CHAPTER 16

399 18 0
                                    

APHRODITE'S

Hmm sarap ng juice nila!

Habang natingin tingin ako sa paligid nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko

"Hoy"

"Ay putangina!" Gulat na sabi ko kaya pinitik niya ang noo ko.

"Aray!! Mapanaket ka dale?!" Inis na sabi ko at hinawakan ang noo ko. Sakit nun ah.

"Bat kasi nagmumura ka?" Sabi niya.

"Eh kasi ginugulat mo ko ilang araw ka na sunod nang sunod sakin! Stalker ka ba?! Or type mo na din ako? Okay lang yan daley baby sasagutin agad kita pag nanligaw ka" sabi ko at ngumiti sakanya.

"Kapal ng mukha mo halika samahan mo ko" sabi niya at hinila ako.

"Hala san tayo pupunta?! Hindi pa ako ready!" Madrama na sabi ko.

"Gaga ang dumi ng isip mo samahan mo lang ako mag breakfast hindi niyo ko inantay kanina wala ako kasabay" sabi niya at hinila ako. Napatingin ako kay hestia na nakangiti na parang kinikilig samin. Katabi niya si jovanni na nakasimangot at nakatingin sa malayo pati din si hypnos na nainom ng juice at tumitingin sa paligid.

"Eh kasi naman tagal mo gumising gutom na sila kaya nauna na sila" sabi ko habang hinihila niya ako. Wait kinikilig ako shit!

"Tsk kaya samahan mo ko" sabi niya at pumasok kami sa restaurant at umorder siya

"Ikaw ano gusto mo?" Tanong niya sakin.

"Ikaw.." wala sa sarili na sabi ko. Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Teka ano ba sinabi ko?

"Ay gago! Ay I mean ikaw na lang kumain meron pa ako juice oh!" Sabi ko at ininom yung juice ko.

"Kalma aphrodite ako lang to" sabi ni dale kaya napasimangot ako.

"Bat bigla ka bumait sakin?" Inis na sabi ko. Nakakapag taka naman kasi diba!

"Wala lang. Narealize ko na hindi dapat kita sinisisi sa nangyari na yun. Saka matagal na yun dapat na nga kalimutan yun" sabi niya at tumingin sa tanawin sa labas.

"Ahm pwede ko ba matanong kung anong pangyayari yun bakit mo ko sinisisi?" Sabi ko.

Hindi siya sumagot mukhang ayaw niya sabihin.

"S-Sige wag na mukhang hindi ka pa handa sabihin eh" sabi ko. Aba mahirap na baka mag sungit ulit to.

"So san ka pupunta pagkatapos natin dito?" Tanong niya.

"Hahanap ako ng pogi" natutuwa na sabi ko kaya napakunot ang noo niya.

"Bat ka pa hahanap eh nandito naman ako. Pogi din ako" sabi niya kaya natawa ako.

"Gagi joke lang eh sasama ako kay hestia mag swimming kami sa pool area nila dito" sabi ko at ngumiti sakanya.

"Sasama ako" sabi niya at mukhang tapos na kumain at tumayo.

"Teka bakit?!" Sabi ko at sumunod sakanya palabas ng restaurant.

"Bakit ayaw mo? May tinatago kayo ni hestia nuh?" Sabi niya. Gagi si hestia kasi sabi niya hahanapan niya ako ng kaharutan sa may pool area para makalimot daw ako sa pagmamahal ko kay dale! Kaya hindi siya pwede pumunta baka nandun yung irereto ni hestia!

"Hoy kapal wala ah!" Sabi ko kahit natataranta na talaga ako.

"Oh really Aphrodite?" Pang aasar ni dale at naglakad.

Omyghad ka dale!

"Aphrodite pag lalo mo pinipigilan lalo lang ako di magpapapigil sayo kasi alam ko may kalokohan kayo ni hestia" sabi niya at naglakad ng mabilis.

Tangina! Hestia!! Hindi ko dala cellphone ko dahil maliligo nga kami di ko tuloy matawagan si hestia.

"Shit daley baby wait!" Sigaw ko dahil malayo na siya sakin.

'ang gwapo nung lalake'
'bagay sila nung girl nuh?'
'nagtatampo siguro si boy kay girl sana ol may sinusuyo na boyfriend'
'mga gaga eh hindi naman sila bagay nung girl'

Rinig ko sabi ng babae na nadaanan ko.

Tangina mga chismosa. Ay chismosa din pala ako.

"K-Kuya dale" gulat na sabi ni hestia.

"So kaya ako pinipigilan ni aphrodite dahil may kadate kayo at hindi namin alam to?" Mahinahon pero galit na sabi ni dale habang nakatingin sa dalawang lalake na katabi ni hestia na mukhang kaedad namin. Sayang gwapo pa naman charot loyal pala ako.

"Hoy hindi kaya kita pinipigilan assuming to" sabi ko pa kahit halata naman pinipigilan ko siya.

"Ah talaga ba aphrodite?" Sabi niya at tumingin sakin ng masama. Hindi naman mabiro to!

"Kuya dale friends ko pala" sabi lang ni hestia.

"Friends huh" sabi ni dale at tumingin sa dalawang binata. "Hoy saka na kayo manligaw kung kaya niyo pumatay ng tao—" 

"KUYA DALE!" inis na sabi ni hestia.

"Hoy hestia umayos ka ha gusto mo isumbong kita kay daddy?!" Napatingin kami sa bagong dating na si kuya hypnos.

"Eh kaibigan lang naman namin sila bat kasi kailangan pa takutin sila!" Inis na sabi ni hestia.

"Ano meron?" Napatingin ako kay deana na bagong dating kasama syempre yung jowa niya lagi naman magkasama yan jusme.

"Ito si aphrodite at hestia nakikipag date!" Sabi ni hypnos.

"Aba taena bat nadamay ako" sabi ko at tumingin sa sahig. Ano to pader? Ay sahig pala to.

"Edi ayos yun diba? Atlis may lovelife na si aphrodite at hestia" sabi ni deana. Good yan deana my friend ipagtanggol mo ko!

"17 pa lang sila!" Inis na sabi ni dale

"Hep hep! Turning 18 na nga ako kulit!" Inis na sabi ko.

"Kahit na! Itigil niyo na yan. Kayo mga lalake kayo alis! Bumalik kayo kung kaya niyo palamunin itong kapatid ko na matakaw!" Sabi ni hypnos.

"Kuya naman!"

"Shut up Hestia ha baka gusto niyo si kuya jupi kumausap sainyo papauwiin kayo agad sige" sabi ni kuya hypnos kaya natahamik na lang din ako.

"Oh ikaw san ka pupunta?!" Sita sakin ni dale.

"Tatae ako sama ka?!" Inis na sabi ko. Nakita ko na namula si dale habang si deana at cloud ay tumawa.

"Tae well girl" Sabi ni deana at tumawa may pahampas hampas pa kay cloud.





PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!!





UNWANTEDWhere stories live. Discover now