CHAPTER 10

137 5 0
                                    


Ethan's POV

Dahil biyernes ngayon ! Inutusan kami ni Nanay mamalengke wala dito si Gabriel kaya si bakla yung kasama ko ! Gusto niya siya lagi kampihan ni Nanay ehh ! Kung di lang siya anak ni Nanay matagal ng natamaan sakin yun ! Nakita ko siyang pababa habang binabasa niya mga pinabibili samin ni Nanay ! Nang makita niya ako agad naman siyang ngumiti kaso di siya pinansin
" Bilisan mo na kasi ! Ang bagal bagal maglakad ! "Inis ko
" Grabi talaga to ! Ang aga aga high blood na "Wika niya
" Ikaw kasi "Wika ko
" Tabiii ! Harang harang pa sa pinto "Wika ko
Kita niyo na ! Kapal talaga ng mukha niya kala niya bahay niya to ! Mamaya ka sakin !
" Ikaw nga tong mabagal ehh "Wika niya
Sumakay siya sa kotse ko at di ko na siya pinansin ! Dahil nga sa palubog na ang araw kailangan naming magmadali dahil gagamitin agad yun ni Nanay
" Ang bagal naman ng kotse mo ! Buti pa kay Gabriel sobrang bilis "Wika niya
" Paki ko ! Tsaka pwede ba ? Manahimik ka nalang ?! Nakakainis na kasi yang bunganga mo "Wika ko
" Mas nakakainis tong sasakyan mo sobrang bagal mana sa may ari "Wika niya
Dahil sa inis ko pinaharurot ko yung kotse ko ! Bahala siya ! Ginagalit niya ako ehh !
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa palengke napatingin ako sa likod ko ! Ayun nakahawak sa ulo at tyan niya ! Ginagalit niya ako kanina ehh !
" Ano ? Masaya ba ?"Tanong ko
" Aray ko Ethan !! Masakit ulo ko huhuhu "Wika niya
" Ayaw mo kasing tumigil kanina kaya bagay lang yan sayo "Wika ko
" Binibiro lang naman kita kanina ehh huhuhu "Wika niya
" Kasalanan mo yun Tara na ! Labas na "Wika ko
Lumabas ako tsaka lumabas din siya ! Nakasandal siya sa kotse ko habang hawak yung ulo niya HAHAHA
" Ang bagal mo naman ! Tara na "Wika ko
" Wait lang ! Hawakan mo ko "Wika niya
" Bahala ka jan ! May mamamatay tao pa naman dito "Pananakot ko
" Ethaaannnnnn "Inis niya
Natawa ako dahil sa hitsura niya ! Kala mo lasing ehh ! HAHAHA
" Ano ? Okay ka na ?! HAHAHA "Tawa ko
" Isusumbong kita kay Nanay ! Mamaya ka "Wika niya
" Edi magsumbong ka ! Kasalanan mo naman yun ! "Wika ko
Naglakad na kami dahil okay na daw siya ! Siya yung bumili ng mga gulay tsaka ako naman yung karne at isda ! Syempre dahil sa gwapong taglay ko nakakamura ako HAHAHA (Ang lalandi kasi ng mga tindera HAHAHA) Nang matapos akong mamili pinuntahan ko si bakla tsaka tinulungan ko siya
" Ano ? Tapos ka na ?"Tanong ko
" Oo "Sagot niya
Binigay niya sakin yung iba tsaka naglakad na kami papuntang kotse ! Biglang tumakbo si bakla papunta sakin at kinalabit ako !
" Bakit ?"Tanong ko
" Ethan ? Bilhan mo ko nun "Wika niya
Napatingin ako sa tinuro niya ! Nakita ko naman yung nagtitinda ng mga fishball at iba pa
" Bakit naman kita bibilhan eh di tayo magkaibigan "Wika ko
" Pautang nalang dun ko nalang babayaran sa bahay niyo nakalimutan ko kasing magdala ng pera "Wika niya
" Bahala ka jan "Wika ko
Binuksan ko yung kotse ko at ipinasok lahat ng pinamili namin ! Bigla akong nakaisip ng kalokohan kaya tinawag ko siya ! Padabog pa kung maglalakad !
" Bakit ?"Tanong niya
" Sigi ! Kumuha ka na dun ! "Wika ko
" Talaga ?!!! Ilan ?"Mangha niya
" Ikaw bahala kung ilan bibilhin mo "Wika ko
Bigla namang siyang napa YESSS at pumunta na sa kinaroroonan ng nagtitinda ng fishball ! Nagulat ako dahil dami yung dinala niya !
" Ito naaaa !!? Salamat Ethannnnn "Wika niya
" Tsk ! "Bulong ko
" Bayaran mo na ! Sabi mo babayaran mo "Wika niya
" Sinabi ko bang babayaran ko ?! Sabi ko kumuha ka lang ! Di ka kasi nakikinig "Wika ko
Bigla naman siyang napatigil sa pagkain ng fishball at napatingin sakin
" Sabi mo babayaran mo ?! Kaya nga ako kumuha ng fishball dahil sabi mo kumuha nalang ako "Wika niya
" Hala bahala ka ! Di ko yan babayaran ! Wala na pala akong pera dito ! "Wika ko
" Ethaannnnn "Inis niya
" Lagot ka Margaux ! Lagot ka "Pang aasar ko
Kita ko namang natakot siya napatingin siya sa kinaroroonan ng nagtitinda ng fishball habang may nginunguya pa !
" Manong bat niyo po to pinakuha ! Walang pera to "Wika ko sa tindero ng fishball
" Sabi niya babayaran mo ?"Tanong ng tindero
" Di po yun totoo "Sagot ko
Napatingin naman sakin si bakla at nakita kong natatakot siya HAHAHA
" Ethannnnn "Mangiyak ngiyak niyang sabi
" Lagot ka !! "Wika ko
Sinenyasan ko yung tindero na pinapaiyak ko lang tong kasama ko ! Napatawa naman siya ! Nang makita kong umiiyak na si Margaux agad kong kinuha yung pera ko tsaka binigay sa tindero
" Ano natakot ka ? HAHAHA "Tawa ko
" Demonyo ka talaga "Iyak niya
Tinalikuran ko na siya at tumawa ako ng malakas ! Naramdaman ko nalang na may tumusok sa likod ko
" Aray kooo "Wika ko
" Gusto mo pala akong paiyakin mokong ka ! Isaksak ko pa to sa batok mo "Galit niya sabay taas ng barbecue stick
" Ganti ko lang naman yun sayo ! Dahil ginalit mo ko kanina "Wika ko
Bigla naman niya akong tinulak tsaka pumasok na siya sa loob ng kotse ko ! Pambihira talaga tong baklang to ! Sumakay na ako para magmaneho para umuwi na .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now