag nakita na niya si Raprap "Wika niya
" Di ka iiwan ni Yanyan "Wika ko
Ngumiti naman siya at nakita kong pumatak luha niya habang hawak hawak niya kamay ng kaibigan ko
" Yannn gising na nandito na si Tantann "Iyak niya
Lumabas muna ako dahil alam kong iiyak si Ethan ! Umupo ako at iniisip kung bat kilala ni Ethan si Raprap ?! Matagal na ba silang magkakilala o di lang sinasabi ni Ethan kay Margaux na kilala niya si Raprap ! Ughh bahala na si Ethan na bahala nun ! Habang nakaupo ako biglang lumabas sungay ko dahil nakita ko si Ethel kasama nito si Odette ! Papalapit ito sakin at kita kong masaya yung dalawa
" Omg ! Nandito pala yung baklang hampaslupa HAHAHA "Tawa ni Ethel sabay apir kay Odette
" Nandito rin pala yung mga demonyong magnanakaw HAHAHA oopps "Pagpaparinig ko kay Ethel
Bigla naman itong naglakad at hinarang ko yung paa ko para madapa siya HAHAHA ayun nga nagtagumpay ako napaupo siya sa sahig
" Ayy sorry "Wika ko
" Bwesit kang bakla ka "Sigaw niya
Lalapit na sana sakin si Odette ng bigla kong itinaas kamao ko napaatras naman siya
" Sige subukan mo ! Matitikman mo tong kamao ko "Wika ko kay Odette
Tumayo naman si Ethel at humarap ito sakin inayos naman niya damit niya at halatang ayaw niyang madumihan so eew
" Umayos ka bakla ka , baka nakakalimutan mo hospital to ng Uncle ko "Wika ni Ethel
" Paki ko ?! Kahit bilhin pa ng Uncle mo yung buong Pilipinas wala pa rin ako paki "Wika ko
Papasok na sana ako sa kwarto room ni Margaux ng bigla akong sinambunutan ni Ethel kaya humarap ako at sinambunutan ko rin siya at itinulak
" Ikaw sumusobra ka na eh ! Lahat makukuha mo pero di mo makukuha si Ethan kay Margaux "Wika ko
" Kala mo lang yun pero darating ang araw na makukuha ko rin si Ethan "Wika jita
" Mangarap ka hanggang sa gusto mo pero isa lang ang masasabi ko sayo di mo makukuha si Ethan "Wika ko
Sasampalin na niya sana ako ng bigla kong hawakan agad yung kamay niya
" At sa oras na malaman kong may kinalaman ka sa pagkaaksidente ng kaibigan ko itago mo nalang yung sarili mo "Wika ko sabay tulak sa kanya
Pumasok ako sa room ni Margaux at nilock ko yun ! Nakita ko namang tulog na si Ethan kaya umupo nalang ako sa may gilid para matulog na rin !

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now