CHAPTER 33

369 9 0
                                    

APHRODITE'S


Habang nasa gitna ako ng masarap na tulog may naramdaman ako na may humahaplos sa buhok ko.

Teka may humahaplos sa buhok ko?!

Bigla ako Napadilat at napatingin kay dale na nakangiti habang nakatingin sakin. Pogi neto kahit dami sugat oh.

"Tangina gumising ka din! Akala ko hindi ka na gigising eh nawalan ka lang naman ng dugo sa katawan. Ang tagal mo nagising ayun naubos ni deana at dash mga binibili ko na prutas sayo—"

"Sorry sa lahat ng ginawa ko ha. Okay lang kung hindi mo ko mapatawad grabe nga naman ang kasalanan ko sayo pero nagsisisi ako sa mga yun sorry—" tinakpan ko ang bunganga niya.

"Shh. Hush shut up daley baby hindi ka humihingi ng tawad pero napatawad na kita. Saka sabi ni ate Amphitrite patawarin kita dahil wala ka kasalanan. Ayan pinatawad na kita baka multuhin ako nun pag hindi kita pinatawad" sabi ko habang nakatingin sakanya.

"Alam mo ba ang ate mo ang nagbigay ng location ng bahay niyo na yun. Makabawi man lang daw sa mga kasalanan niya sayo mga pananakit niya sayo kahit wala ka naman daw kasalanan" kwento niya sakin. Kaya naiyak ako. Pasensya na iyakin lang.

Hinaplos haplos ni dale ang buhok ko habang naiyak ako. Hindi niya ako mayakap nahihirapan pa siya gumalaw.

Nilibing na agad si ate dahil sunog na ang katawan at hindi na rin makikilala.

"Ahm sorry din ha. Alam ko na kung bakit lagi mo ko sinisisi sorry kung dahil sakin namatay ang mommy mo—" tinakpan niya ang labi ko gamit ang kamay niya.

"Wala na yun. Matagal na yun. Hindi mo kasalanan na pinatay ng ama mo ang mommy ko. Wala ka kasalanan" sabi ni dale kaya niyakap ko siya wala ako pake kung may sugat siya charot.

"Basta sorry talaga ha" sabi ko at umiyak.

"Sorry din aphrodite. Sorry sa lahat. Mahal naman talaga kita pero ang ate mo lagi humahadlang" sabi niya. Kaya tumango tango ako. Hindi naman ginusto ni dale na awayin ako kaso mas mabuti na daw malayo ako sakanya dahil baka saktan ako ni ate Amphitrite.

"Oh gising ka na pala! Welcome back kuya dale ko na napaka gwapo joke baka matuwa ka" sabi ni deana at dire diretso umupo sa sofa.

"Musta pakiramdam mo?" Tanong naman ng bagong dating na si dash.

"Buhay pa naman pero ikaw para kang nalugi anyare sayo?" sabi ni dale. Umiling lang si dash at umupo sa isang tabi. Nagiging madalas pagiging tahimik ni dash.

"Kuya dale!" Napatingin kami kay saturn na natakbo papunta kay dale.

"Aww baby wag dyan masakit dyan" sabi ni dale at iniinda ang sakit. Sino ba naman hindi masasaktan eh bigla tumalon si saturn.

"Oh I'm sorry kuya. How are you na po? Nag cry po ako nung sinabi ni mommy na nasa hospital ka akala ko po mamamatay ka na hindi pinapakasalan si ate aphrodite" sabi ni saturn kaya napataas ang kilay ko. So pinag uusapan nila ako pag sila dalawa lang?

"Ay sana ol papakasalan. May future sister in law na pala ako" sabi ni deana kaya binato ko siya ng tsinelas ko pero naka ilag siya.

"Sus kunyari naiinis pero kinikilig yan" sabi pa ni dash.

Natawa naman si dale pero napangiwi din dahil may sugat nga siya.

"Baby girl naman secret yun diba. Ayan narinig na nila" sabi pa ni dale kay saturn.

"Oh gosh oo nga pala. Sorry kuya nalimutan ko." Tumingin samin si saturn isa isa kami tinidnan. Tumayo siya sa upuan niya at tumayo sa gitna.

"Pinag uutos ko! Wala kayo narinig okay?! Kalimutan niyo sinabi ko" sabi ni saturn habang nakanguso. Napataas kilay ko sa sinabi niya. Mukhang namana neto pagiging matapang magsalita ni kuya jupi ah.

"Ang cute mo mukha kang prinsesa na brat" sabi ni dash kaya sinamaan siya ng tingin ni saturn.

"Princess lang ako hindi brat!" Inis na sabi ni saturn

"Jusko dash pati bata aawayin" sabi ni deana kaya natawa ako.

Ang cute nga naman ni saturn may crown pa siya tapos naka dress na pink.

"Hoy kayo nagdala dito tapos aawayin niyo grabe kayo" sabi ko at niyakap si saturn.

"Ate aphrodite di natin bati si kuya dash inaway niya ako" sabi niya kaya natawa ako.

"Okay po hindi natin bati. Sige na makipag kwentuhan ka na kay kuya dale" sabi ko kaya tumango siya at lumapit kay dale.

"Kuya dale inaaway ako ni kuya dash oh" sumbong niya habang masama ang tingin kay dash.

"Aba nagsumbong ka pa—"

"Hayaan mo yan pangit si kuya dash wag mo na pansinin" sabi ni dale at sinuklay suklay ang buhok ni saturn.

"Bro, kambal tayo bro baka nalimutan mo lang" sabi ni dash kaya natawa naman sila.



PAVOTEEEEE THANK YOUUUU!

UNWANTEDWhere stories live. Discover now