CHAPTER 15

426 17 1
                                    

APHRODITE'S

"Tara na!! Bilis aphrodite tagal mo magbihis" sigaw ni deana at kinakatok ako sa cr.

"Ito na tangina madaling madali?!" Sigaw ko din at lumabas.

Paglabas namin agad kami pumunta sa dagat nandun na din yung ibang magpipinsan.

"Cloud!" Tawag ni deana kaya lumapit samin si cloud.

"Ang saya ng pamilya mo ang bait pa. Si kuya Jupi at Jaxson lagi ko kausap minsan si Hypnos" kwento ni cloud. Napangiti ako dahil mukhang tanggap na nila si cloud agad. Mababait naman kasi ang Trevino.

"Buti naman! Kala ko susungitan ka nila eh" sabi ni deana at tumawa.

"Tangina ganyan ba pag nagkajowa ka pala puro ka tawa at hagikhik jusko" sabi ko sakanya kaya tinidnan niya ako ng masama.

"Wala ka kasi jowa kaya ganun. Tara cloud mag date muna tayo hayaan mo humarot si aphrodite dyan" sabi niya at iniwan ako hinila si cloud na kumakaway sakin.

"Galingan mo sa pagharot aphrodite!" Pahabol pa ni cloud.

"Mga Gago!" Sigaw ko sakanila.

"Hoy! Aga aga ang lutong ng mura mo" sabi ni hestia sakin at tumawa

"Eh tangina kasi si deana makasabi ng wala akong boyfriend porke may boyfriend siya eh!" Inis na sabi ko kaya tumawa siya

"Nako! Tara na nga mag swimming hahanap tayo pogi para maging jowa mo" sabi niya habang natawa. Happy si hestia tawa ng tawa.

"Ate venus!! Nandito na kami!" Sigaw ni hestia at hinila ako sa may tubig. Napatingin ako sa paligid wala si dash at dale baka hindi pa sila nababa yung ibang magpipinsan din wala pa baka gumala.

"Oh halika kayo dito mag swimming na kayo!" Sabi ni Hecate. Nandun din si jovanni, si hypnos at kuya Jupi

"Wow ang sexy mo naman ate venus!" Puri ko sakanya kaya natawa siya at nag pose pose pa sa harap ko na parang model. Ang ganda ng katawan niya bagay talaga sakanya yung pagiging model niya. Naka suot siya ng two piece red bikini.

"Yeah I know. wag kayo mag alala pag nasa edad na 18 na kayo ako mismo bibili ng bikini niyo!" Sabi ni ate venus at tumawa.

"Ay malapit na ako mag 18 ate hihi" sabi ko pa.

"Kung ano ano tinuturo mo sakanila" sabi ni hecate.

"Sus! Ikaw nga pinapasuot din kita ng bikini ngayon pero ayaw mo!" Sabi ni ate venus kay Hecate.

"Dahil nakakahiya nga venus" sabi ni hecate.

"Hiya hiya ka dyan! Ang sexy sexy mo tapos tinatago mo lang!" Sabi ni ate venus natawa lang si hecate.

"Tara paunahan? Dun sa may bandang bangka na yun oh" sabi ni hestia sakin kaya tumango ako.

"Kung sino natalo hahanap ng kaharutan dito sa resort game?!" Sabi niya.

"Hoy hoy anong kaharutan kayo dyan tigilan niyo yung ganyan iba na lang" sabi ni kuya hypnos.

"Lagot ka kay kuya hypnos" sabi ko at tumawa pero umirap lang siya.

"Magpapaunahan na lang kami ayaw kasi pumayag ni kuya humarot kami bwisit" sabi ni hestia kaya natawa ako.

"Syempre charot lang yun. Yung deal natin ha ang matalo" bulong ni hestia sakin kaya natawa ako.

"Sige mag ingat wag sa malalim ha aahon muna ako" sabi ni kuya hypnos at sumunod sakanya si kuya Jupi.

"Wag makikipag harutan girls okay? Delikado" sabi ni kuya Jupi at sumama kay hypnos.

"Oh ikaw ano pa ginagawa mo dito?" Sabi ni ate venus kay kuya jovanni.

