CHAPTER 34

471 11 1
                                    

APHRODITE'S

Gusto ko matawa sa nakabusangot na mukha ni deana.

"Sige tangina mo magpakasaya ka nakabawi ka ha" inis na sabi ni deana kaya natawa ako lalo.

Sino ba naman hindi magagalit third wheel siya samin ni dale ngayon. Oo siya third wheel ngayon samin ni daley baby ko. Boyfriend ko na si dale eh— charot manliligaw ko pa lang si dale nagpapakipot pa ako. Pero totoo gusto niya manligaw muna tapos ako gusto ko jowain agad siya kaso gusto niya ligaw muna tangina yun.

"Oh ano nanaman iniisip mo dyan" bulong ni dale. Nanonood pala kami ngayon. Kaming tatlo lang nasa bahay jusme si dash ewan ko dun lagi wala. Tapos ito si deana nakasimangot wala kasi boyfriend niya wawa.

"Iniisip ko kung bakit ayaw mo agad ako jowain! Hindi ka pa nanliligaw sinasagot na kita ayaw mo nun!" Inis na sabi ko.

"Tangina aphrodite sobrang rupok mo hayaan mo manligaw yan si dale sagutin mo next year!" Sabi ni deana.

Usapan din namin next year ko na lang daw siya sagutin liligawan niya lang muna daw ako ngayon. Eh gusto ko nga sagutin na siya eh!

"Deana ang bunganga mura ka nang mura" suway ni dale kay deana kaya lalo sumimangot si deana. Tumingin naman sakin si dale.

"Kulit mo talaga aphrodite hindi ba sabi ko next year mo ako sagutin next year aphrodite may next year pa" natatawa na sabi ni dale at kumain ng popcorn na hawak ko.

"Edi wow!" Inis na sabi ko

"Nasan ba kasi si dash! Ginagawa niyo Kong third wheel dito sa bahay! Bakit hindi na lang kayo lumayas gumala kayo dun kayo maglandian!" Inis na sabi ni deana.

"Magandang idea yan" sabi ni dash at hinila ako patayo.

"San tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta halika iwan natin si deana dito" sabi ni dale at hinila ako palabas.



"ANO gagawin natin ulit dito sa lugar na to?" Ito yung pinuntahan namin na dulo ng street yung may magandang view.

"Nakikita mo tong nasa harap natin?" Tanong niya.

"Daley baby hindi ako bulag malamang kita ko wala nagbago puro damo at magandang view nakikita ko. Ano meron?" Tanong ko.

"Nabili ko tong lupa na to" simpleng sabi niya.

"Oh nabili mo lang— ha?! Nabili?! Nabili mo na to?! Weh?!" Gulat na sabi ko. Inakbayan niya naman ako at hinalikan sa noo. Syempre kinilig naman ako!

"Dito tayo gagawa ng sarili natin na pamilya. Magpapatayo ako dito ng bahay pag nakapagtapos ka na papakasalan kita syempre tapos dito tayo titira." Habang nagsasalita siya nakatingin ako Sakanya. Naiiyak ako eh. Hindi ko akalain na mamahalin niya ako.

Napatingin siya sakin. Nagulat siya ng makita niya ako na naiyak.

Pinunasan agad niya ang luha ko.

"why are you crying?" Tanong niya kaya lalo ako naiyak.

"Aphrodite bakit? Ayaw mo ba magpakasal sakin? Ayaw mo ba gumawa tayo ng pamilya sa future kaya ka naiyak? Sabihin mo naman kinakabahan ako sayo eh" sabi niya habang pinupunasan pa din ang luha ko.

"Baliw" natatawa na sabi ko at hinampas siya.

"Tangina. Ako pa baliw eh ikaw nga bigla ka naiyak tapos bigla natawa" sabi ni dale kaya lalo ako natawa.

"Kasi naman eh! Hindi naman sa ayaw kita pakasalan. Natutuwa lang ako kasi kasama ako sa mga plano mo para sa future mo. Nakakatuwa kasi kasama ako sa pangarap mo. Hindi ko akalain na mamahalin mo ako kaya naiiyak ako" sabi ko at niyakap siya.

"Bago mo ko magustuhan mahal na kita. Bata pa lang tayo gusto na kita ipagdamot. Masaya ako dahil kasama kita ngayon" sabi niya.

"I love you dale" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Te amo mas Aphrodite" sabi niya.

"Ha?" Ngumiti siya sakin.

"Sabi ko I love you more aphrodite" sabi niya.

"Eres el amor de mi vida aphrodite" dagdag niya.

"Ano naman yun?" Tanong ko. Hinalikan niya ang noo ko.

"You are the love of my life" sabi niya.

"Mi vida" sabi niya pa.

"Dale" tumaas kilay niya parang nagtatanong habang sinusuklay suklay niya ang buhok ko.

"Hmm?"

"Ilang anak gusto mo?" Tanong ko. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Pero sinagot pa din niya.

"Depende kung ilan kaya ng asawa ko eh. Eh ikaw ba ilang anak gusto mo?" sabi pa niya.

"Depende kung ilan kaya mo" sagot ko naman kaya napangisi siya at umiling iling pa.

"Halika na nga umuwi na tayo puro ka kalokohan" sabi niya at hinila ako.

"Wait dale!" Napatigil siya maglakad at lumingon sakin.

"Bakit?"

"Daan tayo puntod ni ate Amphitrite" tumango naman siya sakin bago hinila ako papasok ng kotse.



PAGDATING namin sa sementeryo nakita ko may bulaklak na sa puntod niya.

"Oh may bulaklak na sa puntod ni ate Amphitrite" sabi ko.

"Baka kaibigan ng ate mo" sabi ni dale kaya tumango na lang ako. Oo nga baka binibisita siya ng kaibigan niya.

Lumapit kami sa puntod ni ate at sinindihan ang kandila na binili ko at nilapag ang bulaklak na binili namin para sakanya.

"Ate Amphitrite hello. Gusto lang kita bisitahin miss na kasi kita eh. Gusto ko pa sana makipag usap sayo makipag kwentuhan sayo dahil miss na miss kita pero kinuha ka niya agad sakin. Ikaw na nga lang ang pamilya ko kayo ng pamangkin ko tapos nawala pa kayo sorry ate hindi kita nabalikan ha hihingi dapat ako tulong eh kaso sumabog na yung bahay kung nasaan ka. Sana masaya ka kung nasan ka man ngayon. Magkasama sana kayo ni mama Hillary dyan yakapin mo si mama Hillary para sakin ate ha. Hindi ko man nasabi sayo pero love kita ate ha." Umiiyak na sabi ko. Niyakap ako ni dale.

"Shh. Panigurado masaya na ate mo dahil iniligtas ka niya. Wag mo sisihin ang sarili mo aphrodite" sabi ni dale habang hinahaplos haplos niya ang buhok ko.

Tumingin ako sa puntod ni ate Amphitrite.

"Tidnan mo ate Amphitrite bati na kami ni dale. Pinatawad ko lang naman si dale kasi sabi mo eh hindi ko naman talaga papatawadin to kung hindi mo lang sinabi—"

"Aphrodite naman" sabi ni dale kaya natawa ako at niyakap siya ng mahigpit.

"I love you daley baby" sabi ko. Hinalikan niya ako sa noo.

"I love you more aphro baby" sabi niya kaya kinilig naman ako. Minsan lang ako tawagin na aphro baby niyan eh pabebe hihi.

Masaya ako dahil nakilala ko ang mga Trevino. Masaya din ako dahil nakilala ko si dale. Pero mas masaya ako dahil mahal din ako ni dale. Wala na ako mahihiling pa.



PAVOTEEEEE THANK YOUUUU!

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon