CHAPTER 23

326 14 0
                                    

APHRODITE'S

Tatlong araw. Tatlong araw ako hindi pinapansin ni dale?! Ewan ko dun pagkatapos namin kumain sa Jollibee nagyaya umuwi dahil nawalan daw siya ng mood.

"Baka naman kasi mag ginawa ka na hindi niya nagustuhan" sabi ni faye. Nandito kami sa may pool area ng mansion nandito din sa faye may pasalubong siya samin kaya nandito siya

"Baka nagpapasuyo lang si dale sayo girl suyuin mo!" Sabi naman ni deana at kinain yung chocolate na dala ni faye.

"Baka nagbago isip niya na hindi ka na niya gusto kaya ganun" pang aasar ni faye kaya hinampas ko siya kaya napadaing siya.

"Aray ha di ka mabiro" inis na sabi niya.

"Ano ba kasi huling usapan niyo ni dale bat ganyan siya" tanong ni deana.

"Sinabi ko lang naman sakanya na dadalhin ako ni ate venus sa bar pag 18 na dahil baka daw dun ko mahanap ang para sakin sumigaw pa nga siya nung sinabi ko yun sabi niya bat pa ako maghahanap nandun na daw siya eh sinabi ko ba maghahanap ako-"

"Shh. Wait aphrodite ha! So nainis siya dahil maghahanap ka ng ibang lalake sa bar pag 18 ka na?" Tanong ni faye.

"Aba malay ko"

"Jusme aphrodite" sabi lang ni faye.

"Tangina bakit ba?!" Inis na sabi ko.

"Baka nagselos yun dahil maghahanap ka pa din ng iba kahit nandyan siya ganun! Bat naman kasi maghahanap ka pa nandyan nga naman siya!" Sabi ni faye. Napanganga ako sa sinabi ni faye.

"Gago si dale magseselos?! Seryoso ka ba?! Si dale ang usapan dito ha" sabi ni deana na parang hindi naniniwala na magseselos si dale.

"Eh syempre sabi nga ni aphrodite may gusto si kuya dale sakanya malamang magseselos yun nasa lahi niyo ata kasi yung pagiging seloso at selosa eh" sabi pa ni faye kaya napakunot ang noo ni deana.

"Hoy hindi ako selosa" sabi ni deana.

"Ah kaya pala makita mo lang na may kausap na ibang babae si cloud nag iinit agad ulo mo" pang aasar ni faye kay deana.

"Tangina wag mo na kasi itanggi selosa ka talaga deana" sabi ko kaya hinampas niya ako.

"Arayy ouchie" pag iinarte ko.

"Tangina niyo dalawa" sabi ni deana kaya natawa ako kasi nainis ko nanaman siya.

Napatingin ako sa loob ng bahay ng mapadaan si dash na may dalang bola.

"Uy! Uy! Dash! Kuya dash!! Dash!!" Sigaw ko kaya napatigil siya at tumingin samin.

"Ano?!" Sigaw niya din.

"Lalaro ka? Sama kami! Boring dito!" Sabi ko at hinila sina faye patayo.

"Syempre kasama din ako" napatingin ako sa katabi ni dash.

"PUTANGINA HENDRICK!!!" masaya na sabi ko at yumakap sakanya.

"Miss na miss mo nanaman ako" natatawa na sabi niya.

"Gago tagal mo nawala! Pasalubong ko!!" Sabi ko at yakap pa din siya.

"Sorry na sinama kasi ako ni papa pero may pasalubong ako sainyo ni deana bigyan niyo na din si faye" sabi niya at may binigay sakin.

"Yown! May pasalubong hihi thank you lolo Hendrick!" Sabi ko at niyakap muna ulit siya bago tinidnan ang pasalubong niya.

"Uy gaga hati hati daw tayo dyan mamigay ka!" Bulong ni deana kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ito na tangina tinitidnan ko lang eh" sabi ko at binigyan sila ni faye.

"Naka uwi ka na pala" napatingin kami sa bagong dating na si dale na masama ang tingin kay Hendrick.

UNWANTEDWhere stories live. Discover now