CHAPTER 13

373 18 0
                                    

APHRODITE'S  

Nakatingin ako sa harap ng salamin ko. Naka dress ako graduation namin ngayon.

Proud kaya sakin yung totoo ko na magulang kahit wala akong award? Atlis naka graduate diba. Sana proud sila.

"Uy halika na baka malate ka sa graduation mo" napatingin ako sa pinto nandun si dash.

"Oo sunod ako wait lang" sabi ko kaya tumango siya bago umalis.

Lalabas na sana ako ng kwarto pero naalala ko may regalo sa may study table ko. Magandang kwintas yun akala ko nga hindi akin eh nakalagay kasi sa kwintas ay 'mi vida' hindi ko alam ano ibig sabihin nun may katabi din na sulat to.

Aphrodite,

Congratulations Aphrodite my life. My beautiful goddess aphrodite.

Suotin mo yang necklace na binigay ko okay?

Yun nakalagay nakakatakot charot ang weird di ko kilala sino nagbigay at sa mismong kwarto ko pa nakalagay tsk. Pero nakakakilig yung sinabi niya ha beautiful goddess hihi. Bago ako lumabas sinuot ko yung kwintas kahit di ko kilala yung nagbigay.

"Wow ang ganda ng prinsesa namin oh!" Napatingin ako sa salas dito sa Trevino mansion. Nandun si tito gabriel, tita Victoria, deana, dale at dash masaya nilang tinitidnan si deana.

"Dalagang dalaga oh! Ganda ka dyan?" Pang aasar ni dash kaya hinampas siya ni deana.

"Papa si dash oh" pagsusumbong ni deana.

Gusto ko din ng ganto. Pamilya gusto ko ng masaya na pamilya pero hindi ko alam kung may pamilya ba ako. Pero masaya naman dito kahit hindi ko na makilala totoo kong pamilya.

"Oh napaka gandang bata naman ni aphrodite oh" sabi ni tita ng makita niya ako na nasa tabi lang.

"Aphrodite congratulations graduate ka na sa junior high mamaya" sabi ni tito at tumawa.

"Oo nga po eh. Pasensya na po wala ako medal hindi naman ako ganun katalino hehe" sabi ko at tumawa.

"May medal ka oy! ikaw yung pinaka magaling na player ng badminton this year aba!" Sabi ni deana

"Hay nako tara na baka malate pa kayo" sabi ni tita kaya isa isa kami lumabas.

Napatingin ako kay dale na nakatingin sa kwintas ko. Napahawak tuloy ako sa kwintas ko.

"Bakit ganyan ka makatingin sa kwintas ko?" Sabi ko.

"Kanino galing yan?" Tanong niya habang nakatingin sa kwintas ko.

"Hindi ko din alam nakita ko lang sa study table ko sa kwarto ko ang ganda nuh? Pero hindi ko alam meaning nung nakalagay eh 'mi vida'" sabi ko. Himala hindi siya mukhang badtrip ngayon.

"My life in English. 'mi vida' ay isang Spanish word" sabi niya at nauna umalis.

Gago si dale ba yun? Bat hindi masama tingin sakin? Tapos parang nakita ko ngumiti?! Ngumiti ata talaga eh! Baka may sapi?! So weird!


"KAILANGAN ba talaga lahat ng Trevino nandito?" Bulong ni faye sakin kaya natawa ako. Kumpleto kasi yung angkan ng Trevino dito nandito sila lahat para kay deana.

"Syempre graduation ni deana kaya nandito sila lahat proud lang sila kay deana kaya ganun" sabi ko.

"Sino kasama mo aakyat sa stage? Akin kasi si daddy." Sabi ni faye.

"Ewan" sabi ko lang. Nakakahiya naman kung si tito gabriel ang kasama ko umakyat sa stage para kunin ang dimploma diba.

"Nandyan naman yung tito gabriel mo siya na lang" sabi ni faye. Alam na kasi niya na inampon ako ng tatay ni deana.

"Nakakahiya wag na" sabi ko.

"Grade 10 section 3 pumila na kayo na ang susunod." Sabi ng isang staff kaya pumila na kami.

"Hija let's go" napatingin ako kay tito George.

"Ikaw po sasama sakin sa stage?" Nakangiti na sabi ko.

"Of course hija last year nung nakakuha ka ng medal si gabriel ang kasama mo diba? Pwes ngayon ako naman" sabi ni tito. Hindi ko alam pero napaiyak ako.

