CHAPTER 5

508 18 4
                                    

APHRODITE'S

Pota.


Ang puso ko. Lumalakas ang kabog pag nasa paligid si dale!


"Sure baby" pag payag ni dale.


"Yehey madami ako kalaro!" Rinig ko na sabi ni saturn.


Umupo si dale sa tabi ni saturn. Habang ako kunyari busy.


"Good afternoon sir! What's your order sir" sabi ni saturn Kay dale.


"Hmm... Can I..." Napatingin ako kay dale na ang tagal magsabi nagulat ako ng nakatingin siya sakin at nung nakita niya nakatingin ako sa kanya bigla siya ngumisi kaya napa iwas ako ng tingin. "can I have a cheeseburger?" Narinig ko na sabi ni dale



"Oh okay sir!" Sabi ni saturn at may kung ano siya na kinuha sa lalagyan may kitchen set kasi siya dito pang mayaman talaga laruan neto eh.


"Ate aphrodite slice this po then ito po lalagyan. Open niyo po ang gas stove para maluto siya" binigyan ako ng Patty na laruan syempre hihiwain mo pa yun.



"Okay madam" sabi ko at ginawa ko yung utos ni saturn.



"Kuya dale! Ate aphrodite is pretty po nuh?" Sabi ni saturn kaya Napatingin ako kay dale na nakatingin sakin.


Tangena- bat nakatingin sakin to?!


"Pretty ampota" rinig ko na bulong ni deana habang natawa. Napatigil lang siya ng sinuway ko siya.

"Wag ka magmura sa harap ni saturn gaga" bulong ko at ginawa yung pinapagawa ni saturn.


"Wow nahiya ako sayo ha" bulong pa ni deana.


"Yeah she's pretty. Aphrodite is pretty" napatingin ako kay dale na nakatingin din sakin. So potangina ano trip niya?! Kala ko ba galit siya sakin?! Bat nilalandi niya ako mygosh!


"Yieee kilig pwet ni aphrodite" rinig ko na asar ni deana.

"Ewan sayo porke wala kang pwet eh!" Bulong ko sakanya at humarap kay saturn.


"Baby tapos na to oh bigay mo na kay kuya dale" sabi ko kay saturn.


"Ate ikaw na po magbigay niluluto ko po yung spaghetti na order ni ate deana" sabi ni saturn.


"Uyy ikaw naman pala magbibigay" rinig ko na pang aasar ni deana.



"Oh burger mo" sabi ko at nilapag malapit sakanya yung burger.


"Call me sir customer ako diba?" Naka ngisi na sabi niya. Minsan malakas tama ng lalake na to sarap mahalin- este sarap batukan dahil sobrang gwapo- ay I mean sobrang abnormal.


"Ito po order mo SIR" sabi ko bago umayos ng upo.


"Uyyy anong laro yan huh" napatingin kami sa hagdan nakita namin si dash pababa galing kwarto nila siguro.


"Sakalan yung laro gusto mo sumali?" Inis na sabi ko at inirapan si dale na nakangisi sakin.


Bwisit hinaharot ako!










"HAYST pota natapos din ang dinner makakatulog na din sa wakas!" Sabi ko habang nakahiga sa kama. Napatingin ako sa paligid wala pinagbago ito pa rin ang kwarto ko nung bata ako hanggang sa lumaki.



Dahil nasa kwarto nanaman ako nararamdaman ko nanaman ang pagiging mag isa ko. Aba malamang selp mag isa ka sa kwarto kaya nararamdaman mo mag isa ka




Gusto ko maalala ang tunay kong pamilya. Pero ang problema pag pinilit ko makaalala sumasakit ulo ko. Badtrip. Gusto ko lang naman sila maalala bakit hindi ko maalala.





Napatingin ako sa pinto ng may kumatok sa pinto at ayun bumukas ang pinto wala pa ako sinasabi na pasok eh.



"Huy babae nandito ako para mag good night saka ito oh gatas dadalhin dapat ni manang dito dahil di ka daw makatulog walang gatas kaya ako na nagdala" sabi ni deana at pumasok sa kwarto ko.



"Salamat lagay mo na lang dyan sa tabi" sabi ko habang nakatingin sa kisame.


"Aphrodite" tawag sakin ni deana na nakaupo na sa sofa sa kwarto.


"Oh?" Tanong ko.



"Bat hindi ka na dito sa mansion nakatira?" Curious na tanong niya.


"Alam mo naman na dito nakatira si dale diba? Mainit dugo nun sakin kaya pagdating ko sa edad na 16 hiniling ko na hihiwalay ako ng bahay kahit apartment lang malapit sa school okay na pero condo binigay nila. Saka lagi ako sinasabihan ni dale dito na pabigat na kaya lang daw ako nandito dahil naawa sina tito sakin malas daw ako. Ako may kasalanan ng lahat kaya nagkanda letche letche buhay niya pero wala naman ako ginagawa na masama sakanya ayaw niya naman sabihin ang rason kaya ayun kaya may condo ako kaya nandun ako" mahabang paliwanag ko at nagpunas ng luha. Mukha lang ako matapang pero iyakin talaga ako.



"Eh diba minsan nandun siya sa condo niya?"




"Pag nandun siya hindi ako nalabas ng condo ko dun lang ako sa loob hanggang sa sabihin ng mga staff na umalis na si dale ayaw ko kasi sumbatan niya ako dun kasalanan ko ba na lumaki ako na walang magulang kaya naawa sakin ang pamilya niya at inampon ako? Kasalanan ko ba na ayaw sakin ng magulang ko kaya pinamigay na lang ako? Kasalanan ko ba na hindi ako mahal ng magulang ko?" Sabi ko habang naiyak ng tahimik.


"Aphrodite" mahinang sabi ni deana.



"Aphrodite ilang beses ko ba sasabihin sayo na mahal ka ng tunay mong magulang" napatingin kami sa pinto nandun si tito gabriel.



Umupo ako sa kama at nagpunas ng luha.


"Anak deana matulog ka na gabi na hinahanap ka ng nanay mo na laging highblood" sabi ni tito gabriel.



"Pero si aphrodite papa..."



"Sige na ako na bahala baka maging dragon na nanay mo lagi nabubwisit sa mukha ko" natatawa na sabi ni tito kaya nagpaalam na samin si deana.



"Aphrodite diba sabi ko sayo mahal ka ng magulang mo tidnan mo buhay ka dahil sakanila hindi ka nila bubuhayin kung hindi ka nila mahal" paliwanag ni tito gabriel. Yan lagi niya sinasabi sakin. Mahal ako? Kaya pala pinamigay ako




"Bat nila ako pinamigay kung mahal nila ako?" Sabi ko habang nakatingin sa sahig.



"May dahilan kung bakit ka nila pinamigay aphrodite tandaan mo yun huh. oh hala matulog ka na at gabi na" sabi ni tito. Tumayo siya at kinuha yung gatas ko para ibigay sakin.


"Matulog ka pagkatapos mo uminom ng gatas ha" sabi ni tito at hinalikan ako sa noo bago umalis ng kwarto.



Pagkatapos ko uminom ng gatas humiga na ako at tumingin ulit sa kisame hanggang makatulog ako.









Pavote thank you mwuah!


UNWANTEDWhere stories live. Discover now