CHAPTER 12

385 19 1
                                    

APHRODITE'S


Ilang araw na lang graduation na namin. Isang linggo wala kami pasok dahil para makapag handa daw sa graduation at recognition na magaganap. Hindi ako kasama sa with honors dahil hindi naman ako sobrang talino kaya hanggang 89 na total average lang kinaya ko. Pag 90 kasi total average mo saka ka lang makakapasok sa with honors. Pero may medal ako dahil nanalo ako sa sport na badminton kaso yun lang medal ko nakakahiya kayna tito.

mukhang Hindi na ako bibili ng dress dahil madami naman bigay si ate venus sakin at yung ibang magpipinsan madami na din bigay sakin.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may nag chat sakin.

LOLO HENDRICK:

oy nandito na si papa punta ka bilis may pasalubong din sayo si papa eh

Napatawa naman ako sa chat niya parang ayaw niya na may pasalubong ang tatay niya sakin gago to. Ang bait ng papa ni Hendrick na si Mr. Morris sabi niya nga kung hindi sana ako inampon ng mga Trevino baka siya daw aampon sakin para daw may anak siya na babae.

ME:

sige lolo Hendrick wait lang!

Malapit lang naman ang bahay nila sa condo na tinitirahan ko kaya mabilis lang ako na nakarating.

"Hello!! Hii!! Good morning!!" Masayang bati ko sa pamilya morris.

"Aphrodite good morning ang ganda ganda mo talaga na bata" sabi ng mama ni Hendrick.

"Ano ba tita kinikilig ako I know tita Maganda ako mana ako sayo eh hihi" sabi ko at humagikhik.

"Sus aga aga nagbobolahan kayo dyan" napatingin ako kay Hendrick na pababa ng hagdan nila at mukhang bagong ligo.

"Yo what's up lolo Hendrick" pang aasar ko sakanya. Inirapan niya lang ako.

"Hija buti nakarating ka" napatingin ako sa may kusina nila nandun si Mr. Morris.

"MR. MORRIS!! dalawang buwan ka nawala dito namiss kita!" Sabi ko at niyakap siya.

"Hay nako wala ka pinagbago magandang bata at madaldal ka pa din" sabi niya habang natawa.

"Syempre naman Mr. Morris ako pa maganda talaga ako nuh" sabi ko.

"Diba sabi ko sayo tawagin mo akong tito henry na lang dahil parang anak na kita" sabi pa niya. Nasanay kasi ako na Mr. Morris ang tawag sakanya dahil yun din tawag ng mga Trevino sakanya.

"Ihh! Ang cool kaya pag tinawag kita na Mr. Morris kaya yun na lang itatawag ko sayo" sabi ko.

"Oh siya sige na halika sa kusina nagluto ako ng isa sa paborito mo na pagkain" sabi niya

"Waaahh! Favorite food ko?! Ano yun? Adobong manok ba?!" Excited na sabi ko. Lalo ako natuwa ng tumango si Mr. Morris.

"Ay malamang masarap yun tara kain na tayo!" Masigla na sabi ko.

"Ang dami mong energy nuh? Kanina ka pa tili ng tili para kang tanga" inis na sabi ni Hendrick.

"Ikaw nga parang may regla bad mood ka today" sabi ko at inirapan siya.

PAGKATAPOS namin kumain ng lunch sinama ako ni Hendrick papunta sa Trevino mansion may pupuntahan daw sila ni dale maiwan muna daw ako sa mansion tsk pwede naman sa condo na lang niya ako ihatid diba.

"Uyy sa condo mo na lang ako ihatid okay lang ako dun" sabi ko pa.

"Sabi ni deana isasama ka nila sa pamimili ng dress para sa graduation okay kaya ihahatid kita dun" sabi pa niya. Edi wow.

UNWANTEDWhere stories live. Discover now