"Thank you po tito kahit hindi niyo ako tunay na anak pero pinaparamdam niyo sakin na parang anak niyo talaga ako" naiyak na sabi ko. Kahit pala wala na ang totoong pamilya ko. Nandito naman sila eh tinuturing nila ako na tunay na anak.

"George! Ano ginawa mo bat umiyak si aphrodite? Sayang yung make up!" Inis na sabi ni tita helen asawa ni tito George.

"Sweetheart wala ako ginawa sabi ko lang ako sasama sakanya paakyat ng stage" sabi ni tito at tumawa kaya natawa din ako. Masyado lang talaga akong iyakin.

Humarap sakin si tita helen at inayos ang mukha ko.

"Oh bat naiyak si aphrodite?" Napatingin kami kay tita grace.

"Si George kasi pinaiyak" inis na sabi ni tita helen.

"Tita hindi niya ako pinaiyak masaya lang ako kasi tinuturing niyo ko na parte ng pamilya niyo" sabi ko at pinunasan ang sipon ko.

"Ano ka ba! Pamilya ka talaga namin kadugo man namin ikaw o hindi pamilya ka namin anak ka namin ayaw mo nga lang kami tawagin na mommy at daddy pero anak ka namin" sabi ni tita grace at inayos ang make up ko.

"Oh tama na yan baka lalo lang umiyak si aphrodite dun na nga kayo dalawa!" Pagtaboy ni tito kaya natawa ako.

"Ito na kuya aalis na ikalma mo" sabi ni tita grace at umalis na sila.

"UYY picture tayo bilis picture!" Napatingin ako kay dos na sumisigaw. Parang tanga.

"Halika picture daw oh!" Sabi ni deana at hinila ako papunta sa pwesto nina dos.

"Wait papicture tayo kay bella" sabi ni uno at hinila yung bunso nila na kapatid.

"Oh pwesto na pwesto!" Sabi ni bella.

"Uy sali ako!" Napatingin kami sa bagong dating. Si daryl.

"Ginagawa mo dito? Bukas pa recognition niyo ah" sabi ko.

"Tinidnan ko lang kung totoong naka graduate yung mga kaibigan ko" sabi niya at ngumisi.

"Kapal ng mukha nito" reklamo ni cloud kaya natawa kami.

"Wow perfect!" Sabi ni bella kinuhaan ata kami habang natawa.

"Oh ayos na isang picture pa" sabi ni bella at tinapat ulit samin ang camera.

"Yown salamat mahal kong kapatid pakiss nga" sabi ni dos at hinalikan sa noo ang kapatid.

"Ang ganda mo dito aphrodite oh yung natawa tayo parang sobrang saya mo. Si deana oh ganda ng ngipin parang binibida niya ang ngipin niya satin. Si faye mas mahinhin pa sa nanay ko tumawa" sabi ni dos habang tinitidnan mga picture namin.

"Oh si cloud mukhang tae dito— aray! Bat nananakit ka?!" Inis na sabi ni dos kay cloud.

"Excuse me po ano kukunin ko muna si aphrodite at deana magpipicture din kasi sila" sabi ni ate venus.

"Sure kunin mo na" sabi ni daryl habang nakatingin kay ate venus.

"Hoy daryl umayos ka mga tinginan mo ha mas matanda ng isang taon sayo yun!" Sita ko sakanya ng umalis si ate venus.

Ngumisi siya.

"Isang taon lang naman pwede na" sabi ni daryl at umalis.

Aba—

"Aphrodite halika na picture na kayo bilis!" Sigaw ni hecate.

"Oh picture kayo ni deana kasama si dale at dash" sabi ni tita grace kaya Napatingin ako sa katabi ko na si dale na parang wala lang sakanya yung pag picture namin.

"Anak dale dikit ka konti kay aphrodite wag ka lumayo" sabi ni tita. Lumapit siya sakin magkadikit na kami! Tangina naramdaman ko inakbayan niya ako!!

"Aphrodite hija ngumiti ka para kang natatae dyan" sabi ni tita kaya natawa yung iba. Ngumiti ako ng pilit.

"Ayan!! Ang ganda lagay natin to sa salas papaframe ko to." Sabi ni tita Victoria naman.

Sige tita penge copy..






PAVOTE THANK YOU MWUAH!

UNWANTEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora