CHAPTER 22

367 16 0
                                    

APHRODITE'S

"Oy san ba tayo pupunta?" Tanong ko habang nasa kotse kami niya. Ewan ba dito di ko alam kung san ako dadalhin.

" Sabi mo mag ce-celebrate tayo? Dadalhin kita sa Jollibee para mag celebrate" sabi niya.

Napanganga ako sa sinabi niya. Gago naalala niya pa yun?!

"Libre mo ba?" Tanong ko.

"Of course aphrodite hindi ako nagpapa libre sa babae dahil sila ang nililibre ko" nakangisi na sabi niya.

"Ah so madami ka na nalibre na babae? Mga kalandian mo sila ganun?" Sabi ko pa.

"Oo" simpleng sabi niya lang.

Tangina to mapanaket. Napanguso tuloy ako.

"Pero wag ka magselos dahil ikaw lang ang nilibre ko ng Jollibee" sabi pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Dapat ba matuwa ako nun?!" Inis na sabi ko.

"Oo naman dapat ka matuwa dahil dadalhin kita sa paborito kong kainan" sabi niya.

"Jollibee favorite mo?" Tanong ko tumango naman siya.

"Simula bata ako paborito ko na ang Jollibee" sabi pa niya.

"Parehas tayo ng paborito nuh! Gustong gusto ko din ng Jollibee ang sarap ng chicken at ng hotdog dun" sabi ko pa.

"Kaya ko nga nagustuhan ang Jollibee dahil sayo eh" bulong niya pero hindi ko narinig ng konti.

"Ha?"

"Hatdog"

"Gago" sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ang dumi talaga ng bunganga mo baka gusto mo linisin ko yan gamit labi ko" sabi niya kaya natahamik ako.

"Ayaw ko na naririnig ka magmura. Ang mumurahin mo lang ay mga lalake na gusto ka lapitan naintindihan mo?" Sabi pa niya.

"Ewan sayo" sabi ko lang at tumingin sa labas

"Hoy naintindihan mo ba?" Inis na sabi niya.

"Aphrodite"

"Aphrodite hindi mo ba ako naririnig?" Halata na naiinis siya. Eh naiinis din ako bahala siya dyan pabebe muna ako.

"Aphro"

"Aphro baby" gulat akong napalingon sakanya ng tinawag niya akong baby. Si dale tinawag akong baby? Wait ano?!

"A-Ano sabi mo" gulat na sabi ko.

Ngumiti siya bago umiling.

"Wala" sabi niya. Hinampas ko siya sa braso.

"I'm driving aphrodite wag ka bigla namamalo" sabi pa niya.

"Tinawag mo ko na aphro baby narinig ko!!" Sigaw ko. Napangiwi siya sa sigaw ko.

"Aphrodite ang lapit ko sayo wag ka sumigaw" sabi niya.

"Eh tinawag mo nga kasi ako na aphro baby! Ulitin mo yun!" Inis na sabi ko kaya natawa siya

"Gaga hindi. aphro bingi sabi ko" natatawa na sabi niya. Napasimangot ako. Mali ba pagkarinig ko?!

"Talaga? Kala ko aphro baby sabi mo eh" inis na sabi ko.

"So gusto mo tawagin kita na aphro baby ha? Ikaw ha nako aphrodite masyado ka mabilis" sabi pa niya.

"Nahiya naman ako sayo ikaw nga bigla bigla umamin kagabi sakin eh!!" Inis na sabi ko.

"Kalma pulang pula ka na at kagabi kinilig ka naman nung umamin ako wag ka na dyan mainis." simpleng sabi niya lang kaya napanganga ako sa mga lumalabas sa bunganga niya. Tangina si dale ba to na kasama ko? Parang mas malala pa kay dash to!

"Hoy bumaba ka na dyan masyado kang inlove sakin natulala ka na dyan" napatingin ako sa kumakot sa bintana ng kotse. Si dale pala nasa labas na habang ako nakatulala lang. Ilang kahihiyan ba makukuha ko today?!

"Kapal ng mukha mo" sabi ko na lang paglabas ko at nauna maglakad

"Hindi makapal mukha ko nagsasabi lang ako ng totoo" sabi pa niya kaya inirapan ko siya.

"Bakit sobrang sungit mo? Ano nangyari sayo?" Sabi niya habang hinahabol ako. Tumigil ako at humarap sakanya.

"Eh ikaw nga ang harot mo! Ano nangyari sayo?!" Inis na sabi ko. Nakatitig lang siya sakin.

"Ano tangina titigan mo lang ako?!" Inis na sabi ko.

"Ang ganda mo kasi tara na. Wag mo susubukang magmura ulit hahalikan kita sa harap ng madaming tao" sabi niya habang hila hila ako.

Parang mahihimatay akos sa mga banat ni dale!

"Hoy wag ka masyado kiligin baka mahimatay ka dyan di kita bubuhatin iwan pa kita dyan" sabi niya kaya hinampas ko siya sa braso.

"Sino ba naman hindi kikiligin?!! Crush kita simula bata ako tapos ngayon yung mga banat mo grabe nakakahimatay" sabi ko pa. Napailing naman siya sakin.

"AYUSIN mo nga ang kain mo para kang isang linggo hindi pinakain gutom na gutom?" Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Masarap kasi! Saka kumain ka nga dyan wag mo ko titigan!" Inis na sabi ko. Kasi naman mula ata nag umpisa ako kumain nakatitig na siya sakin!

"Alam mo ba akala ko sa bar mo ko dadalhin" sabi ko kaya Napatingin siya sakin at kumunot ang noo niya.

"Why would I take you there?!" Inis na sabi niya.

"Syempre celebrate nga diba mag iinom tayo tapos party party—"

"Hindi kita dadalhin dun at hindi ka pupunta dun" sabi niya na parang sigurado siya na hindi ako pupunta.

"Pero sabi ni ate venus pag 18 na ako pwede na ako pumasok sa bar" sabi ko habang nakanguso. Nung narinig niya ang pangalan ni ate venus lalo nalukot ang mukha niya.

"Bat ba nakikinig ka kay venus? Si venus alam niya ang galaw sa bar hindi yun basta mauuto ng mga lalake sa bar kaya ganun pero kayo ni deana hindi kayo pwede dun delikado" sabi niya. Tinidnan ko siya ng masama.

"So uto uto tingin mo samin ng kapatid mo?!" Inis na sabi ko at kinagat ng malaki yung manok.

"Hindi naman sa uto-uto pero madali makuha yung loob niyo dalawa konting pakita lang ng kabaitan ng tao naniniwala agad kayo na mabait na kaya hindi kayo pwede sa bar hindi talaga. Sumunod ka kung ayaw mo ipasara ko ang bar na pupuntahan mo" mahabang sabi niya.

"Pero pangarap ko pumunta Bar sabi kasi ni ate venus baka dun ko makita yung para sakin talaga—"

"Tangina aphrodite Nandito na nga ako oh! Ako ang para sayo! Wag ka na maghanap hindi mo na kailangan pumunta ng bar dahil nandito na ako sa harap mo ako! Ako ang para sayo!" Sigaw niya kaya Napatingin samin yung mga katabi namin na nakain sa inis ko hinampas ko siya sa braso at pina upo nakatayo na kasi siya.

Ang weird. Galit siya pero kinikilig ako lalo kasi siya nagwapo pag nagagalit hihi.

"Tangina mo din kumalma ka pinagtitinginan ka na ng mga tao!" Inis na sabi ko. Umupo naman siya

"Ikaw nga. Lumalayo layo ka kay venus kung ano ano sinasabi sayo. Kay hestia ka na lang pero wag na kayo makipag date sa ibang lalake ha!" Sabi pa niya na parang tatay ko siya.

"Sige po tatay dale" sabi ko.

"Aphrodite" tawag niya na parang nagbabanta.

"Oo na bahala na depende"

"Isa aphrodite ha"

"Oo na nga kalma puso mo ikalma!" Inis na sabi ko at inirapan siya.

Cute niya talaga magalit hihi!





PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon