CHAPTER 2

1K 21 6
                                    

APHRODITE'S

"Oh nandito pala ang isa pa naming prinsesa" sabi ni tito gabriel at niyakap ako.

"Namiss kita anak" dagdag niya. Nakakatuwa kasi kahit nandyan na yung tunay niyang anak na babae tinuturing niya pa rin akong anak niya.

"Namiss din po kita tito gabriel" sabi ko din.

Kumalas na ako sa yakap.

"Kamusta ka sa condo mo? Maayos ba dun? Sabi sayo dito ka na lang eh ako na bahala Kay dale diba" Tanong niya.

"Hindi na tito kaya ko naman sarili ko kaya di na ako nahirapan kahit mag isa ako. Minsan binibigyan ako ni kuya hypnos ng food niya or minsan din po si Hendrick napunta sa condo may dalang food or groceries para sakin kaya okay naman ako tito saka infairness walang mga chismosang kapitbahay dun nuh" kwento ko sakanya.

"Daldal mo" sabi ni deana kaya natawa ako.


"Oh umupo na kayo ready na ang dinner." Sabi ni tita danica asawa ni tito gabby.

Nagmano muna ako sa mga nakakatanda bago umupo.


"How are you hija?" Tanong ni tito George pagkatapos ko mag mano sakanya.

"I'm fine po tito kayo po kamusta?" Mukhang masungit si tito George pero ang bait niya talaga.

"I'm good, sana ay binabantayan ka ni hypnos dun sa condo niyo" sabi niya pa

"Dad binabantayan ko siya don't worry wala mangyayari kay aphrodite dun saka mahigpit ang security dun" sabat ni kuya hypnos

Tumango si tito George. Nagpaalam na ako sakanila na lalapitan ko lang si tita Victoria.


"Hi tita Victoria hihi" natatawa na sabi ko.

Si tita kasi naka simangot parang teenager na galit sa jowa.

"Che! Pati ikaw aasarin din ako magsama kayo ni deana" sabi pa niya at tumulong sa pag aayos sa dining area.

"Mahal ko hayaan mo ang mga kasambahay ang mag ayos dyan" sabi ni tito gabriel.

"Che! Tigilan mo ko gusto ko tumulong" sabi ni tita Victoria kaya natawa kami.

"Mahina ka pala gabriel eh" sabi ni tito George at nakangisi siya habang nakatingin sa Kapatid.

"Oh tumigil na kayo kakain na." Sabi ni tita grace.

Tatabi sana ako kay deana kaso pinigilan ako ni tita grace.

"Ops. Dun ka sa tabi ni dale diba?" Sabi ni tita sakin kaya dahan dahan ako tumabi kay dale.
Namiss ko kulitin si dale kaso baka galit pa din siya sakin. Sino ba naman di magagalit sa ginawa ko sinabunutan ko yung isabella na lapit ng lapit sakanya dati andrea ngayon isabella pota daming babae ha.


Habang nakain kami tumitingin tingin ako kay dale. Nagulat ako ng tumingin siya sakin.

"What?" Inis na sabi niya at kumain ulet.

Sungit!

Bumalik na lang ako sa pagkain ko.


"I'm done" bigla sabi ng katabi ko kaya napatingin ang iba sakanya ng tumayo siya.

"where are you going?" Tanong ni tito gabriel.

"Outside" yun lang sabi niya bago lumabas.

"Kuya sigurado ka ba na anak mo si dale aba kasing sungit ni kuya George yung isa na yun ah" pang aasar ni tita grace kay tito gabriel.

"Ewan ko din ba baka nga anak ni George yun" sabi ni tito gabriel at tumawa.

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon