CHAPTER 8

390 20 7
                                    

APHRODITE'S



Nakakasama ng loob. Kasi ba naman napapagitnaan ako si faye kasama si uno. Si deana kasama si cloud. So ako lang walang kasama di naman nila sinabi kailangan ng partner pag kumain sa cafeteria na to. Wala din si Hendrick kasama niya daw si dale may pupuntahan daw sila na importante wala tuloy ako kausap.




"Hoy himala busangot ka? Ano nangyari sayo?" Napatingin ako kay dos na bagong dating kasama si daryl.





"Sino ba naman matutuwa?! Kita mo mga katabi ko may sari-sariling mundo! Wala ako kausap may kanya kanya sila kausap" inis na sabi ko.




"Sabi sayo tayo na lang eh malay mo tayo pala talaga para sa isat isa" pang aasar ni dos kaya sa inis ko sinabunutan ko siya.




"Ah talaga ba dos? Pakyu!" Inis na sabi ko bago umayos ng upo.



"Ay jusko aphrodite di ka mabiro galit na galit gusto manaket?" Sabi ni dos.




"Oo at ikaw ang sasaktan ko!" Inis na sabi ko.





"Para kayong mga bata" sabi ni daryl.




"Ginagawa mo dito? Senior high ka na ah" sabi ko pa.




"Wala kami klase ngayon pinag uusapan yung darating na graduation at recognition day" simpleng sabi niya habang nainom ng juice.





"Ay oo nga graduation na malapit na! Excited na ako!" Sabi ni dos.




"Akalain mo yun makaka graduate pala kayong tatlo" pang aasar ni daryl.




"Gago syempre kami pa ba" sabi ni uno.




"Uy aphrodite tambay tayo sa mansion mamaya tayong tatlo nina faye" sabi sakin ni deana.



"Nandun ba kuya mo?" Ayaw ko muna makita pagmumukha ni dale oo gusto ko siya pero masama loob ko sakanya ngayon.




"Hmm si dash nandun pero si dale umalis sila ni Hendrick diba" sabi niya. Ay oo nga nakalimutan ko.



"Sige eh ano gagawin natin dun?" Tanong ko.



"Manunuod movie" sabi niya kaya tumango ako at kinain yung pagkain ko.





TREVINO MANSION.




ayun nandito kami sa sala Habang nililinis nina ate na kasambahay yung entertainment room. Yaman diba may entertainment room pa.




"Wait kuha ako snacks sa ref namin at inumin." Sabi ni deana kaya tumango lang kami ni faye.



"Ang laki ng bahay nina deana nuh" bulong sakin ni faye.




"Sus baka nga mas malaki pa bahay niyo sa japan eh" sabi ko habang naka higa sa sofa na mahaba nila. Wala naman tao kaya pwede ako humiga wala din si dale kaya okay lang to.




"Hoy hindi ah! Malaki bahay namin oo pero di tulad neto mansion to eh" sabi pa niya habang natingin tingin sa paligid.







"Oh may bisita pala si deana" napatingin kami sa hagdan. Alam ko si dash na to hindi kumakabog ng malala ang puso ko eh at yung salita niya iba.





"Ay hello po" magalang na sabi ni faye.





"Hello faye. Wag ka mahiya ha feel at home lang parang tulad ng isa dyan naka higa pa sa sofa" sabi ni dash kaya sa inis ko binato ko siya ng unan.





"Hoy grabe ka sakin ha!" Inis na sabi ko at umupo.





"Umayos ka nga ng upo para kang di babae eh" sabi ni dash at umupo sa tabi ko.




"Ano pala ginagawa niyo dito? May project kayo na gagawin? Assignment?" Tanong ni dash.





"Wala po manunuod lang daw kami sabi ni deana" sabi ni faye. Ang galang masyado kay dash huh.




"Namiss ata kami kabonding ng kapatid mo" sabi ko.



"Namiss din kita aphrodite" sabi ni dash habang nakatingin sakin.




"Ha?"



"I mean namiss kita dito sa bahay yung pangungulit mo sakin dati" sabi ni dash at tumawa.



"Sus miss mo ko eh magkatapat nga lang condo natin pwede ka naman pumunta dun sa condo ko ilang lakad lang" sabi ko at tumawa.




Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo buhok ko.



"Iba pa rin pag dito tayo sa mansion aphrodite" sabi niya kaya napangiti ako.




"Okay na po yung entertainment room? Ah sige po salamat po sa pag linis ate" napatingin kami kay deana na kausap ang isa sa mga kasambahay nila. Pagkaalis ni ate lumapit samin si deana.



"Uy okay na daw yung entertainment room tara na!" Yaya samin ni deana.



"Sama ka?" Tanong ko kay dash na nasa tabi ko. Tumango siya sakin.



Aakyat sana kami ng biglang napatingin kami sa pinto ng may pumasok. Si dale kasama ang girlfriend niya.



"Oy dale" bati ni deana sa kuya niya.



"May bisita ka pala" sabi ni dale at tinidnan kami ni faye.



"Ah oo manunuod kami ng movie sa entertainment room sama kayo?" Tanong ni deana. Hindi sana pumayag. Hindi sana pumayag naiinis pa din ako sakanya eh.



"Ano papanuodin niyo?" Sabi ni isabella.



"Ahm Got 2 believe" sabi ni deana. Nakita ko na nalukot ang mukha ni isabella na parang ayaw niya nung palabas.



"Anong movie yun?" Maarte na sabi niya.



"Maganda yun. Pero kung ayaw mo okay lang wag na kayo sumama" sabi ni deana.



"Hindi naman sa ganun!" Gulat na sabi ni isabella.



"Tangi-- ahm sinisigawan mo ko miss?" Seryoso na sabi ni deana.



"H-Hindi ahm tara na manood mukhang maganda yung movie na yun" sabi pa ni isabella at ngumiti ng peke.





"Okay tara" sabi ni deana at nauna umakyat. Bago ako umakyat napatingin ako kay dale na nakatingin sa kamay ni dash na nasa balikat ko naakbay kasi sakin si dash.


Tingin tingin niya dyan?! Bwisit. Inirapan ko lang siya at umakyat na din kami ni dash.













PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!

UNWANTEDWhere stories live. Discover now