CHAPTER 10

433 16 0
                                    

APHRODITE'S

(Flashback)

Nakatulala ako dito sa malaking garden ng nakapulot sakin ang babait nila lahat pero nalulungkot pa din ako dahil hindi ata ako love ng totoong magulang ko kaya nila ako pinamigay.

"Uyy Aphrodite tara laro!" Napatingin ako sa nagsalita si Hendrick sabi niya nagsisilbi daw ang papa niya sa mga trevino kaya din daw siya nandito dahil balang araw siya daw papalit para manilbihan sa mga trevino. Ewan ko dyan di ko siya gets.

"Wala ako gana ikaw na lang maglaro" sabi ko at hinawakan yung magagandang bulaklak.

"Pero-"

"Hendrick anak nasan ka?!" Hindi natuloy ni Hendrick ang sasabihin niya ng narinig niya na sumigaw ang papa niya.

"Ahm wait aphrodite ha wag ka aalis dito saglit lang ako" sabi ni Hendrick at umalis.

Habang naglilibot libot ako sa bahay na to hindi ko napansin nandito na ako sa tapat ng malaking gate nila. Naka bukas yung malaking gate nila kaya lumabas ako.

"Psst bata" napatingin ako sa nagsalita malaking tao siya naka sumbrero na itim naka damit din na itim.

"Ako po?" Sabi ko at tinuro ang sarili tumango siya sakin at sinenyasan akong lumapit.

Bago pa ako makalabas may humawak sakin napatingin ako sa humawak sakin. Hindi ko alam pero natulala ako sa mukha niya masyadong seryoso ang mukha niya pero ang pogi pa din. Lagi na lang ako natutulala sakanya malamang si dale to hindi si dash yung kakambal niya.

"B-Bakit?" Nauutal na sabi ko. Inakbayan niya ako para makapasok at sinara ang gate.

"Mr. Morris!" Sigaw ni dale habang ako nakatingin sakanya.

"Yes sir?" Magalang na sabi ng matanda kay dale.

"May nakita akong lalake sa labas balak niya kunin si aphrodite akala niya siguro isang trevino ang bata na to siguraduhin niyo na mahuhuli yun at baka balikan niya si aphrodite" sabi ni dale kay Mr. Morris. Tumango si Mr. Morris bago umalis.

Tumingin sakin si dale.

"Sa susunod pag may tumawag sayo na hindi mo kilala wag ka basta lalapit gusto mo ba makuha ka nila? Pag kinuha ka nila sasaktan ka nila dun hindi ka nila papakainin dun sa sahig ka nila papatulugin papatayin ka nila dun dahil mapagkakamalan ka nila na Trevino" sabi ni dale sakin. Dahil sa mga sinabi niya natakot tuloy ako lumabas ng gate nila.

"A-Ayaw ko na patayin nila ako" takot na Sabi ko.

"Yung lalake kanina gusto ka nun kunin kaya sa susunod wag ka basta kakausap o lalapit pag di mo kilala naintindihan mo aphrodite?" Sabi niya.

"Natatakot ako pag kunin nila ako" sabi ko at parang iiyak na ako. Niyakap ako ni dale.

"Hindi ka nila masasaktan nandito kami nina daddy pati ni dash lalo na ako hindi kita papabayaan tandaan mo yan" sabi ni dale at niyakap ako ng mahigpit.

"T-Tatandaan ko yun" sabi ko.

"Good"

(End of flashback)

Naalala ko yung araw na mabait sakin si dale. Ewan ko ba bigla na lang siya nagalit sakin isang araw at hindi na talaga ako kinausap galit na galit siya sakin abnormal ata yun.

"Aphrodite!" Nagulat ako sa sigaw ni deana na nasa tabi ko.

"Ano ba yun?!" Inis na sabi ko.

"Kasi naman kanina pa ako salita ng salita di ka naman ata nakikinig! Ang sabi ko baka nambabae na si cloud ang tagal niya sabi niya may date kami ngayon!" Inis na sabi niya.

"Kumalma ka baka nasa byahe pa yun" sabi ko at tumingin sa malaking tv nila dito sa sala. Nandito kasi ako sa Trevino mansion wala lang tambay tambay lang ganun pero iniiwasan ko yung isang tao dito pero sabi ni deana wala daw dito ngayon buti naman kung wala tsk.

"Maam deana nandyan na po si sir cloud sa labas" sabi ni ate (kasambahay)

"Sige ate sabihin mo wait lang" magugulat ka na lang sa mabilis na pagbabago ng mood ni deana kanina lang parang gusto na ako sakalin ngayon parang anghel na siya jusme may baliw ata akong kaibigan.

"Ay babae okay lang ba iwan kita dito?" Saka ata niya napansin nandito ako nung humarap siya sakin.

"Kung sinabi ko ba na hindi mapipigilan ba kita? Go! Kaya ko mag isa " sabi ko at inirapan siya.

"Wow marunong kana mag sungit ha! Sige na bye! Dito ka matulog ha! May pasalubong ako sayo mamaya bye!" Sabi niya at tuluyan na nawala.

Huminga ako ng malalim at pumasok sa kwarto ko dito sa mansion. Humiga ako sa kama at nagpatugtog habang nakatulala ako sa kisame hanggang sa hindi ko napansin nakatulog na ako.

'hey baby sleep ka muna ha pag gising mo ligtas ka na'

Nakatingin ako sa babae na nasa harap ko pinapatulog niya ako. Kahit anong titig ko di ko makita mukha niya dahil napaka labo talaga. Bago ako makatulog may narinig ako na malakas na putok ng baril.

'ahhh!!'

"Wag!!!" Napabangon ako. Yun nanaman ang panaginip ko! Lagi na lang pero sino ba yun?!

"Aphrodite!" Napatingin ako sa tabi ko si dash mukhang nag aalala sakin.

"Ayos ka lang aphrodite? Nanaginip ka nanaman ng masama?" Tanong niya.

"Lagi naman" sagot ko at huminga ng malalim.





PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!

UNWANTEDWhere stories live. Discover now