CHAPTER 38

72 3 0
                                    


Olga's POV

Dahil sa pagkawala ni Margaux hindi na lumalabas sa kwarto si Nanay Roxie , simula nung di na nahanap yung kaibigan ko ay dito muna ako pinatira ni Nanay Teresa(Nanay ko) para bantayan si Nanay Roxie , gusto kong sisihin yung sarili ko dahil ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyayari ! Una hinayaan ko si Margaux na makipagkita kay Ethan at laking gulat ko nalang dahil sa nabalitaan kong naaksidente sila , Pangalawa hinayaan kong makuha si Margaux ng pekeng doctora , lumipas ang isang linggo pero di namin nahanap si Margaux hanggang sa nawalan kami ng pag asa na makikita pa namin siya pero nakakasiguro kaming buhay ang kaibigan ko dahil magaling na siya nung kinuha siya ng pekeng doctora
" Nanay Roxie "Katok ko
Kasama ko dito dito si Tristan dahil yun yung gusto niya ang tumulong kay Nanay
" Hawakan mo muna to "Wika ko
Pinahawak ko muna yung pagkain kay Tristan para buksan yung kwarto kaso nakasirado ito
" Nay nandito na po yung pagkain "Katok ko
" Ibalik mo yan Olga di ako kakain "Wika ni Nanay sa loob
" Pero Nay ilang araw ka ng di --- "
" Ang sabi ko ibalik mo yan "Sigaw ni Nanay sa loob
" Okay po , sorry po "Wika ko
Bumalik nalang kami sa baba ni Tristan at inilagay ko sa mesa yung pagkain na niluto ko
" Tristan ?! Alam mo ?! Pakiramdam ko ako ang may kasalanan nito eh "Wika ko
Umupo ako sa sala at ganun din si Tristan umupo din ito
" Bakit ?! Ikaw ba nag utos na banggain sila Ethan ?! Ikaw ba nag utos na kunin si Margaux sa hospital ?"Tanong niya
" Hindi "Sagot ko
" O yun naman pala eh ! Naniniwala ako na wala kang kasalanan dito , pero para sayo sino ?!"Tanong niya
Yun din yung gumugulo sa isipan ko ! Sino ba talaga ang nasa likod ng pagkaaksidente nila Margaux ?! Kinausap ko ng harap harapan si Ethel at sinabi ko sa kanya yung mga nangyari , pero tanging sagot niya sakin ay wala siyang alam at wala din daw siyang kinalaman ! Gusto ko mang maniwala sa kanya pero ayaw ng utak ko , mukhang tinatago ni Ethel na siya ang may kasalanan lahat ng ito
" Yun din yung gusto kong malaman Tristan dahil di ko na kaya to , una naaksidente yung kaibigan natin , kinuha pa siya ng pekeng doctora , at ngayon di na natin nakita si Margaux "Wika ko
" Batid kong nagdudusa si Nanay dahil sa nawawala yung mahal niyang anak "Wika ni Tristan
" Margaux nasan ka na ?"Tanong ko sa isip
Bigla nalang may nagdoorbell sa labas kaya agad akong lumabas para pagbuksan yung taong nagdodoorbell !
" Sino po sila ?"Tanong ko
" Ah magandang araw po , nandyan po ba si Roxie Salentes ?!"Tanong ng lalake
" Nandito po sa loob , ano pong kailangan nila ?"Tanong ko
" Gusto ko sana siyang makita at makausap kahit saglit lang "Wika niya
Bigla kong naalala yung sinabi sakin ni Nanay Roxie na wag daw magpapapasok ng tao pag di kilala
" Ahh sorry po ha pero pinagbilinan po ako na wag magpapapasok ng tao lalo na kung di po kilala "Wika ko
" Saglit lang naman gusto ko lang makausap si --- "
" Sorry po talaga "Wika ko
Tuluyan kong nilock yung gate at todo doorbell naman yung lalake ! Papasok na sana ako ng bigla akong may naalala ! Tekaa may kamukha siya ah ! Napatingin ako sa gate at agad akong tumakbo binuksan ko ulit yun dahil di ako pwedeng magkamali , si Ares yung nakita ko ! Tatawagin ko na sana siya kaso umalis na yung kotse niya ! Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa ginawa ko
" O bat gulat na gulat ka ?"Tanong ni Tristan
" Tristan kilala mo ba si Ares ?!"Tanong ko
" Ares ?!!"Tanong niya
" Oo "Sagot ko
" Hindi eh "Sagot niya
Oo nga pala di niya pala kilala si Ares dahil di ko siya kasama sa paglaki ! Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni Nanay para sabihin sa kanya yung nakita ko
" Nayy ! Buksan niyo po ako may sasabihin ako "Katok ko
" Sa susunod nalang Olga , gusto ko ng magpahinga "Wika ni Nanay
" Osige po "Wika ko
Dahil sa ayaw akong pakinggan ni Nanay pumunta nalang ako sa baba at umupo sa sala ! Alam kong si Ares yun , dahil kilalang kilala ko siya .
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan akong nandito sa palengke dahil inutusan ako ni Nanay Teresa , dahil sa nagpapahinga pa si Nanay Roxie lumabas muna ako para mamalengke !
" Hay nako mga hampaslupa nga naman "Wika sa likod ko
Batid kong si Ethel yung nasa likod ko kaya di ko siya pinansin at pinagpatuloy ko yung pamamalengke ko
" Kakaawa ka naman Olga , pati karne di niyo mabili ?!"Tanong niya sa likod ko
Bahala ka sa buhay mo kahit manghiram ka pa ng megaphone wala akong paki sa mga sinasabi mo
" Hanggang gulay lang talaga ba kaya niyong bilhin ?! "Tanong niya ulit
Dahil sa biglang uminit yung dugo ko humarap ako sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay
" Nagkakamali ka ata ng mga sinasabi Ethel ! Oo minsan lang kami bumibili ng karne dahil mas gusto namin yung gulay ! E kayo ?! Puro karne no ?! Kasi nga maaarte kayo , sorry ha pero wala akong panahon para makipagtalo sa tulad mo "Wika ko
Agad akong nagbayad dahil nabwesit ako sa bruhang to , maglalakad na sana ako ng bigla niyang hawakan braso ko
" Wag mo kong tatalikuran bakla ka "Hawak niya sa braso ko
Agad kong binawi braso ko at pinakalma ko yung sarili ko dahil ayoko ng away pero away niya akong tigilan e kaya kinuha ko yung malaking opo at pinakita ko ito sa kanya
" Gusto mo bang ipokpok ko to sa ulo mo para matauhan ka sa mga ginagawa mo ?! Ikaw Ethel sumusobra ka na eh sarap mong sapakin bruha ka "Wika ko
Ibinalik ko yung opo at kinuha ko yung mga pinamili ko ! Di ko siya pinansin at tuluyan akong umuwi sa bahay namin .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Where stories live. Discover now