"Tsk" sabi lang ni jovanni at lumangoy.

"Tidnan mo yun ang bastos na bata" sabi pa ni ate venus.

"Gaga kasing edad mo si jovanni maka sabi ka ng bata dyan" sabi ni hecate at tumawa.

"Pake ko!" Sabi ni ate venus at lumangoy na din. Napailing naman si hecate.

"Oh ano na aphrodite game ka na!" Sabi ni hestia kaya tumango ako at nagpaunahan na kami.

"Shit! Nauna ka talo ako bwisit!" Inis na sabi niya.

"HAHAHA yung deal natin gawin mo ginusto mo to eh" sabi ko.

"Fine!" Inis na sabi ni hestia at umahon na sa dagat lumapit siya sa may bar counter at may nilapitan na lalake.

Napatingin ako sa mukha ni hestia na humahanga sa mukha nung lalake. Mukhang 18 years old yung lalake hula ko lang. Pagkatapos niya makipag usap tumakbo na si hestia palapit sakin at hinila ako paalis dun.

"Oh ano na may kaharutan ka na?" Natatawa na sabi ko.

"Gaga! Crush ko na senior high samin yun! Nakakahiya! Buti na lang mabait!" Sabi niya at kinamot ang kilay niya na parang inis na inis

"Wait nga iihi ako dun ka muna kay'na ate hecate" sabi ni hestia at umalis. Imbes balikan ko si hecate naglakad lakad na lang ako sa resort.

May nakita akong bata na inaayos yung tali niya sa buhok.

"Nakakainis naman to!" Reklamo niya kaya napangiti ako.

"Hi baby girl!" Bati ko sakanya kaya Napatingin siya sakin at ngumiti.

"Hello po ate ganda!" Sabi niya

"Need mo ng help?" Tanong ko kaya tumango siya.

"Opo hindi ko po matali hair ko nagulo ko po siya naglalaro po kasi kami ni rocky" sabi niya at tinuro yung hawak niya na aso.

"Okay baby girl si ate ganda na magtatali sayo" sabi ko.

"Talaga po?! Thank you po!" Sabi niya at nagpaipit ng buhok sakin.

"Ayan tapos na pretty ka na ulit!" Sabi ko at hinawakan yung pisnge niya. Ang cute!

"Thank you ate ganda alis na po kami baka hinahanap na ako ni mama bye po ingat ka po!" Sabi niya at tumakbo kasama ang aso niya.

"Ahm hi miss!" Napatingin ako sa lumapit sakin mukhang 20 siya at playboy halata naman tinidnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Are you done checking me out?" Nakangisi na sabi niya. Tanginang playboy to. Ngumiti na lang ako ayaw ko naman maging masama sakanya.

"Ano po kailangan niyo kuya?" Nakangiti na sabi ko.

"Bro kuya daw" sabi ng isa sa mga kaibigan niya at tumawa sila.

"Maka kuya ka naman 20 pa lang ako. Ikaw mukhang 18 or 19 ka pa lang din diba?" Sabi niya at ngumiti. Sabi na 20 siya eh.

Madami talaga nagkakamali ng hula sa edad ko masyadong matured kasi mukha ko bwisit

"Kuya kung kalandian kailangan mo hindi ako interisado at bata pa po ako ayaw niyo naman siguro makulong? sige po bye" sabi ko at umalis dun.

"Buti naman lumayo ka sa mga lalake na yun delikado sila" nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko

"Ay putangina!" Gulat na sabi ko. Biglang sumama tingin niya sakin. Ay shit bawal pala kami magmura!

"Aphrodite diba sabi ko wag ka magmumura" sabi niya mukhang galit siya pero mahinahon naman boses niya.

"E-Eh kasi naman eh! Bat kasi bigla bigla ka nasulpot!" Inis na sabi ko

"Subukan mo lang nagmura ka ulit o kumausap ka ng ibang lalake..." sabi niya habang nakatingin sa mata ko Parang may gusto pa siya idagdag na sabihin kaso umalis na siya nauna pa sakin.

Tangina sino yun? Parang kabote kung san san bigla nasulpot.





PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!

UNWANTEDWhere stories live. Discover now