CHAPTER 29

318 14 4
                                    

APHRODITE'S

Tagal naman niya.

Tumayo na ako para sundan siya sa labas. Paglabas ko nakita ko siya kausap si isabella sa tabi ng isang kotse. Sa hindi ko alam na kadahilanan kinabahan ako.

Nag tago ako sa puno na malapit sakanila sapat na para marinig sila.

"Tangina naman eh" rinig ko na sabi ni dale na parang namomoblema siya.

"Madali lang naman gagawin mo sabihin mo na planado yung pagiging malapit niyo. Sabihin mo na ako nagplano! Sabihin mo nilapitan mo lang siya dahil utos ko! At sabihin mo sakanya na buntis ako!" Sigaw ni isabella pero rinig na rinig ko

"Eh hindi naman totoo—"

"Niloloko niyo ko?" Mahinang sabi ko pero sapat para marinig nila. Nakita ko ang gulat sa mukha ni dale pero si isabella ay wala reaksyon.

"At para sa kaalaman mo, bata. Kaya galit sayo si dale dati. Dahil sinalba ka ng nanay niya mula sa baril tinamaan sa ulo, puso at sa may bandang tagiliran ang nanay niya dahil sayo sinalo niya ang bala para sayo. Kaya naghihiganti si dale galit siya sayo!"

"Shut up isabella! Alam natin na hindi totoo yan!" Sigaw ni dale. Tumingin sakin si dale na parang iiyak

"Aphrodite makinig ka—"

"Nilapitan mo ko dahil utos niya? Tapos galit ka din sakin dahil sinalo ng mommy mo yung bala para sakin? Dale kung may isip ako nun siguro ihaharang ko sarili ko para lang hindi mamamatay mommy mo." Naiiyak na sabi ko.

"Aphrodite—"

"ANG SAMA SAMA MO! WALA NAMAN AKO IBANG GINAWA KUNDI MAHALIN KA LANG EH! PANO MO NAGAWA TO!! GAGO KA!!!" sigaw ko at tumakbo paalis dun.

Ang sakit kasi hindi man lang niya ako pinigilan. Ang sakit kasi hindi man lang siya sumunod. Ang sakit sakit naman neto. Hindi ko ba talaga deserve sumaya?

Habang natakbo ako nagulat ako ng may humintong van sa harap ko at bigla ako hinablot.

"Matagal ka na hinahanap ni boss tinatago ka lang pala nila" sabi nung humawak sakin

"Ahhh!!" Sigaw ko at pilit kumawala sakanila. Bigla nila akong sinuntok sa sikmura kaya nanghina ako.

Tulong...


DALE'S

Tumakbo paalis si aphrodite. Hahabulin ko sana siya ng pigilan ako ni isabella pero tinanggal ko yun.

Binuksan ko ang cellphone ko at tinext si Hendrick na hanapin si aphrodite dahil bigla ito tumakbo.

"Dale—"

"Putangina isabella wag mo ko hawakan! Sana masaya ka na nasaktan si aphrodite!" Sigaw ko sakanya.

"Deserve niya yun—"

" Deserve niya? Deserve ni aphrodite maging masaya! Kaya wala nagmamahal sayo dahil dyan sa ugali mo! Sarili mong kapatid sasaktan mo?! Dahil ano?! Inggit ka?! Tanga mo" sigaw ko sakanya kaya sinampal niya ako.

"Oo na! Inggit ako sakanya! Nakatakas siya sa impyernong bahay na yun dahil natakas siya ng papa mo! Nakatakas siya sa kamay ni papa! Pero ako? Hanggang ngayon sunod sunuran sakanya!" Sigaw niya sakin. Wala ako pake sa nararamdaman niya tangina niya.

"At ano yung sinasabi mo na buntis ka eh wala naman nangyari satin! Bobo ka ba!" Inis na sabi ko.

Plinano ni isabella ang lahat ng to dahil gusto niya daw saktan si aphrodite. Nung tumanggi ako sabi niya isusumbong niya sa papa niya na nahanap na niya si aphrodite at ano man oras ay pwede na patayin. Dahil nangako ako kay aphrodite nung bata kami na poprotektahan ko siya sa mga mananakit sakanya naging sunod sunuran ako kay isabella. Para lang hindi niya isumbong na nasa amin si aphrodite. Balak nila patayin si aphrodite dahil nasa kanya lahat ng mana ng mama niya sobrang yaman na pamilya ang meron ang mama niya at nag iisang anak siya kaya sakanya pinamana lahat.

"UMALIS KA NA!!" sigaw ko at tinulak siya kaya natumba siya. I'm sorry. Nanonood si isabella para sayo to aphrodite I'm so sorry ayaw ko bumalik ka sa pamilya mo.

"Dale! Ano ba!" Napatingin ako sa paparating galing sa loob ng mall si deana nakasunod si cloud.

"Kausapin mo yang kaibigan mo ha deana" sabi ni ko at pumasok sa loob ng mall.

"Good job dale. Kita mo talaga yung sakit sa mata niya oh ganyan pala magmahal ang Kapatid ko" sabi niya at tumawa tawa pa.

"Punyeta ka" inis na sabi ko at umalis dun.

Sa tuwing lumalapit sakin si aphrodite pinapalayo ko siya dahil sa tuwing lalapit siya sakin lagi siya nasasaktan. Pag nasasaktan siya nasasaktan din ako.

"Akala ko ba tapos na! Akala ko ba okay na?! Kaya ka nakipag hiwalay diba! Bakit mo naman ako sinisiraan kay aphrodite?!" Siya ang nakipag hiwalay ayaw na daw niya hahayaan na daw niya ang kapatid niya na sumaya pero bakit?!

"Dahil naiinis ako kay aphrodite!" Sigaw niya.

"Tangina na dahilan yan!" Sigaw ko sakanya.

"Naiinggit ako! Naiinggit ako dahil kahit wala siya gawin siya pa din ang priority ni dash!" Sigaw niya kaya nagulat ako pero hindi ko na lang pinansin.

"Mahal ko yung kapatid mo Amphitrite ano ba. Bat sinasaktan mo siya." Umiiyak na sabi ko. Bigla parang natauhan siya na ewan basta bwisit ako sa pagmumukha niya.

Iris Amphitrite Makris totoo niya na pangalan hindi isabella. Half sister ni aphrodite.

"Hindi mo ba alam kung gano kasabik ang kapatid mo sa tunay niya na pamilya? Nakalimot siya nung nangyari sakanya nung 8 years old siya! Dahil sa takot at trauma ng kapatid mo pinilit kalimutan ng utak niya yung mga nangyari na yun! Hindi ka niya kinalimutan! Nakalimutan ka niya dahil sa trauma dyan sa tanginang ama mo! Ang sabi ni daddy kita daw ng dalawang mata ni aphrodite kung pano pinatay sa harap niya ang mama niya!" Sabi ko. Sinasabi ko sakanya to ngayon baka magbago pa isip niya baka mahalin pa niya si aphrodite.

Napatigil kami sa pag aaway ng mag ring ang phone ko. Si Hendrick.

"Hello?"

"Boss nakidnap si aphrodite sinusubukan namin hanapin ang location. Boss si aphrodite iligtas natin" sabi niya tumango tango ako. kahit takot na takot ako. Si aphrodite. Ayaw ko maranasan niya ulit yung naranasan niya sa papa niya.

"Magpatulong ka sa mga pinsan ko hanapin ang location. Yung mga tauhan kumuha ka. Kunin niyo si Alejandro Makris ako mismo papatay sakanya" sabi ko at binaba ang tawag.

Nilapitan ko si Amphitrite or isabella ah basta putangina at sinakal siya

"Kinidnap si aphrodite at sigurado ako na ama mo ang may pakana neto kasabwat ka diba? Lumayo layo ka na bago kita isunod sa ama mo pag napahamak si aphrodite wag ka magpapakita sakin" sabi ko at iniwan siya dun. Kita ko ang gulat sa mukha at parang pagsisisi ewan dyan basta bwisit siya

Antayin mo ko Aphrodite papunta na kami kapit ka lang.






PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH HSHSHS!

UNWANTEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن