CHAPTER 36

80 5 0
                                    


Gabriel's POV

Makalipas ang ilang araw palaging malungkot si Kuya dahil gusto niyang makita si Margaux kaso di siya pinapayagan kasalukuyan akong nagliligpit ng mga gamit ko ! Pareho lang naman kami ni Kuya eh iiwan namin yung mahal namin dito sa Pinas ! Pero mas naaawa ako kay Margaux dahil iyakin yun at may sakit siya sa puso niya ! Di makalabas si Kuya dahil pinagbawalan na siya ni Papa ! Bukas ng umaga kami aalis yun yung sabi sakin ni Mama ! Dahil sa ako lang ang nakakalabas dito sa bahay namin inutusan ako ni Kuya na magbigay ng sulat kay Margaux dahil pati cellphone ni Kuya ay kinuha ni Papa !
" Ibigay mo yan sa kanya ha "Wika ni Kuya
Tumango ako at tinapos ko yung pagliligpit ng mga gamit ko ! Agad akong lumabas sa bahay dahil gustong makipagkita ni Shara(Girlfriend ko) sakin kaya agad akong lumabas sa bahay at sumakay sa kotse ko para puntahan si Shara
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating ako sa Park agad kong nakita si Shara nakaupo ito at nanonood sa mga batang naglalaro ! Lumabas ako sa kotse ko at tumabi ako sa kanya
" Hayyyy "Upo ko sa tabi niya
Napatingin naman siya sakin kaya kinurot ko ilong niya na kinasalubong ng kilay niya
" Bat ngayon ka lang ?"Tanong niya
" Alam mo namang nagligpit ako ng mga gamit ko diba ?"Tanong ko
" Kanina pa nga ako naghihintay sayo dito "Wika niya
" Sorry na "Yakap ko
" Kamusta Kuya mo ?!"Tanong niya
" Ayun nasa kwarto lang siya ayaw lumabas dahil galit siya kay Papa "Sagot ko
" Bat di nalang kasi tanggapin ni Tito Romeo si Margaux e nagmamahalan lang naman sila "Wika niya
" Yun nga gusto ko eh kaso ayaw ni Papa dahil sayang daw si Kuya "Wika ko
" Anong sayang dun ?! Ayaw ba niyang nakikitang masaya yung panganay niya ?! Minsan na nga lang sumaya si Ethan tapos hahadlangan pa ng Papa mo "Wika niya
" Hayaan mo na ! Ang mahalaga magkasama tayo ngayon dahil aalis na kami bukas "Halik ko sa pisngi niya
" Kawawa tuloy niyan si Margaux ! Mabait pa naman yun "Wika niya
" Gusto ngang makipagkita ni Kuya kay Margaux kaso nandyan si Papa ayaw siyang payagan "Wika ko
Bigla naman niya akong yinakap at sumakay kami sa kotse ko dahil palalim na ang gabi !
" Gusto mo na bang umuwi ?"Tanong ko
" Oo dahil palalim na ang gabi baka hanapin ako ni Papa "Sagot niya
" Osige "Sagot ko
Agad akong nagmaneho dahil pupunta pa ako kay Margaux dahil may ibibigay ako sa kanya !
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
" O pano ! Lalabas na ako "Wika ni Shara(Girlfriend ko )
Agad kong hinawakan mukha niya at hinalikan ko siya !
" Wag kang maghanap ng iba dun ha "Wika niya
" Pangako "Wika ko
Agad naman siyang lumabas at kumaway sakin
" Ingat kayo sa biyahe niyo bukas "Wika niya
Ngumiti ako at tumango ! Kumaway ako sa kanya at nagmaneho na papunta kila Nanay ! Nang makarating ako kila Nanay agad akong kumatok sa gate nila .
" Nayyyyy "Tawag ko
Narinig ko namang may naglalakad at bumukas gate nila !
" Olga ?!"Tanong ko
" Gabriel ?! Lah ! Bat ka nandito ?! Anong oras na "Wika niya
" Nandyan ba si Margaux ?"Tanong ko
" Oo nandito sa loob nasa kwarto niya ayaw lumabas ! Tsaka dalawa lang kami dito dahil may inaasikaso si Nanay Roxie "Sagot niya
" Ganun ba ?"Tanong ko
" Halika pasok ka "Wika niya
Pumasok ako sa bahay nila Margaux at sobrang tahimik !
" Puntahan mo nalang sa kwarto niya "Wika ni Olga
Naglakad ako papunta sa kwarto ni Margaux at agad akong kumatok
" Margauxxx "Katok ko
Dahil sa walang sumasagot kumatok ulit ako
" Margaux nandyan ka ba ?"Katok ko
Maya maya pa'y bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko si Margaux halatang umiyak siya dahil namumugto mga mata niya
" Gabriel ?!!! "Gulat niya
Ngumiti ako at nakita kong pinunasan niya luha niya
" Bat ka nandito ?! Nandito ba rin si Ethan ?!"Tanong niya
" Ako lang yung nandito Margaux dumaan lang ako dito dahil may nais siyang ibigay sayo "Wika ko
Kinuha ko sa bulsa ko yung sulat ni Kuya at ibinigay ko yun kay Margaux
" O siya aalis na ako "Wika ko
" Gabriel teka lang "Pigil niya sakin
" Hmm ?"Tanong ko
" Kamusta Kuya mo ?"Tanong niya
" Ayun nasa kwarto niya ayaw lumabas "Sagot ko
" Tuloy ba yung pag alis niyo ?"Tanong niya
Tumango naman ako na ikinalungkot ng mga mata niya
" Sige . Ingat nalang kayo sa biyahe niyo ha ! Sabihin mo sa Kuya mo na mahal ko siya "Wika niya
" Makakaasa ka "Wika ko
Agad akong nagpaalam sa kanya dahil uuwi na ako ! Kumaway naman siya sakin kaya kumaway din ako .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT (S1) (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora